Kabanata 27

56 14 3
                                    

Kabanata 27

Plans

I've been very busy the next days. It's already summer kaya mas naging abala ang Casa Miranda. I haven't sleep for a couple of days dahil na rin sa tambak na proposals na kailangan kong ireview. Isa pa, dumagdag din sa iniisip ko ang darating na reunion ng batch namin noong highschool. That's being said, I'm going to meet Nova and the rest of my classmates. Iniisip ko pa lang na makikita ko sila, sumasakit na agad ang ulo ko.

"Ma'am, okay lang po ba kayo rito? Uh, kailangan ko pa po bang magdagdag ng electric fan?" asiwang tugon ni Adele habang hindi maipinta ang mukha nang makita ang kalagayan ko.

Medyo basa na ang uniform ko, but I can handle more than this.

Pansamantalang nilipat ang office ko sa abandonadong kwarto malapit sa Miranda Cove. Medyo hagip kasi 'yon na siyang part ng extension at kasama rin sa irerenovate. Medyo maliit lang ang kwarto at walang aircon. Hindi ko na pinaalam pa kay Ma'am Miranda dahil panigurado, ilipat niya ako sa ibang mas komportableng kwarto, doon sa di-aircon. Hindi naman sa hindi ako komportable sa pinaglipatan ko, pero kapag si Ma'am Miranda, panigurado hindi niya ako hahayaang manatili rito.

The restaurant was closed for the meantime. It's not a loss naman since marami pa namang kainan rito sa Casa Miranda. At isa pa, every resort building has its own food service.

Medyo kilala lang ang Miranda Bleu dahil sa Italian foods.

I sighed. "Ayos lang ako, Adelle. Kumusta ang renovation?"

"Ayos naman po, Ma'am. Uh, hindi po ba kayo pupunta roon?"

Medyo nagtagal ang isip ko sa sinabi niya. Frankly saying, may iniiwasan ako. "Naroon ba si Ma'am Sonia?"

"Wala po, Ma'am. Sina Engr. Escalante at  'yong mga trabahador lang po ang nandoon. May mahalaga po kasing inasikaso si Ma'am."

Hinilot ko ng bahagya ang aking noo. Guess, I don't have a choice.

"Pupunta ako. I'll just take some calls."

Inutusan ko muna si Adelle na tumulong sa Miranda Cove dahil wala pa rin namang gagawin dito.

I took my phone and make some important calls. After that, I opened my messenger and our group chat popped up.  Three hundred unread messages then greeted me. Nag-backread ako at mostly are chats about our upcoming reunion. Online lang sina Russell at Lani.

Russell:
Ol si Ma'am, a. Free time?

Ako:
Hi, Rus. Yes, it's my break. Kelan daw ang reunion?

Russell:
Sa Martes. Gonna attend?

Ako:
I don't know. Depende kung available ako.

Laarni:
Gaga! Umattend ka! Ako nga na nightshift, e, aattend. Ikaw pa kaya?
Seen by Russell

Ako:
I don't feel like coming.

Laarni:
You don't feel like coming? Dahil may iniiwasan? Move on na, teh! Ang alam ko may jowa na 'yon.

Russell:
Walang girlfriend si Nova, Lan.

Laarni:
Engineer na si Noviel, Russell. Imposibleng walang girlfriend. Baka itinatago?

Russell:
Magkachat kami kanina ni Nova. Wala siyang girlfriend.

Laarni:
Meron.

Russell:
Wala nga, sabi!

I sighed and typed my reply.

Beneath the Clouds (Beneath Series 1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon