Chapter 13

248 10 0
                                    

Chapter 13

"CHARRY, kakain na. Sabay na daw tayo sabi ng Tatay mo." Tawag ng Nanay ni Charry bago pa man makatugon si Khalid sa sinabi niya.

Nakita niya kung paano natigalgal si Khalid nang sambitin niya ang dalawang salitang iyon.  Bumuntong-hininga siya. Sigurado naman siyang narinig ito ni Khalid. Hindi niya lang inaasahan ang reaksyon ng binata. Magkarelasyon silang dalawa kaya dapat ay hindi na ito mabibigla sa tahasang pag-amin niyang mahal niya na ito.

"Tara na." Yaya ni Charry kay Khalid. Tumayo siya at inantay na tumayo rin ang binata. Tila hindi pa ito nahimasmasan sa sinabi niya. Kapagkuwan naman ay tumikhim ito.

"Yeah, we better get going." He said and stand up. Khalid can't look straight in her eyes.

Charry didn't wanna make things out in her mind so she tried to ignore his reaction. Kapwa tahimik ang dalawa habang papabalik sa naglalakad pabalik sa bahay. Hanggang sa pagkain nila ay hindi sila nagkikibuan maging ang Tatay at Nanay niya. Pagkatapos kumain ay nagpaalam muna siya kay Khalid para maligo. Tumango ito at ngumiti sa kaniya pero walang nilalaman ang pagngiti nito. Sa muli, hindi ito masyadong pinagtutuonan ng pansin si Charry. Nanonood si Khalid ng NBA game kasama ang kaniyang Tatay nang magpaalam siya dito. Ni hindi nga siya inakbayan ng kasintahan habang magkatabi silang nakaupo gaya ng lagi nitong ginagawa. Nakatingin nga ito sa TV pero blangko naman ang mukha.

Habang nasa banyo siya at naliligo ay hindi niya maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Hindi niya talaga nagustuhan ang reaksyon ni Khalid. Baka naguguluhan pa siya, anas ng parte ng kaniyang isipan na ayaw pa ring sumuko. Pinili niyang sumang-ayon dito. Khalid might still be figuring his feelings out. She can wait for that and hope his answer will be positive. Paano kapag negative? Sabad naman ng ibang parte ng utak niya. Hindi masagot ni Charry ang sariling katanungan.

Umiling na lamang siya at bumuntong-hininga. Sa banyo na lang din siya nagbihis at nag-ayos. Suot niya ay puting damit at maong na maikling shorts. Pagkalabas niya ay hinanap kaagad ng mga mata niya si Khalid dahil mag-isa na lang ang Tatay niyang nanonood ng TV sa sala. Kumunot agad ang kaniyang noo at nagpasyang tanungin na lang ang kaniyang Tatay.

"'Tay, si Khalid?" Kita niyang napaigtad ang kaniyang Ama nang magsalita siya dahil nakatalikod ito sa gawi niya. Nakafocus ito masyado sa telebisyon kaya hindi siya napansin.

Lumingon sa gawi niya ang kaniyang Tatay. "Naglakat na, 'nak. Gadali man to kag daw may dako nga problema. May nagtawag sa iya." (Umalis na, 'nak. Nagmamadali siya at parang may problema. May tumawag kasi sa kaniya.) Tugon ng kaniyang Tatay. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi man lang nagawa ni Khalid na magpaalam sa kaniya bago umalis. Sana kinatok na lang siya sa banyo. Magtatanong pa sana siya pero nagsalita ulit ang Tatay niya. "Hambal niya, kun-an ta nalang ka nga naglakat na siya." (Sabi niya, sasabihan na lang kita na umalis ma siya).

Mas lalong kumunot ang noo ni Charry. Pumunta kaagad siya sa kaniyang kuwarto at hindi na tumugon pa sa sinabi ng Tatay niya. Pagkapasok niya sa kaniyang silid ay agad siyang nagtipa ng mensahe kay Khalid. Babasahin na lang nito kapag nakarating na ng Maynila. Hindi naman siguro siya iiwanan kung hindi ganoon ka importante ang dahilan kaya inintindi na lang ito ni Charry.

***

NAGDAAN ang dalawang araw, wala siyang natatanggap na tugon mula kay Khalid. Hindi siya nakakapag-concentrate sa paperworks niya at mga case studies. Nakaramdam na siya ng pagkainis dahil kahit tawag o text, hindi man lang ito magawa ni Khalid. May relasyon silang dalawa kaya para kay Charry, may karapatan siyang malaman kung ano ang problema ni Khalid kahit kaunting detalye lang.

Ganoon naman ang magsyota, hindi ba?

Pagsapit naman ng rest day niya, hindi pa rin nagpapakita si Khalid. Nagsimula na siyang mag-alala kaalinsabay ng pagkainis. Hindi lang sa kalagayan ng binata siya nag-aalala kundi sa kalagayan din ng relasyon nila. Ayos lang sana kung okey ang huling pagkikita nilang dalawa. She still remembers that awkward silence between them the last time they were together. Sa kabila ng pag-aalala at pagkainis niya, pilit niya pa ring iniintindi kung ano man ang dahilan ni Khalid sa hindi pagpaparamdam sa kaniya.

P.B.S #4: Chances and Promises (Khalid Storm Philips)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon