Chapter Two

1.2K 47 8
                                    

Chapter Two

Naging abala si Aliana sa pagtatrabaho nitong mga nakaraang araw. Natanggap na din nya ang unang sweldo nya. Isa lang natanto nya, worth it lahat ng pagod nya at ang pambabalewala sa mga matataray na turista.

Dalawang araw ang day off nya, hindi nya nga din alam kung bakit dalawa iyon pero hindi na sya nagreklamo pa. Ngayong ayaw ay matapos magbreakfast, nagpasya syang magswimming ngayon sa dagat.

Sa mga nagdaang araw ay hindi nya magawa iyon dahil nga naging abala sa pagtatrabaho. Pero ngayong nagkaroon na ng pagkakataon, agaran syang humanap ng swimsuit sa dalang mga damit.

May nahanap naman syang isang off shoulder top at isang stripe na bottom. Kitang kita ang hubog ng katawan nya, at mas lalong nadepina ang mahaba nyang legs dahil sa high waist cut ng bottom nito.

Excited syang lumabas ng kwarto nya at tinungo ang malawak na karagatan. Ngunit dala ng excitement, hindi sya naging handa sa papalapit na golf car. Mabuti nalang at nahinto agad noong lalaki iyon.

"I'm sorry!" Hingi nya ng tawad agad at mabilis na naglakad paalis dala ng kahihiyan.

Umupo sya sa isang spot na tanaw ang malawak na dagat. Hindi na nya inalintana ang init na pumapaso sa balat nya.

Kinuhanan nya ng litrato iyon bago ngumiti. Buhay na buhay na ang isla ngayon dahil mas dinayo ito ng mga turista ngayon.

Tinanaw nya ang isang grupo ng barkada ata na rumenta ng isang bangka doon.

"I think you drop this."

She startled upon hearing those deep voice. She faced her right side and saw the man who had a chinky eyes. Nilahad nito ang palad sa kanya, doon nya nakita ang angklet nya.

"Oh, Salamat!" She carefully tooked it. Sinubukan nyang ilagay sa paa nya pero nakita nyang sira ang lock niyon.

"Sira ba?"

She nodded. Naramdaman nyang umupo sa tabi nya ang lalaki. Inangat nya ang tingin dito at nasalubong nya uli ang malalalim nitong mata.

"I can fix it, akin na."

Wala sa sariling inabot ni Aliana iyon sa lalaki. Pinanuod nya ang ginawa nitong pag ayos sa lock ng angklet nya.

"Here, try it again."

Sh obligned and wore her angklet. Ayos na iyon kaya ngumiti sya sa lalaki.

"Thank you uli,"

"Allen." Anito.

"Allen. Hi, nice to meet you." She cheerfully said.

Bahagyang nagsalubong ang kilay ng lalaki bago napatango nalang.

"May gagawin ka ba?" Kapagkuwan ay tanong nito.

"Huh?" Kurap nya dahil di nya sigurado kung tama ba ang pagkakadinig nya.

"May gagawin ka ba?" Ulit nito. Umiling sya. "Wanna join me on my tour?"

"Are you really asking that on a stranger?"

Umangat ang gilid ng labi nito. "You're not a stranger. Your name's Aliana right?"

"Syempre. Hindi mo pa naman ako kilala talaga."

"Was that a big deal?"

Tumango sya. The man chuckled.

"Hmm... so, wanna join me? I don't want to be alone. Ang ganda ng araw." Anito. "At since wala ka namang gagawin, baka lang gusto mo?"

"Sure ba yan?" Paninigurado nya. "Walang halong charot?"

"Silly. I wouldn't be offering it to you if I'm not sure."

Island Series: Aliana Bernales (To Be Published Soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon