Prologue

444 17 2
                                    

Prologue

Heartbreak

"BAKIT?" She asked. They had their mutual understandings for a year and they decided to be an item after it. Charry has been hesitant before because of their opposite world. And now, everything is about to end. Hindi pa rin tumutugon si Paulo sa kaniyang tinatanong. "May iba ba?" Halatang natigilan ang kaniyang kasintahan.

Ayos naman sila noong MU pa lamang sila at noong ilang buwan simula nang mag-on na silang dalawa. No'g nagbakasyon ito sa Spain ay nag-iba na ang ihip ng hangin. Lagi niyang napapansin na malayo ang tingin ni Paulo at kumbaga wala nang spark sa mga mata ng kaniyang kasintahan kapag tinitingnan siya nito. . Hindi tanga si Charry para hindi mahalatang may iba na nga ito. Paulo didn't even wanna show her his phone like he used to.

May namumuo nang mga luha sa kaniyang mga mata pero hinihintay niya pa rin ang kumpirmasyon ni Paulo bago ibuhos ng tuluyan ang kaniyang mga luha kahit sa harapan pa nito mismo.

"I'm sorry." Hindi direktang pag-amin pero itinuturing na ito ni Charry na isang kumpirmasyon sa kaniyang hinala.

Lumunok siya at nararamdamang may bumabara sa kaniyang lalamunan. "Ke-Kelan pa?" May hint na siya pero gusto niyang marinig. Maghihiwalay na rin lang sila,mas mabuti nang alam niya ang dahilan kung bakit nanlamig ang pagkikitungo ng minahal niya sa kaniya.

"Ang bilis ng mga pangyayari, Chang." That's what he calls her. Kagaya lang din ng kung paano siya tawagin ni Halejiah Psyche, ang kaniyang matalik na kaibigan.

"Sabihin mo sa'kin lahat. Maghihiwalay na rin naman tayo." Mariin niyang sabi. Nagsimula nang dumausdos sa kaniyang pisngi ang kanina pa niya pinipigilang mga luha.

"We met in Spain." Just like how she thought. Minabuti niyang makinig na lamang dahil kahit pa sumbatan niya si Paulo ay hindi na mababago ang lahat. "I... tried to stay away but she's... persistent." Charry didn't believe what he's saying. She knew he's only telling it to rationalize his betrayal. Kung talagang mahal siya nito ay hindi ito maaakit o magpapaakit sa iba. "Sinundan niya pa nga ako rito sa Pilipinas." Hindi makatingin si Paulo sa kaniya. Nakayuko ito sa buhangin sa tabi niya. Nasa tabing-dagat silang dalawa at nakaupo. Mabuti na lang dahil nanlalambot ang kaniyang mga tuhod dahil sa sakit na dinaramdam. Nagpapasalamat siya sa dagat dahil kahit anong pagpupuyos ng galit niya ay nakakatulong ito para maging kalmado lang siya.

"So, 'yon na 'yon?" Turan niya nang hindi na ito kumikibo. He's now looking at the waves that touches their feet. Kung hindi lang dahil sa galit niya rito ay masasabi niyang napakaguwapo nito sa suot na white long sleeves na sinadyang tupiin ang manggas hanggang sa siko nito at nakabukas ang butones sa bandang dibdib. May Spanish descent si Paulo kaya bakas na bakas ang pagiging mestiso sa mukha at anyo nito.

"Sorry talaga..." hindi niya maramdamang sinsero ito dahil ni hindi man lang ito makatingin ng diretso sa kaniya. Hindi niya alam kung nahihiya lang ba ito?

"It's been 4 months simula no'ng nakauwi ka dito galing Spain. Pero hindi mo man lang sinabi. Ginawa mo akong tanga." Sumisinghot si Charry dulot ng pag-iyak. Paulo doesn't really seem to look sorry. Parang wala lang naman dito na maghihiwalay na sila dahil sa kagagawan lang din nito. It's like he's happy that he could now get rid of her and just go with his someone new.

"Alam kong masasaktan ka kaya natatakot akong sabihin sa'yo kaagad." He sounded irritated. Mas lalo siyang nasasaktan dahil dati, grabe kung alagaan siya nito. Parang minamartilyo ang kaniyang puso, dinurog-durog sa loob.

"Mas lalo lang akong nasasaktan dahil pinatagal mo pa." She can't stop herself from yelling amidst her non-stop tears. His reasons were just too lame for her.

"Hindi din naman ako gusto ng Mama mo. Ngayon na hiwalay na tayo sasaya na siya." Mapaklang ani niya. Hindi naman tumugon si Paulo. Hindi pa rin talaga siya nito kayang tingnan. Pakiramdam niya hindi dahil sa nahihiya ito kundi parang nandidiri na ito sa kaniya.

Napatingala siya nang biglang tumayo si Paulo. Look like he's done and he's ready to go back to the City like nothing had happened between them. "Aalis na ako." Anito at parang walang puso kung paano siya nito iniwang mag-isang nakaupo. Tumayo siya at tanging ang likod lamang ni Paulo ang kaniyang nakikita habang paalis ito.

Charry already saw the sign, the way he yelled at her when she tried to interrogate him way back in the past few days about his behaviour. Para na lamang siyang basura kung tratuhin nito. Inintindi niya ito noon dahil iniisip niyang baka stress lang ito sa trabaho at sa hacienda na pinamamahalaan nito.

Umupo siyang muli at tanging pag-iyak na lang ang nagawa. She had worked hard to keep their relationship strong but in the end, it just torn apart. Ang dami nitong ipinangako na siyang pinaniwalaan ni Charry pero hindi naman natupad. Sa ibang babae pa yata nito ito matutupad.

Lunes na kinabukasan at aabalahin niya na lamang ang kaniyang sarili sa pagtatrabaho. Now that Paulo was gone, she'll just focus on how to lift her family up. She doesn't think she could love the same way again. Paulo was her first love and it's gonna be hard for her. She realized how hurtful it is to give everything to a man who's only gonna change his mind and leave her in the end.

Siguro mas maganda ang ipinalit ni Paulo sa kaniya. Paniguradong kabaro lang nito. Isa lang naman siyang hamak na goverment employee at walang binatbat sa mayayamang angkan ng mga Pacete.

Umuwi siya nang may tinik sa dibdib.

As days goes by, the more painful it seems to her. It's the memories that pained her more. She used to be so happy with him. She just gotta deal with the fact that they're over.

P.B.S #4: Chances and Promises (Khalid Storm Philips)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon