Chapter 7

0 0 0
                                    

“Oy! Kathlyn! Ano yung pinost ni Soriano?” sabi ko kay Kathlyn matapos ang namin lumabas sa room namin sa English.

Bungisngis itong lumingon sa ‘kin. At binigyan lang ako ng makahulugang tingin.

“Heya! Axel! How's your day?” biglang sulpot ng isang tae–este tao. At umakbay pa ito sakin.

“Oh?” inis lang akong tumingin sa kanya. Si Kathlyn naman ay parang kinikilig sa kinatatayuan niya.

Here we go again, Soriano. You're too flirty with girls, and boys also.

Tinanggal ko ang pagkaka-akbay ng braso niya sakin. Umatras ako kaonti sa kanya. Issue ito, pre.

Tumabi ako kay Kathlyn. “Tangina mo naman, Soriano” mura ko sa kanya. Kanina pa ako nagiisip kung ano yung pinost niya. Tangina kase hindi pa sakin ipakita.

“Tara na, Kath” saad ko kay Kathlyn ay hinawakan ang braso niya at hinila papaalis sa harapan ni Soriano. Nauna na sina Sydney samin eh.

Diretso lang kami sa canteen, bumili ako ng chichiriya at si Kathlyn ay milo con yelo. Pagkalabas at bumingad samin ang nakangiting asong si Adrianne.

Nasundan na pala kami nitong gagung ‘to.

“Kailangan mo?” tinaas ko ito ng kilay.

“Masama bang puntahan ang girlfriend ko?” lalo akong nainis ng marinig ko ang sinabi niya. Tangina anong girlfriend? Kailan ko pa naging boyfriend ito, e hindi ko naman ito crush.

“Gawa ka kwento ‘no?!” singhal ko sa kanya at nagmartsya na paalis. Pumunta na kaming groto at dun tatambay.

Nakasabay namin sa paglalakad si Judy. “Kayo na pala ni Soriano, Alex” sabi nito.

“Anong kami? Walang kami” tugon ko. Kanina pa kasi rin sinasabi ni Kathlyn at Sydney na mamaya nalang nila papakita ang post ni Soriano.

Para rin daw may thrill, kapag nalaman at pinakita na nila.

Diretso lang ako sa groto at dagliang umupo sa simento. Tinangal ko ang bag ko at binuksan ang chichiriyang hawak ko–kanina pa.

Umupo rin sa tabi ko ri Kathlyn, lumabas naman sa room si Sydney kasama si Reign na nakangiti pa sakin ng makita ako.

“Ito kase yun, Axel” at pinakita niya ang sakin ang cellphone niya. Iba naman ang nakita ko sa news feed niya eh.

Patuloy lang ito sa pag-scroll at ng mapansin niya ang pangalan ni Soriano ay pinindot nito ang post niya.

“Yan oh! Hindi kaba nag-online kagabi?”

“Hindi. Tinamad ako eh, saka nagbabasa ako sa wattpad kagabi” inabot niya sakin ang phone niya at nakita ko ang picture ko , na may caption na.

“This girl is my girlfriend, the way she act, she smile and her personality– are the things I like. She's the thing I wish before–then now she came to my life. I love you, Axel Garcia!”

“Cringe” yan lang ang naging reaksyon ko ng mabasa ko ang caption niya sa post niya. Napansin ko rin ang picture ko. Ito yung nagsuot ako ng dress dahil ang sixteen birthday ako. At nagsimba kami.

Yun rin ang time na napansin ko siya sa simbahan, at may hawak na cellphone.

Napatawa ako ng pagak. Tuloy lang ako sa pagtawa. Hindi ko rin alam kung bakit ako natatawa. Siguro ay inisip nila na kinikilig ako, pero. What the heck!

I don't care about they think to me now. Basta natatawa lang ako, it's too cringy.

Napa-“ayiiee” naman sina Judy, Reign, Sarah at iba pa. Dahil lang sa nakikita nila ako na tumatawa, does it mean that I'm happy that Soriano is now boyfriend? 

“Tangina, HAHAHAHAHA, ang cringe” sabi ko at tumawa ulit. Alam ni Sydney at Kathlyn na hindi ako kinikilig dahil lang sa tumatawa ako. Alam rin nila na wala talaga akong crush dun. Na-issue-han lang ako ni Reign.

Tumigil na ako sa pagtawa at bumalik sa walang emosyon ang mukha ko. Napansin iyon ni Sydney, alam niya na hindi magandang sign na makita ako na walang ka-emo-emosyon ang pagmumukha ko.

Seryoso kong tinignan si Reign at Sarah na kinikilig pa ‘kuno’ sa nalaman nila. Kung iisipin ay parang pakana nila ito.

Kinain ko nalang ang chichiriya ko ng walang emosyon na nakatitig sa simento. Iniisip kung bakit niya ginawa iyon, at papaano kung makita ito ni Mama. Dahil naka-tag rin ako rito.

Yari itong Soriano na ito eh. Gumagawa ng eksena

In DenialWhere stories live. Discover now