Chapter 7
HER P.O.V
INI-REFER ng mga police ang isang babaeng biktima ng pang-aabuso para mai-asses sa opisina ng DSWD. Panibagong trabaho ito para kay Charry pero parang nakikita niya na kung ano ang mangyayari. Kadalasan sa mga kliyente niyang mga kababaihang inaabuso ay umuurong kapag malapit nang magtagumpay ang kaso.
Umiiyak ang babae at nakikita ni Charry na may pasa sa braso at sa may bandang pisngi. Dahil sa uri ng trabaho ni Charry, minsan natatakot siyang pumasok sa buhay mag-asawa.
May mga lalake lang talaga kasing sa una lang malambing. Sa una lang mabait. Sa una lang maalaga. Sa kalagitnaan, abusado na. Hindi kayang manindigan sa sinumpaang pag-ibig. Natatakot siya na baka ang mapapangasawa niya ay mapang-abuso.
"Desidido kana gid ya, 'te? Kasohan ta nâ imo bana." (Desidido ka na ba, ate? Kakasuhan natin ang asawa mo). Tanong niya ulit. Mas mabuting mabago ang desisyon ng kliyente niya habang mas maaga pa para hindi na masasayang ang prosesong gagawin.
Tumango ng mabilis ang kliyente ni Charry na nag-ngangalang Lilian. "Oo Ma'am, para matagam na siya 'ya. Ipapriso ko gid ya siya, Ma'am. Dugay na gid ko gaatos ka batasan ka bana ko, Ma'am." 'Oo, Ma'am, para madala na siya. Ipapakulong ko talaga siya. Matagal ka akong nagtitiis sa asawa ko.'
Hindi na ito umiiyak ngayon. Magang-maga ang mga mata.
Ayon kasi kay Lilian, ang kasalukuyang pananakit ng asawa niya ang pinakamalala. Hating-gabi raw ay tinutukan siya ng kutsilyo dahil pinagdududahan ng asawang may ibang lalake. Kapagkuwan daw ay hinatak palabas ng kulambo at doon pinagbuhatan ng kamay. May itsura si Lilian, medyo matangkad at nasa edad 34 pa kaya siguro seloso ang asawa nito. Buhat-buhat daw ni Lilan ang nag-iisang anak at lumabas ng bahay para makatakas sa asawa. Pagkatapos ay humingi ito ng saklolo sa Kapitan ng Barangay.
Bumuntong-hininga si Charry. Hindi na ito bago kay Charry pero lihim niyang minumura ang asawa ni Lilian. Hindi na kinulit pa ni Charry si Lilian. Time will tell how the case will end. Charry already lost count in terms of how many VAWC case she already encountered but only one case had succeeded so far. But that was years ago. Bilib siya sa babaeng 'yon dahil hindi nagpatinag sa pagpalambing at pagmamakaawa ng asawa.
Ang iba kasi, ginagawang dahilan ang mga anak. Kesyo walang bubuhay sa mga bata at kesyo magbabago na raw ang asawa at hindi na uulitin. Pagkatapos ng ilang buwan at taon, babalik ulit ang parehong babae sa parehong reklamo. Lihim na napailing si Charry.
Alas dose na rin ng tanghali at nakaramdam na siya ng pagkagutom. Nagpaalam siya sa CSWDO na mananghalian na. May mga ginagawa pa ang kapwa Social Worker niya at sa opisina na raw kakain. Nag-time-out muna siya bago dinala sa carenderia si Lilian at pinakain. Na-stress siya ngayong araw. Ilang buwan na rin magmula magmula nang huli siyang makatanggap ng VAWC case.
Sabay na rin silang kumain ni Lilian at siya na nag nagbayad ng kinain nito. After eating their lunch, she told Lilian she will get in touch with her for further information and processes to be made. Lilian said she'll be going to her parents and stay there for a little while. Hangga't hindi pa termination ng kaso ay nasa ilalim ng pangangalaga niya si Lilian.
May sobra 30 minuto pa bago mag-ala-una. Sumakay siya ng tricycle at umuwi muna sa kaniyang apartment. Kamag-anak nila ang may-ari ng nirerentahan niyang apartment. Dati nila itong bahay pero paglipas ng panahon, ginawang paupahan ang ikalawang palapag na may dalawang kuwarto, habang ang nasa unang palapag ay isang botika. Doon na nanirahan sa Isla ang may-ari ng paupahan.
Charry like how time can move fast. It's Friday so her spirit is kinda lively. Nang makababa siya ng tricycle ay may isang pamilyar na kulay abong sasakyan na nakaparada sa labas ng apartment niya. Khalid crept into her mind the moment she saw it. Kinabahan siya bigla pero agad na naisip na baka magkapareho lang. Katabi ng sasakyan ang motorsiklo ni Jizel— ang nangungupahan sa kabilang kuwarto.
BINABASA MO ANG
P.B.S #4: Chances and Promises (Khalid Storm Philips)
רומנטיקהCharity got broken by a man she thought was the one. Hindi siya mahilig sa guwapo pero nakilala niya ang isang pilyong si Khalid Philips. Hindi lang guwapo kundi sobrang guwapo at yaman. Bibigyan niya kaya ng pagkakataong makapasok ito sa kanyang b...