Kabanata 2

125 47 93
                                    

Kabanata 2

Poem

It was unusual for me to go to school alone. Nakasanayan ko nang pumasok kasama si Nova. Everyday, he'll fetch me at sabay kaming papasok.

I waited patiently at our gate earlier hoping that he'll come, pero walang Nova'ng nagpakita sa akin.

I went to school with a heavy heart. And I thank heavens, I arrived 10 minutes before our flag ceremony.

"Good morning, Rai!" some classmates greeted me.

"Morning," walang gana kong balik sa kanila.

Unang hinanap ng mata ko ang upuan ni Nova. His things are there. As usual, organisado.

I went to my chair with my gloomy face.

"Ano ba 'yan, Raya! Lunes na lunes, parang biyernesanto 'yang mukha mo!" sita sa akin ni Josie, President ng classroom namin.

Hindi ako nagsalita. Inihilig ko na lang ang noo ko sa aking arm chair, iniisip pa rin si Nova.

Iniisip ko pa lang na makikita siya, kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil nakokonsensiya ako sa pagtaas ko ng boses sa kaniya noong Biyernes.

Hindi ako kumilos. My mind is occupied with Nova.

Goodness, Raya. Nova ka ng Nova. Puro na lang si Nova. Hindi ka ba mabubuhay ng walang Nova?

I gritted my teeth. I enthusiastically rose from my chair and slap my cheeks real hard, to cheer me up.

"Ano nanaman 'yang ginagawa mo, Rai? Sinapian ka nanaman ba?"

"Hihi." I gave them a grin.

"You're creepy, Rai," Melody replied while hugging both of her arms.

The bell rang, hudyat na magsisimula na ang flag ceremony. Nagsilabasan na rin ang iilan naming kabatch at mga lower grades.

"Sabay na tayo, Rai."

Inakbayan ako ni Russell papunta sa field. I didn't opposed since I'm too lazy to do so.

"Musta 'yong pasa mo?" si Russell. "Kalat na na pinagsisipa at pinagtatadyakan ka daw ng Tito mo."

I raised my brow. "Grabe naman 'yang balitang nasagap mo. Ang OA, a. Pinagbuhatan lang ako ng kamay."

"'Yan ba 'yong band aid sa pisngi mo?"

Napangiwi ako. "Uh, oo."

"Sumusobra na talaga 'yang Tito mo. Bakit hindi niyo pa iwanan?"

I bit my lips at mas pinili na lamang manahimik. Napansin din 'yon ni Russell.

"U-uh, sorry, Rai. I think I talked too much."

I smiled sadly. "Ayos lang, Rus."

"U-uh, so ano? Sabay tayo mag-lunch mamaya?"

"Sorry, kasabay ko si Nova, e."

"Oo nga pala." Tumango-tango siya. "Pero bakit hindi kayo magkasabay kanina? Nag-away ba kayo?"

"Hindi. P-pinauna ko lang siya pumasok k-kanina."

Russell narrowed his eyes, not convinced with my answer.

Nakarating na kami sa pila. My body froze when I saw Nova. Nasa likuran siyang bahagi ng pila ng mga lalaki pero ang tingin niya'y sa akin at sa braso ni Russell. His eyes were piercing, sharp and deadly.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin.

"R-rus, 'yong braso mo. Mabigat na," sabi ko.

"S-sorry."

Beneath the Clouds (Beneath Series 1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon