Epilogue

1.7K 45 13
                                    

Epilogue

"This is Albert Bernales. He knows a lot about illegal guns." Seryosong sabi ni Papa.

Sinilip ko ang folder at may picture ni Albert doon. Napatango nalang ako habang nakikinig sa sinasabi ni Papa sa harapan ko.

"Kelan natin pwedeng makausap to?"

"As soon as posible,"

--

"Good Day, Elliot."

Pumasok ang isang morenong matangkad na lalaki sa loob ng opisina ko. Tumayo ang Papa  at sinalubong ang iyon. Sumunod na din ako ng tayo at inilahad ang kamay doon.

"Van Allen, Sir."

"I knew you, hijo."

"Glad to know that. So shall we start our discussion?"

Tinapik ako ng Papa sa balikat. Sabay sabay kaming naupo para mapag usapan na ang plano tungkol sa mga armas na iaangkat nila sa Pilipinas.

Hindi naging madali kausap si Albert at medyo mayabang pa. Kundi lang namin ito kailangan para mapalago ang illegal business, baka napatay ko na ito.

Nagkataon pang biglang bumagsak ang kompanya nito, kita mo nga naman. Walang naging choice si Albert Bernales kundi ang lumapit sa amin at humingi ng tulong. Nabuo tuloy ang mga plano ko.

Huminto ako sa paghawak sa hita ng babaeng kausap ko nang may nilapag si Vini sa harapan ko. Nginisian ko pa ito.

"Ayaw mo talaga ng babae?" Tanong ko pa.

"Gago ka, baka putulan na ako ni Emerald."

"Mahina ka."

"Tigilan mo ako. Ayan oh." Nilapit pa nito ang folder sa akin. "Pinadala ng tatay mo, hindi ka daw nya ma-contact."

Inabot ko iyon ang binuksan, pagkabukas ko, bumungad sa akin ang picture ng isang babae. Madami iyon. Sa gitna palang, nakalagay na ang pangalan nito.

"Aliana Bernales." basa ko sa panagalan at binalingan uli ang mukha ng babae.

The woman look so pure and a bit of bitch looking face, pero sinsero ang pagkakangiti nito. Nabitawan ko na nang tuluyan ang katabing babae para mas matitigan ng mabuti ang babae sa litrato.

"Virgin?" tanong ni Vini sabay tawa. "Napatitig ka eh."

"Gagi, ang inosente."

"Oh? Iyan daw iyong anak ni Albert Bernales. I heard that their company needs help. Iyon ang sabi ni Tito Emil."

"Dami mo nang alam ah."

"Papatahimikin mo na ba ako?"

Binato lo nalang ng tissue ang kaibigan bago nilapag sa lamesa ang folder. Kinuha ko pa ang ballpen sa bulsa at tinalikod ang isang picture doon.

'Aliana, daughter of Albert Bernales will be the bait'

"What's your plan?"

"Madami." ngumisi ako at tinap tap ang litrato ng babae.

---

"Sir Allen, okay na po." ani Avelina.

Tinanguhan ko sya. "Alright, thank you."

Everything is settled. Natulungan ko na ang kompanya ni Albert Bernales, and part of my plan was to be wed by Aliana.

Mariin kong tinitigan uli ang litrato nito, napasimsim ako sa whiskey.

"This is fucking wrong. Hindi dapat ako nandadamay ng mga inosente." Iling ko.

But my father was really consited. Kailangan talaga namin ang tulong ni Albert Bernales kaya kahit ayaw kong idamay ang babae, madadamay ito. I would still end up to be wed with Albert daughter.

Island Series: Aliana Bernales (To Be Published Soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon