Chapter 23

11 0 0
                                    


Axel

Pagkapasok sa school at pati sa pagpuntang room ay kasama ko si ate. Sabi niya ay siya na raw ang bahala magsabi ng dahilan kung ba't ako late pumasok,  saka kilala siya rito dahil dati itong valedictorian ng school.

Kumatok muna ito bago buksan ang  pinto, tumambad sa amin si Sir Aries na nagtuturo na. “Good morning, Sir!” bati ni ate, pinpasok na niya naman ako saka ako dumiretso sa upuan ko.  Tinanguan ko lang siya at lumabas sila ni Sir.

“Anyare ba't late ka?” tanong ni Sydney. “Late lang nagising” sagot ko saka umayos ng upo, pumasok na kasi si Sir at mukhang napakiusapan naman siya ni ate.

“Sa susunod Garcia wag ka ng magpapalate” sabi niya saka tinuloy ang tinuturo niua kanina. Napadako ang tingin ko kay Reign na masama tingin sa akin ngayon. Inirapan ko lang siya saka binalik ang mga tingin ko kay Sir.

Matapos ang klase namin sa science at tatlong iba pa. Break time ngayon at nagpabili nalang ako kay Sydney ng chichiriya. Inaantok pa ako kaya hindi na ako sumama, kasama ko naman si Kathlyn kaya okay lang.

“So this is the first time na late kang pumasok” saad niya.

“Oo nga pala, ba't ka ba na late?” tanong ni Uy at naupo sa tabi ko. “Late ako ng gising, hindi ko na-set alarm clock ko” I said, they nodded and look at each other.

“Nga pala, ito chocolate. Nagpadala ulit si Kris at tulad nga ng sinabi ko na bibigyan ka. Ayan tatlo na” sabay abot sa akin ng chocolate. Hersey's at Tobleron ang binigay niya. “Pa'no naman ako?” napatawa naman si Kath at inabutan rin si Ellayne ng Hershey's.

“Ohh! Ano yan, ba't wala ako” saad ng bagong dating na si Sydney. Agad niyang pinamigay ang pagkaing dala niya. “thanks” wika ko, nginitian lang ako nito.

“Penge ako”

“Wait lang!”

“Awit, madamot ka na ngayon ah, Maria”

At nagasaran na nga sila. Nakatingin lang ako sa kanila habang kumakain ng chichiriya. Buti nalang ay nalagay ko na sa bag ko ang chocolate na bigay ni Kath at baka manghingi pa itong si Sydney at wala na akong makain kapag umuwi na ako.

“Eto ang chika” bulong ni Sydney kay Kath pero rinig na rinig ko naman. Agad nagbago ang atmosphere rito ah. “Ano?” takang tanong ni Kath.

“Nakita ko si Soriano kanina na galing sa bahay nila Axel”

“Oh? Tapos?”

“Anong tapos? E ang lawak ng ngiti ng gago–”

“Hindi kaya!” sabay nilang sabi at tumingin sa akin na nanlalaki ang mata. Tinaasan ko sila ng kilay “Ano? Issue ka na naman Sydney ah” anas ko. Napatakip sila ng bibig at tumayo. Hinila nilang dalawa sina Ellayne at Judy palayo sa pwesto namin.

Nagpunta silang apat sa may kotse at may pinaguusapan. Issue talaga tong si Sydney. Hindi ko alam kung kaibigan ba talaga ito dahil siya mismo ay ibubugaw ka.

Napailing nalang ako dahil sabay sabay silang nagsitawanan at tumingin sa akin. Itinaas ko ang kamay ko at pinakyuhan silang apat.

Inubos ko nalang ang chichiriya ko at uminom ng coke. Hindi nila napansin na tumayo ako para itapos ang balat ng chichiriya. Nasa likod ako ng kotse at nakaupo, naririnig ko rin ang pinaguusapan nila.

“Alam ko na kung anong meron sa kanilang dalawa.”

“Ano naman?”

“Ewan sayo, Kath”

“Tangina naman Sydney pinapatagal mo pa!”

“Eto na nga, sa tingin ko ay nagkabalikan na sila. Alam niyo iyon, may chance sila”

“Oo, indenial lang talaga si Axel”

“Hahahaha!” napairap ako sa narinig ko mula sa kanila.

“Oy gagu! Wala ron si Axel” sabi ni Ellayne.

Narinig ko ang yabag nila na papalapit sa pwesto ko. Napatingin ako kay Sydney na gulat na nakita akong nasa likod ng kotse. Lumapit ako sa kaniya at binatukan siya. “Gago ka ah, kala mo di ko maririnig” sabi ko at naglakad palayo sa kanila.

Lumingon ako muli saka itinaas ang middle finger ko. Umupo na ako sa pwesto ko at uminom ng coke. Sinundan niya ako at umupo sa tabi ko. Imbes na magsorry ay inasar niya pa ako.

“Alam ko kase pare, aminin mo na kase..” aniya.

“At ano namang aaminin ko? Na may feelings na ako sa kaniya kahit wala naman?” inis na tanong ko.

“Oy! Ikaw nagsabi niyan!”

Sabi niya at napa-oo naman ang tatlo. Hay naku, kahit kailan pahamak talaga ito eh.

“Ano? Aaminin mo na ba?” tanong niya ulit.

“Tsk” hindi ko nalang pinansin ang tanong niya at mas lalong hindi niya ako tinigilan at kukumpirmahin niya raw na may gusto na ko sa Soriano na iyon.

“Alam mo, balang araw kakainin mo rin iyang sinasabi mo” aniya, inirapan ko lang siya. “Edi mabubusog ako” pamimilosopo ko. Nakakuha ako sa kaniya ng isang batok. “Aray!” napahawak  ako sa ulo ko. tangina sakit niya mambatok.

“Gagu! Seryoso kase ako” napatango nalang ako, kailan ba ito titigila sa topic namin. At paulit-ulit nalang si soriano ang topic?

Napailing nalang ako at tinanggal sa isip ko ang napaginipan, kahit ang sinabi sa akin ni ate na pumunta si soriano sa bahay. Ano naman ginawa nun habang natutulog ako?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 30, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In DenialWhere stories live. Discover now