Chapter Sixteen

867 36 9
                                    

Chapter Sixteen


Inasakiso ni Aliana ang Mama nya at ang dalawang kapatid. Nasabihan na din pala ang mga staff sa resort ni Allen tungkol sa pagbisita. Di na nya tinanong kung bakit wala pa ang Papa nya, malamang na hindi na naman nito maiwan ang kompanya nila.

"Ang ganda dito ate." ani ni Aila.

Nginitian nya ito, "Bukas, magpapa-schedule ako ng bangka para sa bar hoping natin."

"Madaming magagandang isla dito, Ate?" Si Aidan naman ang nagtanong.

"Oo naman." Hinarap nya ang Mama nya. "Mama, buti po naka-bisita kayo?"

"Pumunta si Allen sa bahay. Binigyan nya kami ng all access para mabilis na makapunta dito."

"Si Allen po?"

"Oo anak, gusto nya nga gamitin nalang namin ang chopper pero tumanggi ako. Mas mabuti na ang magcommute."

"Kain lang kayo ng kain, Mama."

Nang matapos ay may naka-handa na ding cottage para sa kanila. Tinulungan nyang ilagak ang mga gamit ng kapatid.

"Ate, may wifi?"

"Meron. Akin na phone mo."

Pareho nang abala ang dalawa nyang kapatid sa mga kanilang cellphone. Nilapitan naman nya ang Mama nya. Nginitian sya nito.

"Kumusta ka naman dito, anak?"

"Masaya ako, Ma. Ang aliwalas dito."

Pinisil ng Mama nya ang braso nya. Humilig sya dito, parang bigla gusto nalang nyang kalimutan lahat ng iniisip nya ngayon.

"Ay Ma. Papakita ko po pala iyong Craft Shop ko po."

HAWAK ang Mama nya ay tinahak nila ang buhanginang daan papunta sa Craft Shop nya. Sa likod ay magka-akay si Aila at Aidan na naglalakad.

"Ang ganda dito, Ate." ani Aila.

"Marami pang magandang parte dito. Ipapasyal ko kayo."

Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa Craft Shop nya, automatikong napangiti si Aliana nang makitang may iilang mga costumer sa loob. Inakay na nya ang pamilya nya sa loob.

"Aila, Aidan, pili kayo ng gusto nyo ha."

"Sa iyong shop ito, Ate?"

Tumango sya kay Aidan. Limapit agad ito sa mga costumize wire's. Hinayaan nya din si Aila na maningin.

"Ikaw, Ma? Baka po may gusto ka?"

"Ito na ba ang Craft Shop mo. Ang aliwalas tignan."

"Opo, Ma. Tinulungan pala ako ni Shinubo ayusin to."

Umangat ang kilay ng Mama nya. "Si Shinubo Lausingco?"

Tumango naman sya. "Oo, iyong kapitbahay po natin."

"Kamusta na ang batang iyon?"

"Walang nagbago sa buhay nun, pasaway pa din."

Pinakilala ni Aliana si Ava sa Mama nya. Maayos naman magtrabaho si Ava at hindi naman stress pagbabantay dito.

"Ma'am Aliana, may tumawag po pala. Iyong delivery po ng iba pang crafts."

"Okay, pa-confirm nalang ako kapag dumating na."

Bandang gabi na nang bumalik sila sa mismong resort. Nagdinner sila bago sya nagpaalam na may aayusin lang sa opisina ni Allen. Syempre responsibilidad nya pa din ang resort, ang isa sa mga dahilan kung bakit sya nandito sa Isla.

Island Series: Aliana Bernales (To Be Published Soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon