Kabanata 11

81 24 7
                                    

Kabanata 11

Hurt

"Rai..." marahang ani ni Nova. "...I won't fade away. Please."

I immediately shook my head habang mahigpit pa rin ang kapit sa kanyang polo.

Nova sighed. "Nana..."

Dahan dahan akong nag-angat ng tingin kay Nova. He was now looking at Nana Lota, the Mansion's Mayordoma.

"Raya, anak, kailangan niyo munang magpalit ng damit. Magkakasakit kayo," ani Nana Lota.

Hindi ako sumagot saka humigpit pa ang hawak sa kanya na para bang maglalaho siya sa oras na lumuwag ang kapit ko. We were soaking wet dahil sa ulan kanina. I didn't even know how we managed to go inside their resort.

Dumiretso kami dito dahil hindi pwedeng sa mansiyon nila. The party continues kahit na ang center of the party ay nandito, yakap yakap ako.

"Don't go, Nova," I softly whispered. Hindi ko alam kung ilang beses ko na 'yong nasabi.

Buntong hininga lang ni Nova ang siyang naririnig ko.

"Raya, kailangan niyo munang magpalit ng damit."

"It's okay, Nana," si Nova.

Bumaling siya sa akin saka hinawakan ako sa aking pisngi. He looked at me with so much emotions. His eyes were full of sadness and hesitations.

"We will talk, Railey. But first, you need to change your clothes. Hindi ako aalis dito. I won't leave."

"Y-you won't leave?" I said, trembling.

"Yes," marahang boses niya. "Nana, pakisamahan na lang po si Raya sa banyo. Manghihiram na rin po ako ng damit ni Eve. Ipapahatid ko na lang po dito."

"S-saan ka pupunta?" tanong ko.

He sighed again and looked at me. "Manghihiram lang ako ng damit ni Eve para gamitin mo. Babalik din ako agad pagkatapos kong mabihis. I don't have spare clothes here."

Nag-iwas ako ng tingin saka yumuko.

"Rai..." pagkuha niya sa atensiyon ko. "Railey, look at me."

He lift my chin up so that our eyes will level. I bit my lips, forcing myself not to cry.

"Kukuha lang ako ng damit mo. I told you, hindi ako aalis. Babalik ako agad dito."

Hindi ako umimik.

"Sige na, Nova. Ako na ang bahala kay Raya. Masyado ka nang nagbababad," ani Nana Lota.

"I'll be back, okay?" Nova whispered and held my hand tightly. Pagtapos no'n ay dahan dahan siyang tumalikod.

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. I played with my fingers saka siya sinundan ng tingin. He glanced at me for the last time before going to the patio.

Inasikaso ako ni Nana Lota. Kulang na lang ay siya pa ang magpaligo sa akin.

"Nandito na sa kama ang mga damit mo, Raya. Doon lang ako sa labas," ani ni Nana Lota na nasa kwarto. I was here at the shower, cleaning myself.

"Salamat po, Nana Lota," mahina kong sambit. Pero alam ko na narinig 'yon ni Nana.

Dinama ko ang tubig sa shower. Hindi ako gumalaw habang patuloy ang pag-agos ng tubig sa katawan ko. I'm numb and I can't feel anything.

Nova is really leaving in just two or three months. Mawawala siya ng dalawang taon. No. Baka higit pa doon. He might go to college in Manila too. Then how many years was it? He won't come back?

Beneath the Clouds (Beneath Series 1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon