Kabanata 25

73 12 3
                                    

Kabanata 25

Dreams

Noong nawala si Mama, parang gumuho ang mundo ko. Pakiramdam ko, nawalan ako ng rason para mabuhay. Hindi ko matanggap.

Humagulgol ako nang humagulgol hanggang sa maubos ako, hanggang sa wala na akong maiyak pa. Pero sa tuwing iniisip ko si Mama, hindi ko mapigilang hindi maiyak.

"Rai, kumain ka muna..." ani sa akin ni Melody.

Hindi ako kumibo at mahigpit na lang na niyakap ang litrato ni Mama.

"Rai..." ani ulit ni Melody. Pansin ko na rin ang namumuong luha sa mga niya. Pasimple niya 'yong pinunasan. Alam ko, she's pitying me.

Kalilibing lang ni Mama. Unti lang rin ang pumunta, 'yong mga tao lang na naging mabuti sa kanya. 'Yong mga taong tinulungan niya? Wala ni isa ang dumalo sa libing.

"Raya, kailangan mong kumain! Ano ba!"

Hindi na nakapagpigil pa si Kuya Tony kaya't nagsigawan niya na ako. Sa likod niya ay ang bagsak na balikat na sina Russell at Noel.

Hindi na ako nag-abala pang tumingin sa kanila, kahit kay Kuya Tony. Mumunting luha ang siyang dahan dahang umagos sa pisngi ko. Hindi ko na rin napigilan ang pagkawala ng mumunti kong hikbi.

"Rai, naman! Bakit ka ba ganyan? Tingin mo ba matutuwa si Tita Rani sa ginagawa mo?!"

After I heard her name, I cried into tears once again. Naging sensitive na ako. Sa tuwing maririnig ko ang pangalan niya, awtomatiko akong iiyak.

Hindi ako sumagot at tumingin na lang sa dingding. Imahe ng nakangiting si Mama ang siyang bumungad sa akin. Muli akong natulala at mas humigpit pa ang yakap sa litrato.

"Railey! Nakikinig ka ba?!" ani ulit ni Kuya Tony.

"Ano bang nangyayari dito, ha, Tony?" Bumaling ako sa gilid at nakita ko si Tito Raphael na naglalakad papalapit.

Nagtiim bagang si Kuya Tony bago nagsalita. "Ayaw nanamang kumain ni Raya, Pa! Ilang araw na 'yang ganyan!"

I gritted my teeth saka yumuko. Ayokong magsalita.

Tito Raph sighed saka tumungo sa harap ko. He bended his knees para lang makita ako.

"Raya..." he called.

I didn't answer him. Can't they see? Nagluluksa pa rin ako sa pagkawala ni Mama. Hindi ba nila maintindihan?

"Raya, please... kailangan mong kumain. Kailangan mong magpalakas."

Hindi ulit ako kumibo.

Napasabunot si Kuya Tony ng kanyang buhok. "Kita mo na, Pa! Ang tigas ng ulo!"

I feel like I burdened them. Parang dumagdag pa ako sa problema nila. Hindi nila ako masisisi dahil hindi lang basta basta ang nawala sa akin. Siya ang buhay ko. Nawawalan na ako ng gana sa lahat. Parang gusto ko na lang sumunod kay Mama. Gusto ko na lang mawala.

Hinawakan ni Tito Raph ang kaliwa kong kamay saka tumingin sa akin. Awa. Iyan lang ang nakikita ko sa mga mata niya. Ayokong kaawaan nila ako dahil ipinapaalala lang no'n na wala na si Mama.

"Matapang ka, hindi ba?" ani ni Tito na namumuo na rin ang luha sa mata. "Your mother will never be happy when she sees you like this. Malaki ang pangarap niya sa'yo. At hindi niya gugustuhin makita ka sa ganitong kalagayan."

I didn't bother to wiped my tears away. They are overflowing, at hinayaan ko na lang 'yong tumulo sa pisngi ko.

Tito Raph reached my cheek at marahang pinunasan ang luha ko, kagaya lang noong ginagawa ni Mama.

Beneath the Clouds (Beneath Series 1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon