Chapter One

1.5K 54 2
                                    

Chapter One

Pinagmasdan ni Aliana ang malinaw na karagatan habang sakay ng isang bangka papunta sa Isla Verde. Doon nya napiling pumunta para mas walang makakilala sa kanya... sana.

Excited sya nang matanaw na ang mismong isla. Huminto ang bangka sa daungan at isa isa nang bumaba ang mga sakay noon.

Lumakad na sya para makahanap na ng pansamantalang matutuluyan ngayon. Lumapit sya sa isang maliit na Inn doon na sa tingin nya ang mas affordable naman kesa sa mga villa at hotels.

"Good Morning!" May bumati sa kanyang isang dalagitang babae.

Ngumiti si Aliana at lumapit na.

"Mag-che-check in po kayo?"

"Ah, oo. Meron pa bang bakante?"

"Marami pa po."

Inasikaso sya agad noong dalagita. Nagbayad sya ng sakto lang sa isang linggo nya. Mabilis nga syang nakatulog dala na din siguro ng pagod nya.

Madilim na sa buong kwarto nya ng magising sya. Marahil ay mahaba ang tinulog nya at bawing bawi naman iyon.

Kahit madilim ay nagawa nya pa ding kumilos para makaligo na dahil kanina pa tumutunog amg tiyan nya. Isang puting bestida ang suot nya at isang flipflops. Binitbit nya ang wallet at cellphone nya papalabas. Nilock ang pinto at sinilid ang susi sa wallet nya.

Hindi napigilan ni Aliana ang mapasinghap nang tuluyan na syang makalabas sa isla. Buhay na buhay iyon at maraming tao ngayon. Saglit syang nabahala na baka may makakilala sa kanya pero pinaalala nya sa sariling malayo sya sa siyudad ngayon.

Pinili nalang ni Aliana ang maglakad lakad papalayo para makahanap ng makakainan. Sa hindi kalayuan ay may napansin syang karinderya doon. Doon nalang nya napiling maghapunan.

Nang matapos ay nagdesisyon syang uliin ang kabuuan ng Isla nang sa gayun ay makahanap ng pagkakakitaan kahit pansamantala lang dahil alam din nya sa sarili nyang sooner or later ay mahahanap din sya ng Papa nya sa pagtatago nyang ito.

She will enjoy first.

Buhay na buhay pa din ang Isla ngayong oras. Napapangiti si Aliana na pinapasadahan ang paligid nya, pero hindi nawawala ang pag iingat sa kanya.

Sumunod na mga araw ay may napasukan syang isang pwedeng pagkakitaan. Nakakwentuhan nya kasi ang dalagita na nasa front desk ng Inn. Anito ay naghahanap daw ito ng part timer kaya walang dalawang isip na nagpresinta sya dito.

"Ilang taon ka na po, Miss Aliana?"

"Twenty three. Ikaw?"

"Seventeen po."

"Nag aaral ka?"

"Yes. Merong school doon sa kabilang ibayo." Lumumbaba itong dalagita. "Ang ganda nyo po. Kulot na kulot ang buhok nyo."

"Ano nga bang pangalan mo? Kanina pa kita kausap pero hindi ko alam ang pangalan mo."

"Magot po."

Naglalakad sila papunta sa Hotel na kung saan ay doon nagtatrabaho ang Lola nito. Nang makapasok sila ay agad silang sinalubong ng magarang Hotel doon.

"Magot, apo."

"Lola Letty! Si Ate Aliana po, iyon pong sinasabi kong naghahanap ng trabaho po?"

Ngumiti at magalang na tumango sya doon sa matanda.

"Ako si Letty, Hija."

"Aliana Bernales po."

"Doon tayo sa opisina ng Maintenance." Aya sa kanya ng matanda. "Bumalik ka na sa front desk, Magot."

Island Series: Aliana Bernales (To Be Published Soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon