Chapter 10

298 13 0
                                    

Chapter 10

KINABUKASAN ay sinamahan ni Charry si Khalid papunta sa beach house ni Beaux. Pangalawang beses na siyang nagawi sa bahay na ito pero hindi niya pa rin maiwasang mamangha sa ganda ng mga desinyo sa loob ng bahay.

Hindi niya na kelangan pang tanungin kung sino ang nag-disenyo ng bahay. Alam niyang si Khalid lang naman ito. Napapansin niyang mayabang sa ibang bagay si Khalid pero hindi niya pa narinig na nagyabang ito sa katayuan nito sa buhay. Sa pagiging magaling na arkitekto at sa pagkakabilang nito sa mga mayayamang angkan. Ang iba kasing kakilala ni Charry ay nakaangat lang ng konti, hindi na kumilala. Kung magyabang, akala mo sila na ang pinaka-pinagpala sa lahat.

"Thanks." Ani ni Khalid. Nasa garden silang dalawa habang nakatanaw sa ganda ng karagatan sa ibaba.

"Walang anuman." Tugon naman ni Charry at ngumiti. Aalis na rin sana siya kanina pero pinigilan siya ni Khalid. Hindi na siya magpapahatid kung sakaling umalik si Khalid dahil parang naglalaro lang sila ng hatid-sundo.

Naghari ang katahimikan sa pagitan nila habang kapwa nakatanaw sa malayo. Lumilipad ang ilang hibla ng buhok ni Charry dahil sa hampas ng hangin. Alas 11 na rin ng tanghali kaya damang-dama ni Charry ang init ng araw na dumadampi sa kaniyang balat.

Nakikita niyang dumaan si Mang Jonas— ang caretaker ng bahay, na katatapos lang sa paglilinis sa halamanan ng harden. Nasa loob naman ang asawa nito at nagluluto para sa kanilang pananghalian. Speaking of food, Khalid isn't picky too... far as she noticed.

Ang beach house ni Psyche ay ibinenta na nito magmula nang magkabalikan at ikinasal na muli kay Beaux. Tanggap na rin ng Ina ni Beaux si Psyche. Alam ni Charry kung gaano ito ka-kontra na magkatuluyan si Psyche at Beaux noon.

"We should go to the shore." Untag ni Khalid mula sa tabi niya. Napawi agad ang anumang iniisip ni Charry nang marinig ang boses ng binata.

Wala namang problema sa kaniya kung pumunta sila saglit sa dalampasigan. Tumango siya habang nakatingala kay Khalid na nakapamulsa at nakatayo sa kaniyang harapan habang nakadungaw sa kaniya. Nakaputing damt ulit ito at maong na pantalon. Ni hindi niya namalayang nakatayo na pala ito at hindi batid kung ilang segundo o minuto ba siyang naging blangko.

"Sige." Aniya at tumayo na rin. Saktong pagtayo niya ay humakbang naman si Khalid palapit sa kaniya kaya halos magdikit tuloy ang kanilang nga katawan. Hindi niya mawari kung  sinadya ba ito ng binata o nagkataon lang.

They locked eyes for a minute before Charry decided to look away. Lately, she'd been having strange emotion towards Khalid. She's not sure no more, if what she felt for him is pure annoyance or something else now. Whatever it may be, she don't wanna think about it. She shouldn't fall for a dangerous guy like Khalid. Alam niya kung saan siya babagsak kung madadala siya sa karisma ng binata.

Nakasunod si Khalid sa kaniya habang pababa sila sa stairway na gawa sa semento patungo sa dalampasigan. Pakiramdam niya, nakatingin sa katawan niya ang binata. Nahuli niya itong nakatitig sa kaniyang hita no'ng isang araw kaya posible rin itong mangyari ngayon dahil may kaiklian ang bestidang kaniyang suot na ang natatakpan lang ay hanggang kalahati lang ng kaniyang mga hita. The wind blew his dress but she didn't mind it. She's confident with her body and it's Khalid's problem it he'll keep staring at her it.

Isinantabi niya na lamang ang kaniyang iniisip at patuloy lang sa paglalakad hanggang makarating sila sa dalampasigan. Himala yatang hindi nagbibiro o nagsasalita si Khalid ngayon. Kahit no'ng umupo na sila sa buhangin ay tahimik ito habang nakatingin sa kawalan. Ni hindi napapansin ni Khalid na nakatitig na siya rito. Kung parati niyang makikita ang guwapong mukha ng binata ay hindi talaga malabong magkakagusto siya rito at makakalimutan niyang ayaw niya sa lalakeng maraming tattoo sa katawan. Hindi niya pa nakitang nakahubad ang binata at wala siyang balak. Dahil sa biglang naisip ay naramdaman niyang nag-iinit ang kaniyang mukha kaya binawi niya ang tingin mula sa binata at bumuntong-hininga.

P.B.S #4: Chances and Promises (Khalid Storm Philips)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon