Simula

356 54 171
                                    

Simula

Natagpuan ko nanaman ang sariling nakatitig sa asul na kalangitan. The bluish white sky reminds me of the seas in El Nido and Coron. Two of the places we've traveled when I was a kid and the place where I had the best moments together with Papa before he died.

The clouds were slowly moving. At sa sobrang rahan ng paggalaw nila, para akong inaantok.

I extended my right hand upward as if reaching the clouds.

"The class is about to start. Hindi ka pa ba papasok?"

A tall guy appeared beside me. His features were like those of Adonis. He's tall compared to the guys in our batch. His body was broad too like the guys I've seen on movies.

Sa sobrang abala ko sa pagtingin sa mga ulap, ni hindi ko manlang siya napansin.

Ibinaba ko ng dahan dahan ang aking kamay saka bahagyang ngumiti.

"Ten minutes pa," I said as I looked at my wristwatch and back to him.

His hair was a little messy. Hindi na siya nag-abala pang ayusin 'yon. But in my eyes, he looks more attractive in his messy hair. Medyo gusot din ang polo niya, siguro ay dahil sa pagtulog. Pag-alis ko kasi kanina sa classroom, tulog siya. Hindi na ako nag-abala pang gisingin siya dahil mahimbing ang tulog.

On his left hand was an Economics book habang ang kanang kamay nama'y nakalagay sa bulsa ng kaniyang black slacks.

"You didn't wake me up," he said boredly while swiftly lifting the book to his broad shoulders.

"You sleep soundly, Nova. Para bang hindi ka nakatulog buong buhay mo."

He must be tired dahil sa mga nakatambak na papeles na kailangan niyang i-review. He's not like those leader who neglects his duties. Nakakuha niyang pagsabayin lahat. As expected of him.

I chuckled a bit as I placed my elbows against the railing of our school's rooftop.

"Ginising mo dapat ako, Rai. I won't mind if you'll wake me up."

"It's already done. Tsaka ayaw mo no'n nakatulog ka?" ngisi ko ng bahagya.

He hissed after my last word. "Tara na. Malilate na tayo."

I frowned. "Mag-cutting na lang kaya ako? I don't feel like going to class. Gusto mo sumama?"

He narrowed his eyes pagtapos ay mabilis na pinulot ang bag at iilan kong libro na nasa sahig. Walang kahirap-hirap niya 'yong kinuha.

"Then do as you please," he smirked.

Mabilis siyang tumalikod saka tumungo sa pintuan ng rooftop. Tulala lang ako habang pinagmamasdan ang likuran niya.

I blinked saka rumihestro ang nangyari.

"H-hoy! 'Yong bag ko! Nova!"

I stomped my feet like a child nang hindi manlang siya nag-abalang lumingon. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. I told him na magcu-cutting ako! Balak kong tulungan si Mama sa trabaho dahil panigurado nagpapagod nanaman 'yon. And how am I supposed to do that kung nandoon sa bag ko 'yong wallet at keypad ko?! Hindi ako makakuwi dahil wala akong pamasahe!

Bumaba ako sa hagdan habang pinipigilan ang inis. Hindi ako nagbibiro 'nong sinabi ko na magcu-cutting ako. Ilang beses na 'yong nangyari kaya alam niya na ang rason.

Napahinto ako sa harap ng pintuan ng classroom. Welcome to X-Aguinaldo.

I frowned and went inside. Pagpasok sa classroom, nasa upuan ko na 'yong bag at libro ko. Malapit 'yon sa bintana at nasa pinakalikuran kaya madaling makita. Katabi no'n ay si Nova na siyang nagbubuklat ng kaniyang Economics book.

Beneath the Clouds (Beneath Series 1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon