Kabanata 14

91 21 19
                                    

Kabanata 14

Kiss

I never had my first kiss. At oo, minsan na 'yang pumasok sa isip ko. Minsan tinatanong ko, what is the feeling to be kissed? Will it justify what people says na titigil ang mundo mo? At wala ka nang ibang nakikita kundi kayong dalawa lang?

I am a teenager and of course, I dreamed it to be special, with the perfect guy, perfect place, and perfect circumstance.

At ngayong nangyayari na, hindi ko alam kung ano'ng gagawin.

Even though it's just a kiss on the side of my lips, it's still a kiss.

Nanatili akong tulala habang nakalapat ang mga labi ni Nova sa gilid ng labi ko. My tears dried, at masyadong nag-uumapaw ang nararamdaman ko. It was so overwhelming that my knees started to tremble.

My mind becomes blank at hindi ko na alam ang dapat na isipin. Nova's hand was still on my cheeks at ramdam na ramdam ko ang init no'n. His warmth melted the coldness of the air.

Okapudo masyado ang utak ko. And my heart's going wild. It's going wild that I think I'll faint.

Nova slowly pulled from that simple kiss without letting go of my cheeks. Wala sa sarili ko siyang pinagmasdan, hilo pa rin sa nangyari. Sa sobrang lapit namin para akong maduduling.

Dahil sa tangkad niya, kailangan niya pang yumuko. Nagawa kong mapagmasdan ang dibdib niya na dahan dahang nagtataas-baba. My gaze slowly went up to his wet lips. Nararamdaman ko rin ang init ng kanyang hininga sa aking pisngi. It smells like the combination of mint and cherry.

Hindi ko magawang gumalaw. Pareho kaming natahimik at pinapakiramdaman ang isa't isa.

He slowly bent down. Ipinatong niya ang kanyang noo sa aking kaliwang balikat.

"You're driving me crazy, Raya," he slowly whispered under my shoulder.

Hindi ko nagawang sumagot dahil hinahabol ko ang aking hininga.

I can feel his breath under my thin shirt. Manipis lang 'yon kaya't para akong kinikiliti. Nagwala lalo ang puso ko ng dahan dahan niyang kagatin ang gilid ng collarbone ko.

My eyes widened at dumoble ang kabog ng dibdib ko.

"W-what are you doing?" ako sa nanghihinang boses.

"I'm marking you," he replied in a hoarse voice.

I swallowed hard and closed my eyes. Kiliti ang siyang bumalot sa akin. I don't know if it's because of his hot breath on my sensitive part or the fact that he's owning me.

"N-Nova..." I called.

I tried to push him away pero masyado siyang malakas. Hindi siya natinag at nanatiling nakalapat ang kanyang noo sa aking balikat.

"We're no longer friends, Rai..." Natigilan ako. "From now on, manliligaw ako. And expect that everything will never be the same as before."

Natahimik ako at kinain na ng sinabi ni Nova lahat ng katinuan ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko nga naririnig 'yon ni Nova.

"Sayo na rin nanggaling na matagal mo na rin akong gusto. You should have told me earlier para nalaman ko."

Humugot ako ng hininga bago nagsalita. "Natakot ako. B-baka ako lang ang nakakaramdam no'n. Na baka o-one sided lang."

Humiwalay siya sa pagkakasandig saka ako tinitigan.

"People say I'm too obvious in showing my feelings. Ngayon ko lang narealize na kawawa nga ako katulad ng sinasabi nila," he slightly chuckled. "But you mean what you said, right? That you like me?"

Beneath the Clouds (Beneath Series 1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon