Chapter 9
HER P.O.V
CHARRY got so uncomfortable when he introduced Khalid to her parents. Sa paraan ng pagtitig ng Tatay niya sa kaniya kanina ay napapalunok siya. Parang nagtatanong ang mga mata nito kung talaga bang kaibigan niya si Khalid. Hindi niya alam kung ano pang mararamdaman niya kay Khalid. Naaawa naman siyang pauwiin ang binata dahil baka isipin nitong nagtataboy siya samantalang napakabuti nito sa kaniya noon sa Manila. Kahit pa dahil lang ito sa natitipuhan siya ng binata, utang na loob niya pa rin ito. Ang importante, hindi siya pinahamak ni Khalid.
Nakahinga siya ng maluwang nang maayos naman ang pakikitungo ng Tatay niya kay Khalid. Wala naman siyang problema sa Nanay niya dahil sumusunod lang ito sa agos. Wala masasabi si Charry sa Nanay niya. Pero naiintindihan niya namang piniprotektahan lang siya ng kaniyang Tatay kahit pa kung tutuusin ay 27 anyos na siya.
Kasalukuyang nasa sala si Khalid, magkausap ang binata at nina Justin at Tatay niya. Kakatapos lang maghugas ng pinggan ni Charry. Nagpasya siyang iwanan muna ito para makapag-usap ang mga ito ng lalake sa lalake. Medyo kinakabahan lang siya dahil baka kung anu-anong itatanong ng Tatay at kapatid niya sa binata. Pero mukhang nagkakamabutihan naman ang tatlo dahil rinig niyang nagtatawanan ang mga ito mula sa sala. Ang Nanay naman ni Charry ay pumasok na sa kuwarto nito at ng Tatay niya. Pero sigurado si Charry na hindi pa ito tulog. Sadyang mahiyain lang talaga kapag merong bisita.
Sa kabilang banda, humahanga siya kay Khalid dahil nakikita ni Charry na totoo ang mabuting pakikitungo ng binata sa pamilya niya. Inabala niya ang sarili sa paghuhugas ng katawan. Hindi na siya sumulyap pa sa gawi ni Khalid kanina nang dumaan siya patungo sa banyo. Nagdala na siya ng mga damit para sa loob na ng banyo magbihis. Nakakahiya naman kay Khalid kung dadaan siya sa harapan nito na tanging tuwalya lang ang nakabalot sa kaniyang katawan. Hindi naman kasi kagaya ng bahay nina Psyche na may sariling banyo sa bawat kuwarto.
***
NATAPOS na rin si Charry sa pagha-half bath at ang suot niya ay satin na damit at short. As much as she wanted to wear a decent dress, she have none. Her clothes were pretty seductive. Ayaw niyang isipin ni Khalid na inaakit niya ito. O baka nag-ooverthink lang ako. Sabad ng isipan niya.
Pumasok siya sa kuwarto niya at nagsuklay ng kaniyang buhok. Nag-apply na rin siya ng night cream sa mukha bago lumabas sa kuwarto. Pagkalabas niya ay si Khalid na lang mag-isang nakaupo sa sala ang kaniyang nadatnan. Napakunot ang kaniyang noo at magtatanong pa sana pero nagsalita na ang binata na tila nababasa ang nasa isipan niya. "They're in their rooms."
Napalabi siya at humalukipkip habang lumalapit sa kinaroroonan ni Khalid. "Oh, okay." Tugon niya at umupo sa malambot na armchair habang sa sofa naman nakaupo si Khalid.
Nakapatay na ang TV. Naghari ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Nakatitig ng mataman sa kaniya si Khalid kaya nakaramdam siya ng pagkailang.
Tumikhim siya. "Huwag mo akong titigan ng ganiyan." Saway niya sa binata.
"Bawal ba?" He mocked a soft laugh.
Pinandilatan niya ito at inirapan. Kanina pa siya naiinis dito. Hindi niya mawari kung ano ba talaga ang binabalak ni Khalid sa kaniya.
"Puwede ba tayong mag-usap?"
Ipinilig ni Khalid ang kaniyang ulo. "Sure." Tugon ng binata.
"Do'n tayo sa terrace. Baka kasi marinig nila." Saad niya bago tumayo. Tumayo na rin si Khalid at sumunod sa kaniya.
"I like your satin clothes." He bursted a complimented behind her. Mabuti na lang, madilim sa terrace at nakatalikod din siya sa binata. Sigurado si Charry na pinamulahan siya ng pisngi. Hindi niya na masyado pang ininda ang sinabi ng binata. Nagmistula na lamang siyang bingi oara hindi na lumaki pa. Hindi niya rin kasi alam kung ano ang isasagot sa sinabi ni Khalid. Umupo siya sa mahabang silya na gawa sa kawayan. Tumabi si Khalid ng upo sa kaniya at naramdamang niya ang pagdampi ng balat nito sa kaniya. Pasimple siyang umusog habang pinasadahan ng kaniyang mga daliri ang kaniyang makintab na buhok.
BINABASA MO ANG
P.B.S #4: Chances and Promises (Khalid Storm Philips)
RomanceCharity got broken by a man she thought was the one. Hindi siya mahilig sa guwapo pero nakilala niya ang isang pilyong si Khalid Philips. Hindi lang guwapo kundi sobrang guwapo at yaman. Bibigyan niya kaya ng pagkakataong makapasok ito sa kanyang b...