Chapter 3

311 11 0
                                    

Chapter 3

"ANDITO ulit si Khalid." Bungad niya kay Psyche nang makapasok sa kuwarto niya.  Namataan niya sa sala si Khalid nang pababa sana siya pero agad ding bumalik dahil medyo naiirita siya sa presensya ng binata.

"Oh, talaga?"

Tumango siya. Nakita niyang magkausap ito at si Beaux sa sala. Hindi siya mataray na babae. Kahit hindi niya gusto ang tao ay pinakikisamahan niya pa rin ito ng maayos bilang paggalang. Maliban na lang kung nababastos na siya. Hindi naman bastos si Khalid. Tingin niya kasi rito'y medyo mahangin  lang at mayabang. Pero sa kabilang banda naiintidihan niyang kilala na ni Khalid ng lubos ang sarili gayo siguro ganoon ang ugali. Isang kaugalian na napapansin niya sa mga banyaga. Sa tono ng pananalita ng binata ay halatang doon ito lumaki o pwede ring nakapamalagi ito doon ng matagal noon.

She's not comfortable being in the mansion. Nahihiya siyang lumabas para gumala dahil hindi sa kaniya ang bahay. May pera naman siya pang-hotel.

"Psy... aalis ako mamaya. Ahmm... magche-check-in ako sa hotel."

Biglang lumungkot ang mukha ni Aya. "Bakit naman? Ayaw mo na rito?" Dahil sa pagbubuntis ay nagiging sensitibo ang kaniyang kaibigan. "Magtatampo ako niyan." Mukhang naiiyak si Psyche pero hindi niya batid kung nagpapaawa lang o totoong nasasaktan. Gayunpaman, bigla naman siyang nakonsensiya. Sinabi niya rito ang kaniyang dahilan. Nakasimangot pa rin si Psyche. "Minsan na nga lang tayo magkita, aalis ka pa kaagad. Ipapahatid kita sa driver namin. Wala namang problema 'yon."

"Naku, nakakahiya! Aabalahin ko pa, eh, gagala lang naman ako dito sa Maynila."

"Hmm... ayaw mo lang talaga akong makasama. Isang gabi ka palang dito, Chang." Naiiyak na talaga ito pero agad-agad ay lumiwanag ang mukha na siyang ipinagtataka niya. "Alam ko na... si Khalid."

Tumaas ang kaniyang kilay sa tinuran nito. "Uy, uy, anong si Khalid?"

"Kapag kelangan mong lumabas, papasamahan kita sa kaniya. Hindi tatanggi sa'kin 'yon at mas lalo naman sa'yo. Hindi mo na kailangan mahiya do'n kasi walanghiya naman 'yon, eh." Maligayang suhestiyon nito. Hindi ito magandang ideya para kay Charry. "Don't worry, he's harmless, take it from me. Medyo may topak lang pero masaya siyang kasama, Chang. Sige na..." giit nito.

Hindi makapaniwala si Charry kay Psyche. Dati wagas ito kung makapagbawal sa kaniyang huwag lalapit kay Khalid tapos nabuntis lang ipinagkakanulo na siya sa binata.

"Nako, Psyche, 'di ko yata gusto 'yang ideya mo." Tumayo siya sa mula kama at magkasalubong ang mga kilay na hinarap ang kaibigang nakaupo sa kama. Hindi siya komportableng pumasok sa kuwarto ng mag-asawa dahil pakiramdam niya invasion of privacy. Ilang beses na siyang pinilit ni Psyche pero ayaw niya talaga. Mabuti na lang at hindi ito nagpumilit. Sana ay hindi rin nito ipagpipilitan ang ideyang kababanggit lang sa kaniya.

"Sige na... alam ko namang 'di mo papatulan 'yon. Gusto ko lang kayo makitang magkasama dalawa." Napanganga si Charry sa narinig.

"Pinaglilihian mo kaming dalawa? kakaiba ka... gaga 'to." Maktol niya.

"Ehhh, sige na..." hinawakan nito ang kaniyang palapulsuhan at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. "Halika..." saka siya hinatak papalabas.

"Uy, gaga... hinay-hinay lang. Kung kumilos naman 'to parang hindi buntis, 'di nag-iingat!" Sermon niya pero tinawanan lang siya ni Psyche.

"Sorry na po... magdadahan-dahan na po." Pilyang ani nito.

Wala siyang magawa kundi ang alalayan ang kaibigan pababa ng hagdan. Nang makita silang dalawa ni Beaux ay lumapit naman kaagad ito sa asawa at inakay patungo sa sala. Nahuli niyang nakatitig sa kanya si Khalid. Naisip niyang baka wala na 'yong sumbong sa kaniya ni Psyche noon na may crush daw ang binata sa kaniya. Ilang buwan na rin naman ang nakalilipas.

P.B.S #4: Chances and Promises (Khalid Storm Philips)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon