Chapter Twenty Two

842 30 6
                                    

Chapter Twenty Two


Naalimpungatan at napamulat si Aliana, saktong nabungaran nya ang peaceful na mukha ni Allen. Bahagyang nakaawang bibig at hawak ang baywang nya. She gulped as she felt her heartbeat fast. Kumurap kurap sya at kinalma ang tibok ng puso. Ngunit mas lumala pa iyon nang magmulat si Allen at nagtama ang mata nila.

Ang bilis nyang umiwas ng tingin at tumayo. Allen's forehead knoted. Pumihit naman sya at pumasok sa banyo.

Kaagad syang naghilamos at pinakiramdaman ang sarili. May idea kung bakit bumilis ang tibok ng puso pero ayaw nyang bigyan ng pansin.

She entered the shower room and let the water flows in her body to stop her from thinking. Ayaw nyang ma-inlove kay Allen dahil delikado.

---

Allen silently stared at his wife while she curled her long hair. He took a sipped on his coffee and shifted on his seat.

"Sir Allen, nadala ko na po iyong damit na susuotin nyo." Katok ni Avelina sa pinto.

He stood up and opened them. Ngumiti ng tipid si Avelina bago hinanap ng mata si Aliana na abala sa buhok nito.

"Good Morning, Ma'am Aliana."

Aliana smiled and faced Avelina. "Good Morning,"

"Send me the details sa meeting. Tyaka pagkatapos mo, sumunod ka sa Auction."

"Okay, Sir. I'll go ahead. Ma'am,"

Tumango lang si Aliana at nilapitan ang box na nilapag ni Avelina sa kama nila. She checked her gown and she really must say na magaling pumili si Avelina.

HINIHINTAY ni Aliana na sagutin ng tatay nya ang tawag. Nagpabalik balik pa sya sa balkonahe.

"Aliana," Her father finally answered.

Lumapit sya sa barandilya at humawak doon, natanaw nya si Allen na tumalon sa swimming pool.

"Pa? Are you busy? Pwede ba kitang puntahan?"

"Now na? Okay anak."

"Sige po."

Binaba na nya ang tawag at muling tinanaw si Allen. Kapagkuwan ay pumihit sya papasok sa kwarto at nagbihis na. Pababa na sya ng hagdan nang makasalubong nya si Allen, humarang pa ito sa daan nya.

"Where are you going?"

"Somewhere." kibit balikat nya.

"Text me later, take care." May sinenyasan ito sa likod nya.

Nakita nya ang mga tauhan ni Allen, tahimik syang sumakay sa sasakyan. Bumuntong hininga nang makarating na sa building ng kompanya nila.

"Hintayin nyo nalan--"

Kaso hindi nya pa natatapos ang sasabihin nang lumabas ang dalawang lalaki at pinagbuksan pa sya ng pinto noong isa. Lumabas nalang sya at hinayaan ang dalawang nakasunod.

Sinalubong sya ng sekretarya ng Papa nya at giniya sa loob. She locked the door and faced her Papa.

"Mabuti naman at makakadalo kayo ni Allen sa Auction."

"Papa, can I ask you something?" Tahimik syang naupo sa sofa doon. "Papa..."

Mariin syang tiningnan ng Papa nya bago tumango.

"Are you involved with illegal business?"

Ni-hindi man lang nagulat ang Papa nya sa tinanong nya. Kinuyom nya ang kamao.

Island Series: Aliana Bernales (To Be Published Soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon