Chapter Eighteen

879 32 10
                                    

Chapter Eighteen


And she wanted the time go faster, atat na syang malaman kung ano ba talagang katauhan ng asawa nya at bakit pinagkatiwalaan ito ng Papa nyang ipakasal sa kanya. Kung bakit ganun nalang itong pumayag, okay given naman na ang pagtulong nito sa kompanya nila...

"May plano ba kayong tumira sa isang bahay?" Tanong ng Papa nya.

"Wala. I'll be staying here, si Allen..." sumulyap sya sa asawa nya. "He's busy with his work in manila."

Manghang nakatingin sa kanya si Allen, ni hindi man lang sya hinayaan umimik.

"But I'll guess, if she wants to stay her, I'll let her."

"Paano trabaho mo? Ayos lang ako dito."

"Hindi naman kita ikukulong, you can still do whatever you want."

"Iyon naman pala. As much as possible, gawin nyong maayos ang buhay mag asawa nyo."

Pinunasan ni Allen ang gilid ng labi nito at bumaling kay Aliana na may ngisi.

"Dapat may oras pa din kayo, hindi naman namin kayo minamadali sa pagkakaroon ng apo. Take your time." Ngiti ng Mama nya.

Ngumiti nalang din sya at tinapik ng marahan ang pisngi ni Allen.

Bigla tuloy syang napaisip kung pinagloloko lang ba sya ni Allen sa sinabi nitong masama itong tao para makita nito kung paano nya iisipin ng iisipin iyon. Nahuli sya ni Allen na matamang nakatingin dito.

"What?" Allen whispered.

"Do you want to have kids?"

Allen licked his lower lip and placed his hand behind her.

"It's our responsibility after all."

"Paano kung ayaw ko pa?"

"Do you think you can dictated the destiny? Just be ready."

"Ayaw ko, Allen, besides maghihiwalay din naman tayo."

"Ang dami mo na namang sinabi." Mahina lang iyong pagkakasabi ni Allen.

Buti nalang at abala ang pamilya nya sa pagkain.

"Mapipigilan mo ba iyon? Hinahayaan mo nga akong galawin ka?"

Umirap sya. "Tawag ng laman."

"Woah. I feel used here, thank you very much."

Tumikhim ang Papa nya kaya pasimple nyang pinisil ang pisngi ni Allen, umangat naman ang gilid ng labi nito.

Pagkatapos ng dinner nila, inaya ng Papa nya si Allen magbote sa labas lang ng cottage nito. Dumating nga din si Sean, kakilala din ng Papa nya. Malamang, nasa iisang business world lang sila. Kaya ngayon, imbes na mag uusap sila ni Allen, mukhang matatagalan pa dahil sa biglang pag aaya ng Papa nya.

"Check ko lang iyong shop ko." Paalam nya at mabilis na tumayo.

Madilim na ang langit at puno na ng bituin at nakasilip na ang buwan. Pero madami pa ding mga tao ang nag uuli. Tinahak nalang nya ang daan papunta sa Craft Shop nya. Alas otso na din ng gabi at medyo malamig ang simoy ng hangin.

Her maxi dress is flowing free as well as her curly hair. Lumiko sya at nakita ang Craft Shop nya. May costumer pa kaya dahan dahan syang lumakad. Tinulak nya ang glass door, napabaling si Ava sa kanya na may kausap na isang babae.

"Hi, I know you!" Biglang sabi nya nang makilala ang babae na kausap ni Ava.

Nahihiyang ngumiti tuloy iyong babae pabalik.

Island Series: Aliana Bernales (To Be Published Soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon