Chapter 15

0 0 0
                                    


“Ikaw at iyong taga-Generosity ang makaka-partner mo. Kapag nanalo ka–kayong dalawa, plus five points ka sakin direct to the card” kanina pa kase kinakausap ni ma'am si Reign tungkol sa contest.

Syempre kung ikaw pa naman bibigyan ng mataas na grade. Well, hindi na ako tatanggi. Pero si Reign ang pinili ni Ma'am at okay lang sakin.

“Sige, Ma'am. Kala ko ba Ma'am si Alex ang ka-partner ko?”

“Kaya nga, kaso mukhang ayaw niya naman niya. Busy rin sa boyfriend niya paano mo isasali iyan?” sabay turo nito sakin. I take a deep breath.

May gusto sana akong sabihin kaso huwag nalang, ikakasira ng mood ko ang gagawin ko. Sira na pala mood ko.

“Hindi naman Ma'am” siya na ang sumagot kay Ma'am. For sure gusto niya rin na hindi ako ang ka-partner niya. We both know that she can cook, as well as me.

Ngayong linggo na ang contest na ito, at isang linggo na rin simula ng mag-practice siya ng basic things about cooking or preparing ingredients, how to setup the food etc.

Pero ngayon lang ang official na nililista ang mga gusto sumali, gusto ko sana dahil malaki na rin ang twenty thousand na cash prize para sa second place.

Kung ikaw kase ang mananalo, ang grand prize mo ay fifty thousand and ang lastest version ng Ps4, na gusto kong ipabili kay Papa pero ayaw niya.

Twenty to thirty thousand ang Ps4 na iyon. Doble na ang ganda nito sa dating Ps4, sikat rin ang game na Retroarch na gawa pa ng isang Japanese-Filipino.

Kaya gusto ko itong ipabili kay Papa, kaya ngayon rin dito ako nagbabakasakali kaso ay hindi ako sinama ni Ma'am.

If ever ako ang ka-partner niya, sa kanya na ang fifty thousand at akin nalang iyong Ps4 na iyon.

Busangot akong tumingin sa katabi ko na sayang-saya ikwento ang love life niya, nuong nakaraang araw sabi niya bibigyan niya ako ng chocolate pero si Reign lang ang binigyan niya at sina Sydney.

“Yung chocolate na sinasabi mo. Wala ka namang binigay” reklamo ko sa kanya.

“Sorry, apat lang iyon eh. Sa susunod”

“Oo! Sa susunod dalawa na hihingin ko” tumawa lang ito at pinatuloy ang pagkukwento niya ng kung ano-ano na hindi ko naman maintindihan.

Hindi nagtuturo si ma'am ngayon kaya, malaya kaming magdaldalan, lumabas at kumain. Nagre-ready daw silang dalawa ni Reign kase sa Thursday na ang contest.

Tapos, kinabukasan program ulit. Closing ng Buwan ng Nutrition. Tapos, by next week, opening naman ng Buwan ng Wika.

Sana nga may twist itong Buwan ng Wika, hindi tulad ng dati na ang boring ng mga contest nila at ang program.

“Ma’am pwede na lumabas? Malapit na mag alas-tres” tanong ng isa naming kaklase na si Candy.

“Sige, dapat pag-tayo niyo diyan ay wala akong makitang kalat” agad naman nilang pinulot ang mga kalat nila, samin naman ay isang balot lang ng chichiriya na hawak ni Sydney.

Nang makalabas na sila ay sumunod kami ni Kathlyn. “Tapon mo na ‘yan, Kath” hawak pa kase nito ang isang chocolate na binigay ng boyfriend niya.

“May laman pa”

“Edi penge”

Bibigyan rin naman pala ako nito, palaging maaga kami sa Filipino dahil maarte ang teacher namin duon. Makita ka lang na may liptint, hindi nakatali o di kaya kapag iinom ka lang ng tubig ay magrereklamo na siya.

Pagakyat namin sa admin building na ay nakasabay pa namin ang mga kaklase naming lalaki na busy sa paghaharutan.

Hawak ko ang balikat ni Kathlyn kaya pwede ko siya kontrolin. I mean itulak para mapabilis ang paglalakad namin.

In DenialWhere stories live. Discover now