Chapter 19

2 0 0
                                    


Sabado

Kahapon ay binigay na sa amin ang pangalan ng makakapartner namin at ano ang gagawin namin, habang ako ay narito sa higaan ko at walang magawa dahil hindi ko naman siya nakausap kahapon.

Nabalitaan ko rin kina Sydney na naka-in relationship si Reign kay Soriano sa facebook account niya. Naks! Angas niya!

No choice ako kagabi kundi sagutan nalang iyong report mag-isa at saka ko naman isusulat sa manila paper. Wala rin naman akong gana, kainis kase, may mali sa akin ngayon.

Hindi ako ito! Nagpagulong-gulong ako sa kama ko, sinabunutan ko ang buhok ko, kainis!

“Nak, may bisita ka!” tawag sa akin ni mama, kinatok niya ang pintuan ng kwarto ko pero nakalock iyon

“Sino?!” sigaw ko, ayoko pang bumangon, 10 o'clock na at iyong katawan ko ay mabigat ayaw kong bumangon.

“Boyfriend mo!” boyfriend? Puta! Kailan? Wait— wag mong sabihing pumunta siya rito sa bahay namin!

Dali-dali akong bumangon at pumasok sa banyo, okay maliligo na ako, nakakahiya naman sa nanay ko at sa bisita kong bwiset.

After 20 minutes ay natapos na akong maligo, binuksan ko ang cabinet at kumuha ng isang t-shirt at maong short, nakasuot naman ako ng underwear kapag lumalabas ng banyo.

Pagkatapos kong magbihis ay tinanggal ko na ang tuwalya sa ulo ko,  hindi na ako nagsuklay kase agad akong lumabas ng kwarto ko na basang-basa pa ang buhok ko at hindi pa nasusuklayan.

Bumungad sa akin sina Mama at Papa na kaharap si Soriano, tsk!

“Naligo ka pala, kaya pala walang sumasagot sa akin” tinanguan ko lang siya.

“Ano nga pala gagawin niyo, iho?” umupo ako sa isang single couch na katapat ni Soriano. “gagawa po ng report” sagot niya.

Ngumiti ng malawak si mama—nakatingin sa akin, inirapan ko lang siya at kinuha ang suklay na nasa palad niya, nagsusuklay ako habang sila nagkwe-kwentuhan.

“Dito na kayo sa sala gumawa ng report niyo” tumayo si mama at pumuntang kusina habang si papa ay nagpaalam na at papasok na sa trabaho.

Nagmano ako kay papa ganun rin siya. Tsk! Gaya-gaya!

“Tapos ka na ba?” ang cold naman ng boses niya, giniginaw ako, tsk! Tangina niya!

“Hmmm.. ma–nne” tugon ko, kumunot ang nuo niya, oo nga pala hindi siya nakakaintindi ng hapon.

“Okay.. ako rin naman”

Okay, so wala na pala kaming gagawin dahil may sarili kaming sagot,

Dumating si mama na may dalang tray ng juice, biscuits at sandwich. Hindi ko maiwasang mainis dahil ng dumating si mama ay naging normal ang expression sa mukha hindi tulad kaninang kausap ako wala—at malamig.

“Tapos na pala kami sa report, Ma. Akyat na ako” naglakad ako papalis roon, duon nalang ako sa kwarto ko. Pagkarating sa kwarto ko ay ini-lock ko iyon para walang makapasok at makaistorbo sa akin

Duon na nagsimulang rumagasa ang mga luha sa mata ko, nakatulala ako sa bintana habang tuloy-tuloy na tumutulo ang mga luha. Wala naman akong ibang nararamdaman at saka baka umalis na rin naman iyon.

Nasa sa kanya na iyon kung siya ang magrereport o ako– “nak, umalis na boyfriend mo” sabi na nga ba.

“May problema ba sa inyong mag-jowa?” tanong niya, kulit ni mama ilang beses ko ng sinabing wala kami pero sige parin siya sa paniniwalang may kami ‘pa’ ni Soriano.

Hindi ko nalang sinagot ang tanong ni mama, ilang saglit lang ay umalis na rin siya. Mukhang sayang iyong tinimpla niyang juice at magtatampo rin ito. Tsk!

In DenialWhere stories live. Discover now