Kabanata 7

99 27 21
                                    

Kabanata 7

Dreams

Hinantay kong makaalis si Engineer Escalente bago ako tuluyang naglakad papalapit kay Mama.

"Ma..."

Agad lumingon si Mama sa akin, tila gulat. Hindi siya magkandaugagang tumingin sa paligid.

"R-rai, anak! K-kanina ka pa ba?"

"Hindi po, Ma. Kararating ko lang po." I glanced at the road taken by Nova's father. "Sino pong naghatid sa inyo?"

"A-ah. Kakilala ko anak. S-sinabay niya lang ako kanina noong pauwi na ako."

"Ang lapit lang po ng karenderya, Ma. Hinatid pa po talaga kayo?" I asked once again.

"O-oo, anak. M-matagal na kasi kaming h-hindi nagkita kaya nag-usap na rin sandali." Dahan dahang huminga ng malalim si Mama. "Bakit ka nga pala nandito? Akala ko'y nandoon ka kila Nova?"

I stared at Mama without minding her question. Maybe they really are old friends. Hindi malabo, dahil parehong dito nakatira si Engineer at si Mama. Isa pa, I should be thankful dahil kanina ko na lang ulit nakitang masaya si Mama pagtapos mawala ni Papa.

I sighed in relief saka dahan dahang yumakap kay Mama.

Mama was startled for a bit. She then sighed and hugged me back.

"May problema ba, anak?"

"Medyo pagod lang po, Mama."

Mama stroked my hair. "Dahil ba sa kanina? Kumain ka rin ba bago umalis ng school niyo? Nagugutom ka ba?"

Ngumiti ako ng bahagya saka kumalas sa yakap.

I smiled. "Pagod po akong naglakad, Mama. Tsaka naenjoy ko po 'yong field demo kanina."

I held her hand at inalalayan siya para pumasok na sa loob.

"Bakit ka nga pala umuwi, Rai?" she asked as she put her bag on the table.

"Kukunin ko lang po 'yong tupperware, Ma. Baka hindi nanaman maibalik kila Nova."

"Ganon ba? Nagugutom ka ba? Maghahanda ako ng tanghalian."

"Ma, kumain na po ako. Kumain kami bago po umalis ng school."

Mama sighed. Kumuha naman siya ng baso at nagsalin ng tubig.

"Wala pa po bang balita kay Tito, Ma?"

Napangalahatian ni Mama iyong baso ng tubig bago ako sinagot. "Wala pa, anak. Hindi rin siya nagrereply sa mga text ko sa kanya."

"Sana lang po hindi na siya bumalik dito. Baka kung ano pang gawin niya."

"Rai..." si Mama.

"Alam ko po, Mama. Pero hindi niyo po ako masisisi. Sinasaktan niya kayo." Kinuha ko na ang Tupperware saka tumungo sa kanya. I kissed her cheek. "Mauna na po ako. Itetext ko po kayo kapag pabalik na po kami sa school. Pahinga ka po, Ma."

I bid my good and walked away. Naglakad na ako pakabalik sa resort nina Nova.

Naglakad ako sa coconut plantation nila. May nakita pa akong naghaharvest na.

Bermuda grasses appeared. At ilang minuto pa, narating ko na ang entrance ng resort nila Nova, ang Seaside. Katabi no'n ang sikat na Club Agutaya and Lily Café.

Maraming nanamang mga guests as usual. May mga naglalakad na nakabikini, umiinom ng juice, at nagsusunbathing.

Tumungo agad ako sa malawak na kitchen ng isa sa beach house nila.

Beneath the Clouds (Beneath Series 1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon