Chapter Five

968 36 6
                                    

Chapter Five

"Sorry po Kuya!"

Mga bata ang nakalapit sa kanila na parang ito ang mga nakatama ng bola kay Allen.

"Sorry po. Ikaw kasi." Nagsimula nang magsikuhan ang mga bata.

Tumayo sya at sinilip si Allen na nakapikit at hawak ang tenga nito.

"Hala! Pasensya na." Isang babaeng naka-dress ang lumapit sa kanila ngayon. "Napuruhan ba?"

"Allen, are you okay?"

"Malamang hindi." Sagot ni Allen. He groaned again.

Ngumiwi si Aliana at hinarap iyong babae. Nakanguso ito.

"I'm sorry. Dalhin nalang namin sa clinic si Kuya."

"No. It's okay. Be careful next time."

Tumungo iyong babae at inaya na ang mga bata paalis. Nang muli syang bumaling kay Allen ay nakita nyang hinihimas nito ang tengang napuruhan.

"Matigas talaga ang bola ng volleyball. Naalog ata ang ulo ko." Naiiling na sabi ni Allen.

Naupo syang muli sa gilid ni Allen na marahang nakapikit pa din. Tahimik syang sumimsim sa baso. Narinig na naman nya ang daing ni Allen.

"Masakit ba talaga?"

"What do you think, Aliana?"

She didn't think twice and held Allen's face and made him faced her. Nagsalubong ang kilay ni Allen.

"I'm going to request for a cold compress." Aniya.

"Sa cottage ko nalang. I'm feeling dizzy."

Dahil sa narinig, agad na nataranta si Aliana. Mariin nyang hinawakan ang mukha ni Allen at tinitigan sa mata ang binata.

"Huwag kang matulog. Hoy."

"Can you help me walk?"

Agad na tumango si Aliana at tumayo para isuot ang robe nya. She wrapped Allen's arms on her shoulder. She can clearly smell Allen's manly scent.

"Trisha, pasunod ng mga pagkain sa cottage ko." Ani Allen sa waitress na nakasalubong nila.

Bitbit sa kabilang kamay ni Aliana ang mga gamit nya while Allen is just holding his book. When they arrived at the cottage, tinulungan nyang maupo si Allen sa sofa doon.

"Do you have a cold compress here?"

"In the fridge, I think?"

Tumalima si Aliana at agad na tinungo ang ref para icheck kung may ice cubes at nakita naman nyang meron. Naghanap nalang sya lagayan niyon at bumalik kay Allen sa sofa.

She sat beside him. Bumaling sa kanya si Allen.

"Lagay ko na dito." Aniya.

Allen let her. Pinatong nya ang cold compress sa tenga ni Allen. Straight face lang ito.

"Are you mad at the kids?"

"No. Pakiramdam ko lang hindi ako makarinig ng ayos." Sabi pa nito. "Bumulong ka nga."

"Ha?"

Nilapit ni Allen ang tenga nya kay Aliana. She sighed and leaned, huminga sya bago magsalita.

"Allen?"

Bigla ay nahawakan ni Allen ang baywang nya matapos nyang ibulong iyon. Humarap si Allen sa kanya, kaya sunod sunod syang napakurap dito.

He slightly pulled her closer, napahigpit ang hawak ni Aliana sa cold compress, not minding kung malamig iyon. Lumihis ang robe na suot nya dahil sa ginawang paghila ni Allen sa kanya.

Island Series: Aliana Bernales (To Be Published Soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon