Chapter 6

0 0 0
                                    

Araw ng Lunes ngayon at may program dahil sa pagbubukas ng nutrition month.

7:36 AM

Gusto ko ng tumayo, namamanhid na ang paa ko. Baka ay umabot pa ito ng  9 o'clock. Hindi rin ako nakikinig at nanunuod sa kanila.

Naka-earphones kase ako, tapos dagdag mo pa ang init ng araw. Bakit hindi pa tapos ang misa.

Ayoko lang ng magdasal, tuwing nagdadasal or pumupunta kaming simbahan ay naaalala ko yung nung birthday ko na umiyak pa ako dahil sa nagpasalamat ako sa diyos.

Isa sa nkakahiyang pangyayari na ayaw ko ng maalala, at gusto ko ng mabura sa utak ko.

Dagdag rin sa sakit ng ulo ko ang dalawang mag-jowa sa harapan ko. Sa harapan ko ba talaga, tangina naman nila.

Why don't they get a room at duon sila maglampungan. Damn!

Nasa bandang likuran ako, medyo late na nga nakapasok eh. Ikaw pa naman hindi makatulog dahil sa ingay ni Papa kakasermon kay Ate ko.

Masyado na kaseng pasaway ito, tinatawag rin itong, bitch, whore, mang-aagaw. Paano kase plastic mga kaibigan niya, palagi ring nasasama sa away babae.

Kung hindi ko lang sinapak yung nanabunot sa kanya ay kalbo na itong bitchy na ito eh.

When I look on my right side I saw Adrianne, and he wink at me. Oh?  Ano na naman trip nito. I just glared at him.

Aaminin ko, he's handsome. May mapungay siyang mata sabay mo pa ang mahaba nitong pilik-mata, ang ilong nito na matangos. Ang labi nitong mamula-mula dahil sa liptint.

But, I'm not attracted to him. He's not my type. He's to flity with other girls, like Reign.

Umiwas ako ng tingin sa kanya, at napansin ko na nagtatayuan ang ibang estudyante. Mangungumpisal sila? Ah, hindi ko alam tawag dun. Nakalimutan ko na tawag dun. Basta ang alam ko kakain sila ng ostia.

“Katawan ni Kristo” nasa likuran lang namin ang isang pari habang hawak ang isang ostia.

“Amen” rinig kong sagot ng isang estudyante at isinubo ang ostia na nilagay sa kanyang palad. Sumunod naman sa kanya ang isang pamilyar na tao.

Palagi ko ‘tong nakikita eh, hindi ko lang alam name nito. Ang alam ko parang naging classmate ko na ito nung elementary.

Binaling ko nalang ang atensyon ko sa cellphone na hawak ko, binuksan ko ito at inilapat ang kanta.

Opening ito ng Naruto Shippuden ah.

Nilakasan ko pa ang volume nito, naging mas maingay pa ang paligid ko ng magsimula na mag speech si Ma'am Boromeo.

Sumunod sa kanya ang Head ng H.E Department. Hindi ko alam yung name niya, pero kilala ko yun–dati.

After twenty minutes of speech na ay pinatayo na kami at tuloy daw ang second class namin. Ang gara naman, ang sakit na kaya ng pwetan ko tapos ang init pa.

“Oy! Sydney. Sabay na tayo.” sabi ko pagtayo ko. Shit! namamanhid pa ang paa ko.

“Tanginang yan, pre. Ang init init” wika ni Sydney. Kay sinenyasan ko na na pumunta kami sa canteen para bumili ng tubig.

Bumili ako ng isang boteng tubig, kahit na may baon akong tubig sa bag. “Napansin ko si Soriano. Tingin ng tingin sayo” nakasunod pala sa amin si Kathlyn at si Alexia

“Anong meron?”

“Wala naman, trip lang siguro ako tignan” walang gana kong sabi.

“Eh.. ano yung nakita ko sa Fb post niya? Ba’t may patungkol sayo?” naningkit ang mata ko sa narinig ko.
Nilingon ko ang kinikilig-kilig pang si Kathlyn.

Napansin niya rin na naningkit ang mata ko at nakataas ang isang kilay.

“Patingin ako mamaya ha” wika ko sa kanya at naunang pumasok sa Esp subject. Kahit mayroon nalang kaming thirty minutes.

Nauna ako sa paglalakad at pagpasok pati narin sa pagupo sa pwesto namin sa harapan.

Badtrip!

Pagkapasok nilang lahat ay nagbigay lang ng assignment si Sir.

“Kung magdi-discuss pa ako, hindi rin sapat yung oras. Kaya ipasa niyo nalang sa niyo nalang sa Huwebes ang assignment niyo. Sa isang bond paper niyo gagawin”

“ “Ano nga ba ang pagkakaiba ng pagiging tao at pagpapakatao?”–yan ang sasagutin niyo.” paliwanag ni Sir kaya kinuha ko ang notebook ko at isinulat ang sinabi niya.

Mamaya o pwede naman ngayon ay pwede ko itong sagutin. Pwera nalang kung may mangongopya sakin ngayon ay mamayang gabi nalang.

In DenialWhere stories live. Discover now