Chapter 11

0 0 0
                                    

Umaga na ako nagising. Isang araw pala ako nagkulong rito sa kwarto ko. Akala ko nga eh kagabi ako magigising pero hindi pala.

Nagising nalang ako na linggo na pala at alas-otso na ng umaga. Mabigat rin ang katawan ko. Kaya dahan-dahan akong pumuntang banyo at naligo na.

Matapos maligo ay nagbihis na ako, napansin ko rin sa salamin na lalong nangitim ang pasa ko na kasing laki ng kamao. Shit!

Nagmadali akong patuyuin ang buhok ko at lumabas ng kwarto. Sa pagbaba ko mula sa hagdan ay naubutan ko si Ate at Mama sa kusina. Nang maramdaman nila ang presensya ko ay nilingon nila ako.

Naglakad ako papalapit sa tabi ni Ate at naupo. “Bakit hindi niyo ako ginising, Ma?” tanong ko kaya Mama na nagluluto ng ulam.

“Sa taas ng lagnat mo, sa tingin mo magigising pa kita?” tanong sakin pabalik ni Mama. Nilingon ko naman si Ate, na maaliwalas ang mukha niya ngayon.

“Ginising kaya kita, Xel. Kaso ang ayaw mo magising, ng nahipo ko nuo mo ang init mo kaya tinawag ko si Mama”

“Ano ba nangyare, nak?” tanong ulit ni Mama. Mahirap naman sabihin ito dahil kay Ate Mica. Nagaalala rin ako sa kanya, halata kase na buntis ito eh.

“Pumunta rin pala kaklase mo rito, Reign ang pangalan nita. Pinapasabi na pakibura yung picture na nasa cellphone mo. Ano ba iyon, Axel?” pang-uusisa ni Mama.

Umiling lang ako kay Mama, “Manhid buong katawan ko, hindi ko napansin” iyon lang ako sinagot ko kay Mama.

“Baka mamayang tanghali pupunta si Sydney rito, Ma” paalam ko kay Mama dahil na rin sa kilala ni Mama si Sydney at close sila ni Ate.

Nilapag ni mama ang pagkain at nagsimula na kaming kumain ni ate. Nagpatimpla rin ako kay Mama ng kape, habang kumakain ay nawala na sa pagkamanhid ang katawan ko.

Kaya naramdaman ko na ang bigat ng katawan ko. Ngumiwi ako, hindi ko na kaya ang bigat ng katawan ko. Napansin iyon ni ate at inalalayan ako patayo at dinala sa sala.

Nahiga ako roon, lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Mabigat ang bawat paghinga ko at nanlalamig ako.

Sa buong umaga ay sina ate at mama ang umasikaso sakin, buti hindi nila ako pinunasan dahil bagong ligo ako. Hindi nila napansin na may pasa ako na siyang dahil kung bakit ako nilalagnat ngayon.

Napadako ang tingin ko sa orasan sa gilid. Haba rin pala ng tulog ko.

1:47

Bumukas ang gate namin gayun din ang pintuan at niluwa nuon si Sydney na may dalang ice cream. Nilapitan ako nito at naupos sa couch na katabi nito.

Alam na alam niya talaga.

“Here for Ate Brigette.”

Sinamaan ko siya ng tingin, gaga talaga siya.

“Sabi na lalagnatin ka eh, nung biyernes nga lang ay may sinat kana bago umuwi”

“So?”

“So your ass, Xel. Look what you got” singhal nito sakin daig pa si Ate.

“Nandito ka na pala Sydney!” masayang  wika ni ate, mukhang galing sa banyo. Basa ang ulo nito eh, amoy ligo rin.

“‘Nu ‘yan?” turo nito sa bitbit ni Sydney.

“Ice cream for you, Ate”

Tuwang-tuwan naman si ate at bumalik sa kusina kumuha siguro ng mangkok niya para sa ice cream niya.

Ako naman ay umupo, at nakapaikot sakin ang makapat na matres. Mabigat pa rin ang paghinga ko, sabay mo rin ang pasa kong kumikirot-kirot.

Bumalik si ate at tumabi sakin may hawak itong tatlong mangkok, tatlong kutsara at scoop. Binuksan niya ang ice cream at nilagyan niya ang tatlong mangkok. Matapos niyang gawin pumunta ulit siya sa kusina.

In DenialWhere stories live. Discover now