Chapter Twenty One

890 36 10
                                    

Chapter Twenty One

Tumikhim si Shinubo at ngumisi. Inis naman na binalingan ni Aliana si Allen.

"Excuse me," tapik ni Shinubo sa balikat nya.

Sumaludo pa ito kay Allen bago sila iniwan. May mga pumasok sa costumer sa Shop kaya hinila nya si Allen sa bandang likod.

"Ano bang pinagsasasabi mo?"

"Just sharing."

"You don't get to kiss and tell around, Allen!"

Tumaas ang kilay nito at hinapit sya sa baywang bago marahang sinandal sa pader.

"Gusto mo lang ipakita kay Shinubo--"

"I don't care if you two make out,"

"You do."

"Because you're my wife."

Kinalas nya ang braso ni Allen sa baywang nya.

"Ang gulo mo kausap." She spat and walked away.

Narinig nya pa ang bahagyang pagkatawa ni Allen sa likod nya. Nilapitan ni Aliana ang mga bagong deliver doon. She signed some papers for release.

"What's that?" Si Allen sa likod nya.

"Ano pa bang ginagawa mo dito?"

"Masama ka na bang bantayan?"

Inabutan nalang nya ito nang mga hanger at inutusang ilagay ang mga crochet bikini's sa isang stall sa gilid. Inasikaso naman ni Ava ang mga costumers.

Tumunog ang cellphone ni Allen, kaya agad na napabaling sya doon. Bumaling sa kanya ang asawa.

"Ako nalang, my wife's busy with her shop."

"Ha? Ano iyon?"

"Ipa-finalize na daw yung design ng renovation. But since you're busy, ako nalang ang haharap kay Engineer Villanueva at Architect Kate."

"Kate?"

"She's Architect Madrid."

Napatitig sya sa asawa nya. So, first name basis na sila nung Architect?

"Sumunod ka na din para makapag almusal na tayo pagnaka-tapos ka na dito." Mabilis syang nahalikan ni Allen sa labi.

Mabilis nyang chineck lahat ng boxes doon at binilin kay Ava bago sya sumunod kay Allen. Nahiwagahan lang sya na first name basis na ito agad kay Architect Madrid.

Napahinto sya nang matanto na mukha syang nagseselos na hindi naman dapat.

Kalaunan ay pinilig nalang nya ang ulo nya at pinagpatuloy ang paglalakad. Sa labas ng restaurant ay nakita nya doon ang asawa at ang dalawang bisita. She composed herself and walked confidently.

"Hi." Aniya at umupo sa bakanteng upuan.

"Hi, Mrs. Ong, we already explain everything to your husband po. Babalik kami next week for the renovation." Ani Architect Madrid at ngumiti.

"Cinco building will be the charge of this." Si Engineer Villanueva.

"Napaltan na ba iyong design na sinasabi ko?"

"Mrs. Ong, sabi po ni Sir Allen, okay na daw iyon."

"I want to change it."

"No. Mas maganda na iyong design." Singit ni Allen.

Ngumiti pa ito kay Architect bago tumango ang huli. Tumikwas ang kilay nya. Iba ang ngitian ng dalawa.

"Okay." Aniya. "Did you already ordered our food?"

Island Series: Aliana Bernales (To Be Published Soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon