Chapter Twenty Five

882 33 10
                                    

Chapter Twenty Five

"Bale ito na po ang gagawin namin na designs, Ma'am Aliana."

Tumango si Aliana sa pinaliwanag ni Architect Madrid. Nagsimula na ang mga tauhan ng Cinco sa gagawin nila.

"If you need anything, si Allen na ang bahala sa inyo."

"Oh, I heard my name. But I'm kinda busy, why don't you handle this project, my wife?"

Sinamaan nya ng tingin si Allen bago hinarap ang Architect at Engineer na siguro ay na-weweirduhan na sa kanilang dalawa ngayon.

"Sige, alis na. Ako na ang bahala dito."

Allen playfully made a bow infront of her before walking away. Umamba sya ng suntok dito.

Nang makapagsimula na, sinabihan naman sya ni Engineer Villanuva na pwede naman na syang umalis. Binilin nalang nya ito sa isang staff ng resort. Nagpaalam sya at umalis na doon.

Pagkalabas nya ng mismong resort, narinig nya agad ang alon ng dagat. Sariwa ang simoy ng hangin kaya humakbang sya papalapit sa dagat. Sa malayong parte, nakita nya ang bulto ni Allen. Nakakailang hakbang palang sya pero natigilan sya nang makita ang kabuuan ni Allen. Taimtim itong nakatingin sa karagatan, hinahangin ang buhok nito.

Suminghap sya nang biglang tumibok nang mabilis ang puso nya. She licked her lips. Kahit naman anong pigil nya, alam nyang makakaramdam pa din sya ng kakaiba sa asawa. Kaya nga hangga't maaga pa, lalayo na sya.

Humarap sa pwesto nya si Allen kaya nagtama ang mata nila. Kumurap sya at umiwas, hindi nagtagal ay naramdaman na nya ang paglapit ni Allen sa kanya. He carefully wrapped his arms on Aliana's waist.

"What?"

"Masama ka nang yakapin?"

"I'm still mad at you."

"I'm sorry." Naamoy nya ang amoy alak sa hininga nito. "Do you want me to delete it?"

"Malamang!"

"Not unless you stopped with the annulment papers, my wife."

"Ano pa bang mapapala mo sa akin?"

Unti unting hinalikan ni Allen ang pisngi nya, napasinghap sya sa pagpisil nito sa dibdib nya.

"A good fuck, I guess."

Hinarap sya ni Allen at kinintilan ng halik. Walang naging reaksyon si Aliana. Ang tanging nararamdaman nya lang ay ang mabilis na tibok ng puso nya.

"Sir Allen, may naghahanap po sainyo sa front desk."

"Pupunta na ako."

Binitawan sya ni Allen at iniwan doon. Bumuntong hininga si Aliana at sinapo ang dibdib nya.

Naging abala sya sa Craft Shop, at sa renovation. Hindi na nya nakita si Allen matapos na iwan sya nito sa dalampasigan kanina. Hindi na din naman sya nag abalang hanapin pa ito at inabala nalang ang sarili sa renovation.

Aabutin ng apat na buwan siguro ito, pero wala naman na syang problema doon.

Panay ang tango nya kay Architect Madrid sa mga ineexplain nito bago nya nahagip ang dalawang tao na abala sa pag uusap.

"Ma'am Aliana?"

Kumurap sya at iniwas ang tingin kay Allen at sa babaeng kasama nito. Binasa nya ang nanunuyong labi.

"Ito po ang design na sinabi ni Sir Allen. Bale, ito naman ang sayo. Ito...."

Napakong muli ang mata nya sa pwesto nina Allen. Nakahawak na iyong babae sa braso ni Allen at panay na tumatawa. Napalunok sya sa biglang inis na naramdaman. Napakuyom ang kamay nya nang pabirong binuhat ni Allen ang babae at itinapon sa swimming pool.

Island Series: Aliana Bernales (To Be Published Soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon