Kabanata 28

58 15 0
                                    

Happy father's day, everyone! Enjoy reading!

-------------------
Kabanata 28

Sleep

"Nay, ako na po diyan."

Agad kong kinuha ang mga kubyertos sa kamay niya saka ngumiti. She then sighed heavily. "Kapag talaga rito ka sa bahay, wala na akong nagagawa."

I chuckled. "Nay, naman. Diba sabi ko po pagsisilbihan ko kayo kapag nandito ako?"

I caressed her back saka tumungo na sa lamesa. After I checked everything, bumaling ulit ako kay Nanay.

"Tatawagin ko lang po sila Dolores." I kissed her cheek before going outside the kitchen.

It's Saturday morning at hindi natuloy ang get-together namin kahapon dahil busy kami lahat. Si Russell, busy sa nalalapit na kasal. Si Lani, busy sa residency. Si Melody naman, busy gumawa ng kanyang mga lesson plans. And Niko is busy with his Internet Cafe.

Naglinis ako ng bahay noong umaga at noong magtanghali, nagpasya akong bisitahin sila Nanay Maring dahil doon ko balak magtanghalian. Minsan na lang din kasi ako pumunta roon dahil kagaya ng mga kaibigan ko, busy rin.

At ayon nga, nandito na ako.

I smiled when I saw An-An na siyang nakahiga sa kanyang crib habang hawak hawak ang kanyang tsupon. Sa tabi niya ay si Dolores na nagliligpit ng mga damit ng bata.

"Kakain na," ngiti ko kay Dolores saka agad tumungo sa crib. The moment An-An saw me, she giggled immediately and reached me with her hands. "Gustong magpakarga ng baby. Hmm?"

Tinanggal ko muna ang tsupon niya saka siya binuhat.

"Tatawagin ko lang si Noel at si Tatay, Rai," paalam ni Dolores. Ngumiti na lang ako sa kanya saka nilaro si An-An.

I chuckled when she reached my cheeks. She giggled once again. "Tata..."

"Yes, baby. Here's your Tata. Your Tata is pretty, right?"

She giggled more, at dahil sa kakulitan niya, hindi ko na napigilan ang sarili. Paulit ulit ko siyang hinalikan sa pisngi maging sa kanyang leeg.

Maya-maya pa nakita ko sina Dolores at Noel na papasok. Napangiti pa ako noong nakitang nakaakbay si Noel sa kanyang asawa. Kahit kailan talaga, hindi mawala wala ang kasweetan ng dalawang 'to.

"There's your Mama and Papa," I said to An-An while pointing her parents. She reached for Dolores kaya't agad niya naman 'tong binuhat.

"Si Tatay?" tanong ko.

Bumuga ng hininga si Dolores. "Nasa labas pa. Mamaya na raw kakain."

My eyes squinted. "Puntahan ko lang."

Tumungo ako sa labas. Napansin ko kaagad siya sa ilalim ng mahal na mahal niyang jeep at may kinakalikot.

"Tay," tawag ko saka huminga ng malalim. Sumilip siya sa akin saka pinagpatuloy ang ginagawa. "Kakain na po."

"Mamaya na, Raya. Tapusin ko lang 'to."

"Tatay Virgil, tama na po 'yan. Baka atakihin nanaman po kayo ng rayuma. Ibigay niyo na po 'yan kay Noel."

"Sandali na lang 'to."

"Tay..." ani ko sa nagbabantang boses.

Sumulyap siyang muli sa akin kaya't nagtaas na ako ng kilay. Ngumiti siya saka ibinaba ang hawak na pliers. He then got out under the jeepney. May mga grasa pa sa mukha at damit niya.

"Hindi talaga ako makakatanggi sa'yo, Rai," iling iling niya.

Ngumisi ako sa kanya. "Malakas po charms ko, 'Tay," I boasted.

Beneath the Clouds (Beneath Series 1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon