Chapter 4
Honesty
"YOU left me." He growls and scowled at her. Mukhang nainip din ito sa kahihintay sa kaniyang matapos mamili.
"Dapat nga magpasalamat ka pa sa'kin." Tugon niya.
"For what?"
"Kasi binigyan ko kayo ng privacy, duh!" Umirap siya at nilagpasan niya si Khalid habang bitbit ang mga pinamili.
Sumunod naman kaagad si Khalid at sumabay sa kaniya sa paglalakad. For the first time, there's one thing she likes about Khalid. He's kind of approachable and not intimidating unlike his cousin.
"I hate it when women nags me when they already knew the deal in the first place." Bulong-bulong nito habang pababa sila ng escalator. Minsan naman talaga hindi lang dapat lalake ang sinisisi kundi pati babae rin dahil alam nang babaero, pinapatulan pa rin.
"Ba't kasi babaero mo?" Tanong niya saka pinasadahan ang buhok gamit ang daliri.
"Because it's fun." Tugon nito saktong makababa sila. Napatingin siya dito na nakaawang ang bibig. Magkokomento pa sana siya pero minabuti niya na lang na itikom ang mga labi. Napailing siya at hindi makapaniwala sa tinuran ng binata. Nasaktan siya nang dahil sa lalake tapos maririnig niya mula kay Khalid na fun-time lang para dito ang mga babae.
Kung narinig niya siguro ito mula kay Paulo noon ay siguradong masasampal niya ito. Napawi ang kaniyang iniisip nang maramdamang kinuha ni Khalid ang dala niya.
"Baka sabihin 'di ako gentleman." Turan nito. Hindi siya nabigla sa ginawa ni Khalid kundi sa pananalita nito.
"Marunong naman palang managalog." Bulong-bulong niya. Sumusunod lang siya kay Khalid. Ang totoo, hindi niya na alam kung saan siya sunod na pupunta.
"Of course." He replied. "Does it bother you?"
Charry shook her head. "Sa'n tayo pupunta?"
From her periphery, she saw him gazed at her. "In a restaurant nearby." Sagot nito.
Napapansin niyang pabalik na sila sa basement. "Akala ko dito lang sa mall." Aniya.
"Nah... I don't like it here. It's too crowded."
Hindi ka man lang ba natatakot magliwaliw ng walang bodyguards?" Most of rich people always had their guards tight, she thinks.
"I don't feel like there's a threat in this crowded place with lots of security personnel." He replied.
Napalabi na siya at hindi na kumibo. Hahawakan sana nito ang kaniyang palapulsuhan habang papalapit sila sa kotse nito pero itinaas niya ang kaniyang kamay at napakunot ang noo. Natigilan naman si Khalid at mukhang nahiya sa nagawa. "Sorry... I ahmm..."
Dahil naiilang din ay humakbang si Charry at nilagpasan ito. Nauna sa siya sa tabi ng kotse pero hindi pa pumasok dahil hindi naman sa kaniya ang sasakyan para basta nalang siyang sumampa. Isa pa, paniguradong naka-lock ito.
Naisip niyang baka nakalimutan ni Khalid kung sino ang kasama. Baka nasanay lang itong gawin ang sana'y paghawak sa kaniyang kamay sa ibang babae na nagpapahawak naman kahit kakakilala pa lang sa binata. Hindi siya makukuha sa kaguwapuhan. Mas mainam na iparamdam niya kay Khalid na hindi lahat ng babae ay nagkakandarapa rito.
Dahil sa malalim na iniisip ay hindi niya namalayang nasa harap niya na pala si Khalid. Mukhang bubuksan ang pintuan ng kotse pero nakaharang siya kaya naman, umatras si Charry at hinayaan itong pagbuksan siya ng pinto. Wala ng pagkailang sa mukha ng binata. Mas mabuti na rin para hindi na rin siya maiilang.
BINABASA MO ANG
P.B.S #4: Chances and Promises (Khalid Storm Philips)
RomanceCharity got broken by a man she thought was the one. Hindi siya mahilig sa guwapo pero nakilala niya ang isang pilyong si Khalid Philips. Hindi lang guwapo kundi sobrang guwapo at yaman. Bibigyan niya kaya ng pagkakataong makapasok ito sa kanyang b...