Chapter 17

0 0 0
                                    


Since that day ay hindi na kami nagkakausap o hindi na ako nilalapitan ni Soriano, iyong relationship status sa account ko ay wala na. Which is nakakatuwa para sa akin.

Martes ngayon, at mamayang hapon ang program na dapat kahapon pero na suspend ang pasok dahil malakas ang ulan at bumaha rito sa ground.

Last week ay nasama si Reign sa umakyat sa stage upang pangaralan ng medal, nanalo kase sila ng ka-partner niya at sila ang first place. Kaya naman bongga ang awrahan niya ng umakyat sa stage.

Si Soriano naman ay todo cheer sa kanya at palakpak, at ngayon ay umuulan pero may klase.

Hindi naman kase ito katulad kahapon na bagsak talaga, ang ulan kase ngayon ay mahina pero dama mo iyong lamig.

Busy sa pagtuturo si Sir sa harapan habang ako, si Kathlyn at Sydney ay lutang sa explanation ni Sir. Hindi ko kase marinig ng maayos ang sinasabi niya lalo na nakatuon ang atensyon ko sa ulan lalo na sa dalawang tao na nasa harapan ko.

It's them again, Reign and Soriano being sweet to each other habang nadito sa loob ng room at maraming nakakakita sa kanila. Habang ang teacher namin ay busy sa kaka-explain ng solution ay sila ay naglalandian sa harap ko pa.

Paulit-ulit akong bumuntong hininga dahil sa pagkairita sa kanila “Ano ang sagot rito? Ikaw Duquesa!” turo niya kay Duquesa at pinatayo upang sagutin ang problem na nakasulat sa board.

“Hindi ko alam, Sir” tugon niya

“Diyan.. diyan kayo magaling. Sa chismisan at landian.. kaya hindi niyo masagot itong simpleng tanong!” oppss, galit si Sir nabaling ang tingin niya sa akin kaya agad akong umayos ng upo

“At kayong dalawa kanina ko pa kayo tinitignan pero mukhang wala kayong pakialam at dito pa talaga sa klase ko naglalampungan!” sigaw niya, akala ko ay ako at si Sydney ang tinutukoy niya pero hindi pala ng ituro niya sina Reign sa harap namin.

“Mga kabataan nga naman. Ikaw, Garcia! Ikaw sumagot nito” duro niya sa akin, tumayo ako at lumapit sa board. Kinuha ko sa kamay ni Sir ang chalk at sinimulang sagutan itong math problem na ginawa niya.

Napakadali lang nito dahil memories ko pa ito kahit hindi ko naisulat sa notebook ko. Natapos na ako sa pagsagot, nilapag ko lang ang chalk sa mesa ni Sir at bumalik ako sa upuan ko.

“Buti pa itong si Garcia ay nakikinig sa akin hindi katulad nitong si Soriano at Luistro na walang hiya” wika ni Sir, sumama naman ang itsura ni Reign na lumingon sa akin.

Parang sinasabi niyang “Bida-bida ka” tsk! Kung makatingin naman kala mo walang ginawa kaya sila napahiya kay Sir.

Tumunog na ang bell at tapos na ang oras namin kay Sir at uwian na. Isinakbit ko na ang bag ko ganun rin sina Sydney. “Oh, sige magsi-uwi na kayo” pagtataboy na samin ni Sir. Iling-iling kaming tatlong lumabas ng room niya at naglakad papalayo roon.

May sumunod naman sa amin at ramdam ko rin na nakatingin pa rin sa akin si Reign, si Kathlyn ay tawang-tawang ikwento ang reaksyon ni Sir kanina. Sinabayan ko lang ang pagtawa niya para kunwari ay hindi ko pansin si Reign na nasa gilid ko na.

“Ano bang ginawa ko bat ka ganun makatingin sa akin kanina?” tanong niya nang nakapagpahinto sa akin sa paglalakad

Ano nga ba? At bakit ako ang tinatanong niya. Hindi ba dapat tanungin niya sarili niya, nasa baba na kami at nakatayo lang. ‘Yong ilan ay dinaan-daanan lang kami.

Kasama ko rin sina Sydney, narinig kasi nila si Reign na nagtatanong sa akin “sagutin mo nga ako!”

Hinarap ko siya at binigyan ng walang emosyong tingin, “Ano nga ba sa tingin mo?” pagtatanong ko rin sa kanya. Tumawa ito ng pagak, tinuro sa niya ang kanyang sarili.

“Hah! Wow! Ako itong nagtatanong! Tapos tanong rin isasagot mo!” umarte itong gulat pero pansin namin na galit ito, wala naman akong ginawang masama sa kanya dahil siya ang may ginawang masama sa akin.

“Anong klase ka bang kaibigan?!” pasigaw niyang tanong na nakapukaw ng pansin sa mga lower section na pababa, at palabas ng canteen.

“Wala akong ginawa sa iyo pero ako nagmukhang masama sa mata ni Sir kanina!” ah tinutukoy niya iyong pamamahiya sa kanila ni Sir.

“At kayo—Kathlyn, Sydney huwag niyong sabihin kakampihan niyo siya” duro niya sa akin, may tumulo ng luha sa mata niya, inirapan ko lang siya at wala akong pake sa drama niya

“Hindi sa ganon, okay?” malumanay na tugon ni Kathlyn “oo.. bakit? May masama ba kung kakampihan ko si Axel?” pabalang na sagot sa kanya ni Sydney.

Akala ko ay tatawa siya pero ang nangyari ay umiyak siya kaya naman ang nangyari ay ako ang napasama, ako ang tinuturo, ako ang pinaguusapan ngayong uwian dahil isa daw akong walang kwentang kaibigan.

To the rescue naman ang lalaking nagpakilalang boyfriend ko, yinakap niya si Reign at pinatahan. “Kayo! Umalis na nga kayo!” sigaw niya sa mga lower section na pinagchichismisan na ako.

Hindi ko alam pero may mabigat sa dibdib ko sa nakikita ko ngayon, siya itong may kasalanan tapos ako pa sinabihan ng walang kwentang kaibigan at FYI pangalawang beses na ito. Pero mas masakit ito kesa dati, ito kase harap-harapan at mismong sa harap ko rin nakita na kinampihan niya si Reign kesa sa akin.

Oo nga pala, sino ba naman ako, at saka wala naman talagang kami at baka si Reign talaga ang gusto niya.

In DenialWhere stories live. Discover now