Kabanata 17
Walang nangyari noong friday kundi pirmahan lang ng papers namin sa dean. Sabi ko hindi na ako matatakot pero nung nakita ko siya na nakatayo ay hindi ako makalapit at gano'n din naman siya sa akin.
Its saturday, nagbalak kami ni Lola na maggeneral-cleaning sa bahay dahil kailangan na at para hindi na rin ito mapagod na mag-isa lang.
Nag-umpisa kami na maglinis sa sala upang matanggal ang mga maruruming kurtina at sapin sa aming sofa. Ang theme ng bahay namin ay pastel, dahil gusto ni Lola na happy vibes lang.
"Apo! Tignan mo itong iba-ibang kulay ng punda para dyan sa mga unan sa sofa mamili ka ng iyo alam kong paborito mo ang ganitong kulay ng lila..." turo ni Lola sa mga kulay lavander na punda, "Opo!.." tugon ko rito.
Nagwalis ako matapos malinis ang aming mga upuan at inayos ang mga picture frame namin ni Lola. Makikita mo rito lahat ng graduation ceremony ko at ang mga naipon kong medals na inayos ni Lola sa isang magandang lagayan. Gusto kong muli na makabalik sa mansyon kung saan ako dinala noon, pakiramdam ko na hinihila ako no'n na para bang may bahagi ng aking sarili na nakita ko at doon ko nararamdaman.
Noon pa ako curious sa kung ano talaga ang itsura ng aking mga magulang subalit hindi talaga ako makakita kahit isa sa bahay, tanging ang nandoon lamang sa mansyong iyon ang pakiramdam kong sila.
Natapos na namin ang sala at sinunod naman namin ang kwarto ni Lola. Inayos ko ang kaniyang closet at siya naman kama at sa bedtable. Nagtutupi ako ng mga damit nang makita ko ang isang kahon na pinagtitibay ng isang kandado, ano kaya ang laman no'n? Hindi ko dapat galawin sapagkat hindi ito sa akin.
Napalitan na rin namin ang mga punda at sapin ng kama ni Lola, kasabay na nito ang mga kurtina at iba pang sapin sa kaniyang lamesa. "Yvery! Kumain na muna tayo ng tanghalian bago natin isunod ang labas." tumango ako kay Lola at tinulungan siyang mag-ayos ng aming lamesa.
Sinabi ko na ako na ang bahala sa itaas upang hindi na mahirapan mag-akyat baba si Lola dahil mahirap na at baka sumakit pa ang kaniyang balakang.
Inihain ni Lola ang tortang talong at ginisang monggo sa aming hapag, sinandukan ko na ng kanin ang aming mga plato, "Saglit may kulang pa!.." pahabol ni Lola. Nagtungo itong muli sa kusina at naglabas ng paborito kong bagoong na may kalamansi at sili, "Ano ba 'yan Lola! Hindi ka po talaga nakakalimot, I love you!" paglalambing ko rito.
"Apo? Kelan nga pala ang binabalak na pagtatapos n'yo?" tanong ni Lola, "Baka po katapusan pa ng Marso, malapit-lapit na rin dahil second week na po ngayon...", "Lola wag ka mag-alala aakyat tayong dalawa ulet sa stage, ako lang 'to apo mo..." pang-aasar ko. Hinawakan lang ni Lola ang aking mga kamay at dahan-dahan niya akong tinanguan habang nakangiti ito sa akin.