Kabanata 23

49 15 3
                                    

Kabanata 23

Ayoko

Tulala ako habang nagpapalit ng damit. Saglit kong tiningnan ang bintana, malakas pa rin ang ulan, at wala pa si Mama.

I smiled sadly at the thought that maybe she's happy together with Engineer Escalante.

Mahirap sa akin lahat ng nalaman ko, hindi ko matanggap. Mahal na mahal ko si Papa and it's like he had been replaced after his death.

Ayokong ipagkait ang kasiyahan ni Mama kahit masakit sa akin, pero bakit naman sa taong may pamilya pa? Bakit sa papa pa ni Nova? Sa papa pa ng ex-boyfried ko?

I walked down the stair like a zombie. Pakiramdam ko, namanhid ako. I can't feel anything.

Walang emosyon akong tumitig sa lamesa. Mayroong mga pagkain doon— spaghetti, pancit, at adobong manok. Sa harap ng upuan naman ay isang kupkeyk na mayroong maliit na kandila sa gitna.

Dahan dahan akong lumapit sa upuan. I stared at the cupcake for a moment before sitting down.

Bumaling akong muli sa front door, umaasa na sana umuwi na si Mama. I tried to call her pero nakapatay ang cellphone niya. I inhaled and smiled sadly. Kinuha ko ang posporo sa tabi at tahimik 'yong sinindihan. 

Tulala akong tumitig sa apoy. Nang matauhan, I let a deep breath again. I started clapping my hands in a slow pace and sang.

"H-Happy birthday to you..." I gritted my teeth and swallowed hard as my eyes turned misty. "Happy b-birthday to you... Happy birthday... Happy birthday... Happy birthday to you..."

I closed my eyes and whispered my wish. "I wish everything will go back into its right places. More health kay... Mama."

I slowly opened my eyes and blew the candle. And the house filled with silence once again. Sobrang lungkot.

Bumuga ako ng hininga saka pilit na ngumiti.

"Ano ba 'yan, Raya. Ang drama mo, a,"
I joked with myself. Pero sa halip na mabawasan ang sakit na nararamdaman ko, mas lalo pa akong naiyak.

Akala ko naiyak ko na lahat, hindi pa pala.

Pilit kong pinupunasan ang mga luha ko pero patuloy pa rin 'yon sa pag-agos. Sa totoo lang, sobra sobra na 'yong nangyari, parang hindi ko na kakayanin. I hurted Nova. I hurted his family, kahit hindi naman direkta, pero nasaktan ko pa rin ang pamilya niya.

Agad akong napabaling sa pintuan nang makarinig ng yapak. It was my mother, soaking wet. Kitang kita ko ang pagtaas-baba ng tahip ng dibdib niya. Para bang nagmadali talaga siya na pumunta rito. Her hair was a mess. Nawala na rin ang suot niyang cardigan kanina noong umalis.

Her eyes were full of worry. Bagsak ang balikat niya. And by the looks of it, mukhang alam niya na ang nangyari kanina.

Napagawi ang tingin ko sa likuran niya. Napansin ko ang bulto ng isang lalaki, si Engineer Escalante. At ngayon magkasama pa rin sila.

Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman. Mahal ko si Mama, pero nanaig sa akin ang galit.

"Railey, anak," marahan niyang saad at dahan dahang lumapit sa akin kahit na basa ang damit niya. She swallowed hard when she glanced at the food, and the cupcake in front of me. Pagsisisi ang siyang makikita ko sa mukha niya.

Kahit na nanginginig, nagawa kong tumayo para tumungo sa kwarto ko. Gusto ko na lang umiyak.

"Rai!" nagpapanic na ani ni Mama nang makita akong maglakad patungo sa hagdan.

She immediately held my arm pero agad akong umiwas. Napahinto si Mama sa ginawa ko.

"Rai, magpapaliwanag ako, anak..." si Mama. Nakita ko ang pamumuo ng luha niya. Kitang kita ko ang pagsisisi sa mga mata niya.

Beneath the Clouds (Beneath Series 1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon