Chapter 22

0 0 0
                                    

"Ano itong nalaman ko, gusto mo raw ako?" tanong niya at lumapit sa akin. nangunot ang nuo ko at sinamaan siya ng tingin. "Sinasabi mo?" tanong ko sa kanya.

Nandito na naman siya sa bahay namin at dahil nalaman niya kina Judy na may feelings na ako sa kanya. I'm not sure if I like or love him.

"Wag mo ng itanggi. Alam ko na ang totoo"

Lumapit ito sa akin, kaso mas mabilis akong kumilos kaya agad akong tumakbo papaakyat sa kwarto ko. Sino ba ang akala niyang niloloko niya.

Matapos niya akong jowain ay sinunod niya si Reign na wala namang ginawa kundi siraan ako patalikod.

"Huli ka!" sabay hila niya sa akin. Hindi ko namanlayan na sumunod ito at worst ay hinila niya pa ako payakap sa kanya.

"I love you, Xel" nanindig ang mga balahibo ko nang marinig ko ang sinabi niya. "Mahal mo rin ba ako?"

"H-huh?" humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ang mukha ko na unti-unting namumula.

"Halata na, Xel.. itatanggi mo pa ba?" saad niya at inilapit ang mukha niya sa akin, iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil hindi ko kinakaya iyong titig niya.

"Mahal na mahal kita, Xel" saka niya lalong inilapit ang mukha niya sa akin. Higit ang hininga ko at hindi ako makagalaw para itulak o sampalin lang siya.

Lalong nanlaki ang mata ko ng lumapat ang labi niya sa labi ko. Lumakas ang pintig ng puso ko, namula ang buong mukha ko, hindi ko maigalaw ang katawan ko.

Sampu—sampung segundo tumagal ang halik niya. Linayo niya ang mukha niya at nginitian ako, habang ako gustong gusto ko ng lamunin ng lupa dahil sobrang pula ng mukha.

"Itatanggi mo pa ba?"

"A-a..h-hin..o..o–"

Lalong namula ang mukha ko ng mahina itong tumawa, "Ang cute cute mo, sobrang pula ng mukha mo" pinisil pisil niya ang magkabilang pisngi ko. Damn! Stop!

"Oo na! Mahal kita!" sigaw ko

"Mahal kita" paguulit ko, akala ko ay magugulat siya pero ginantihan niya lang ako ng isang ngiti.

"Alam ko" wika niya at yinakap ako.

Masaya na medyo malungkot pa rin kahit na  nasabik ko na iyong nararamdaman mo sa kanya. Pero ang problema lang ay anong ng mangyayari sa akin o sa aming dalawa. Si Reign paano na?

"Axel?"

"Axel? Umaga na!"

"Axel! Mal-late ka na!"

"Ma! Si Axel ayaw pa gumising!"

"AXEL!!"

"WAHH!"

"Buti naman nagising ka na! Anong oras na oh! ten o'clock na!"

Bakit nandito sila? Saka nasaan si Soriano? Huh?

"Nak! Gising na!" niyugyog ni mama ang braso ko— nanlaki ang mata kong tumingin sa kanya. "anong araw ngayon, Ma?"

"Gaga! Lunes ngayon at late kana!" sigaw  na sagot ni ate Brigette. "Ehh?!"  sigaw ko saka tumayo sa kama, nailing nalang sina Mama. Dali-dali akong pumunta sa banyo at agad tinanggal ang damit sa katawan mabilis ang kilos ko na maligo at maghilod.

I'm not fully awake from sleeping pero dahil late na ako ay kailangan ko ng kumilos. Wala pa yata  sampung minuto ay natapos na ako.

Lumabas ako ng banyo at nagmamadaling kinuha ang uniform ko saka nagbihis. Napansin ko rin si ate na nakatitig sa akin.

"Nga pala, Xel. Pumunta dito kanina si Loid dito" hindi ko siya nilingon dahil busy ako sa pagaayos ng blouse at palda ko na suot ko na, pati na ang buhok ko na basang basa.

"Loid?" tanong ko, hindi ko naman kilala kung sino ang tinutukoy niya. "Sino?" liningon ko siya, inabot ko rin ang suklay. Lumapit siya sa akin at pinaupo sa kama.

"Iyong boyfriend mo" sagot niya. Boyfriend? Si Soriano ba? Huh? Wait, did it mean na totoo ang nangyari at hindi iyon panaginip?

"Ano namang ginagawa niya rito?" I asked, nagtataka ako bakit nandito iyon.

"Gusto ka daw niyang makausap, so pinaakyat ko siya sa kwarto mo kaso naabutan ka niyang tulog" panimula niya.

"Tinawag ka nga niya at ginising tapos umalis na ako."

"Tapos nung bumaba na siya ang lawak ng ngiti, ano bang ginawa niyo?" humarap sa kanya at tinaasan ng kilay

"Huh? Natutulog ako" inis na tugon ko. Natapos na siyang suklayan ako at sabi niya ay siya na raw ang maghahatid sa akin. Bumaba na ako bitbit ang back bag ko, kumuha nalang ako ng tinapay na may peanut butter.

"Ma! Alis na kami! Sa school nalang daw kakain si Axel!" umalis na kami gamit ang kotse niya. Passed ten thirty na kami nakapunta sa school. Dahil kilala si ate sa school at pinapasok parin kami kahit late na ako.


In DenialWhere stories live. Discover now