Chapter 13

2 0 0
                                    


“Axel! Wait lang” dire-diretso lang ako sa paglalakad palabas ng room, kanina ko pa siya hindi pinapansin.

Kanina pa rin niya ako kunukulit.

Sa sobrang inis ko nga ay nasapak ko siya kanina, paano ba naman ay akbayan ako at biglang halikan sa nuo. Na siyang ikinagulat ko at ikinainis ko at ayun nga nasapak ko siya.

Pati nga si Sir Lamson ay nagulat, masyado pa nga daw kaming mapusok. At kay bata-bata pa daw namin.

Ang iba naman ay kinikilig, tulad ni Kathlyn at nila Ellayne. Si Reign naman ay kinausap naman ako tungkol sa picture, nagsinungaling ako rito na nai-delete ko na. Pero ang totoo ay nasa isang secret file ito.

Tapos na kase ang English subject namin, hindi si Ate Mica ang teacher namin ngayon. Kaya maayos ang discussion at hindi ako malapitan at makausap ni Adrianne.

Kaya ngayong tapos na ang klase namin rito ay naunahan ko siyang lumabas at mabilis na tumakbo pababa. Ng makita nga niya ako ay hinabol niya ako. Kaya ang nangyari ay para kaming magjowa na may pinagawayan.

The heck, magjowa talaga self.  Erase that stupid thing you think.  Hindi pwede, wag kay Adrianne.

Takbo lang ako ng takbo, may lagnat parin ako. Pero malas ngayon dahil lalo yatang lalala, dahil kay Adrianne.

That flirty asshole!

Tumigil ako sa gilid ng hagdanan, habol-habol ko ang paghinga ko. Bumibigat na rin ang pakiramdam ko. Yari ako kay Ate, sabi pa naman niya ay wag ako pumasok.

Napansin ko nalang na may lumapit sakin, akala ko naman ay si Sydney si Adrianne lang pala. Na nahabol ako, parang bente-uno lang siya ang taya.

“T-tangina! A-ano ba kailangan mo!” hinihingal pa rin ako, napahawak ako sa ulo dahil umiikot ang paningin ko.

Nahihilo ako, anytime ay babagsak ako sa simento. Napahawak ako ng mahigpot sa railings, ganun rin sa ulo ko na sumasakit lalo.

“T-tangina mo, kasalanan mo to eh!”

“Kung hindi ka sana tumakbo, ikaw laya may kasalanan” sumbat nito sa akin. Siya ang may kasalanan, kanina niya pa ako kinukulit atal naiinis ako.

“Tsk, asshole”

“Narinig ko ‘yon. Ano bang nangyari sa’yo bat ang putla mo?” tanong nito at hinawakan ang braso ko. Sa kanang braso ko kung nasaan ang pasa.

“A-aray!” napasigaw ako ako ng wala sa oras, madiin rin ang paghawak niya sa braso ko.

Nagpumiglas ako, pero hindi kinaya ng katawan ko. Lalo akong nanghihina, fuck!

“Ayos ka lang ba?” bakas rito ang pag-aalala pati rin ang mata niya na nangungusap kapag tumingin ka rito.

“What do you think?!” sigaw ko rito, humigpit lalo ang pagkakahawak niya sa braso ko. Kaya namimilipit na ako sa sakit. “Masakit, Soriano” nanghihina—malumanay kong pagkakasabi kaya medyo nagulat pa ito.

Unti-unti na niyang tinanggal ang kamay niya, nakahinga naman ako ng maayos. Pero nanghihina parin ako, gusto ko ng umuwi.

Hindi ko alam ang sunod na nangyari, bigla nalang ako nahulog at bumigat ang talukap ng mata ko.

“Axel?!”

“Axel? Axel? Oy gising na!”

“Axel? Pre?”

“Axel” naramdaman ko na may tumatapik-tapik sa pisngi ko.

Iminulat ko naman ang mata ko, blurry ng vision ko. Naningkit ang mata ko, kinusot-kusot ko naman ito.

In DenialWhere stories live. Discover now