Chapter 9

0 0 0
                                    

Axel

Inagahan ko talaga ang pasok ko ngayon dahil gusto kong makausap si  Adrianne if ever maaga rin siyang pumasok. Pero kung magbago ang isip ko, ay siguro hindi ko nalang siya kakausapin.

Dumaan ang first subject namin ay hindi pa rin nakakapasok si Adrianne. Si Reign naman na katabi ni Kathlyn sa ibang side ay nakatulalang nakatingin sa may pintuan ng Esp room namin.

Sa buong klase ng Esp ay nanuod lang kami ng movie. Ayos rin kase si Sir dahil kapag wala siyang ganang mag-discuss ay nanunuod nalang ito ng movie o hindi naman kaya ay nagpapa-quiz siya na hindi related sa lesson namon...

Nangangalahati na namin ang movie na pinapanuod namin at ng may bilang kumatok sa nakabukas na pintuan. Lahat kami ay napalingon sa kanya. Si Reign naman ay lumapit pa sa kanya hanggang makaupo siya sa upuan niya ay sinundan lang ito ni Reign.

Nagtama ang paningin namin kaya binigyan ko lang siya ng malamig na tingin. Umupo rin sa kabilang row na katabi ng upuan no Adrianne si Reign. Well, ano pa nga ba ang maasahan mo kay Reign. Hindi ko na sila pinansin at tinuon ulit ang paningin sa pinanunuod. 

Time passed at English na ang sunod na klase. As I expect, boring ang lesson namin ngayon. Sabay mo pa ang matamlay naming teacher. Kaya sa may dulong row ay maingay na.

Ng hindi na kaya ni ma'am ay naupo ito sa upuan na nasa gilid lang niya at hinilot-hilot ang sintido niya. Kung makikita mo talaga mukha ni Ms. Salamangca, ay maawa ka dahil sa laki ng eyebags nito, yung mukha niya na dati may make up ngayon wala na.

Pwes, hindi naman ako ganun na maawa. I mean, yes nakaka-awa si ma'am. Pero ano magagawa ko, stress na nga siya sa klase namin at ibang section na handle niya. Stress raw rin ito sa boyfriend niya na ikinuwento niya.

Dahil sa mabait raw siya, ay inabutan niya si ma'am ng bottled water. Malamig ito kaya hindi tinanggap ni ma'am. Pahiya siya.

Malamig iyon kaya ang ginawa ko ay kinuha ko yun at pinalit ang hindi malamig na bottled water na binigay sakin ng tindera. “Oh” aboy ko sa teacher namin, iniabot ko rin ang isang paracetamol na nasa bag ko lang.

Madalas kasi akong sumakit ang ulo, kaya para hindi na bumili pa sa tindahan rito na doble pa ang presyo at humihingi ako kay Mama at dinadala ito sa.school.

Kinuha ni maam ang alok kong tubig at gamot ang boteng hawak ni Reign na malamig ay hawak ko ngayon. Pinalitan ko lang ang tubig ko at tubig na ibibigay niya sana.

“Akin na yan, Alex” tinaasan ko naman ito ng kilay.

“Pinalitan ko lang” sabi ko rito pero iniabot niya ang kamay niya sa boteng hawak ko.

“Akin parin yan, Akin na” malumanay na pagkakabanggit niya. Wow, ang malumanay naman niya ngayon.

Nakatingin parin ako sa kanya at bakas sa mukha niya ang pagkainis. Kasalanan ko pa niya ha.

Hinayaan ko lang siya na kunin ang bote sa kamay ko. Hindi rin kami pinansin ng iba naming kaklase, bukod sa grupo nila Barredo at si Adrianne na masama rin ang tingin niya sakin.

“Okay kasalanan ko na naman ito. Isusumbong na naman ako nitong babaitang ito” wika ko sa sarili ko.

Bahala na siya diyan sa bottled water na ‘yan, saksak niya pa sa balun-balunan niya eh.

Kinalabit naman ako ni Kathlyn. “Wag mo nang pansinsinin” bulong nito sakin at tumango lang ako. Tutal malapit na rin mag-breaktime.

Mahigit trenta minutos nalang ang natitira sa oras namin, kaya lalong nilakas ng nasa likuran namin ang ingayan nila.

In DenialWhere stories live. Discover now