Kabanata 18

17 1 0
                                    

Kabanata 18

Nagtagal pa kami ng mga ilang minuto doon at saka ako hinatid ni River sa tapat ng aming village gate. My feelings are bound to reveal to everyone, sana hindi kami mali ng pinili, sana hindi namin masaktan ang isa't isa.


Linggo ngayon, gaya ng nakagawian magsisimba kami ni Lola. Nagbihis ako ng isang peach-colored flowy dress and sandals na di sintas. I also fixed my hair with my different hair clips as design.


Agad na pumasok si Lola pagkakita niya sa mga kaibigan niya, naiwan nanaman akong mag-isa. Pumunta ako sa candle station upang magbigay pasalamat sa lahat ng mga nakamit kong hiling: ang paggraduate, paggabay sa amin palagi ni Lola, at sana makapasok ako saanmang paaralan ako itinakda.


Nagdadasal ako ng tahimik sa harap nang sinindihan kong kandila. Naramdaman ko na mayroong humawak sa aking kamay, marahan kong binuksan ang aking mga kamay at nakita ko si River na nakatayo sa gilid ko.


"Bakit nandito ka nanaman?" pang-aasar na tanong ko dito, "Ayaw mo ba?... Sige na papasok na ako." binitawan niya ang mga kamay ko dahil sa pagtatampo pero agad ko rin itong binawi at mas hinigpitan ko ang hawak ko para hindi na makalaya pa sa akin. "Joke lang e, palagi ka namang seryoso..." pagpapaliwanag ko.


Pasimple kong inikot ang kamay ko sa kaniyang bewang at niyakap ko ito ng patagilid na siyang nagpatigil sa paglalakad naming dalawa.


Nako ka talaga River, ayan ang pakipot. After that small quarrel, he also held my waist and pulled me closer to him; we heard Lola's small cough as a sign of 'Nakikita ko kayo, ano ang nakikita ko?' look in her reaction. We immediately escape each other and silently go to our seats, kinurot pa ako ni Lola sa tagiliran, ang cute talaga neto ni La akala mo dati hindi ako inaasar kay River.


Pagkatapos ng misa ay nakasalubong namin sila Tita Amelie kasama si Riley, nagulat na lang ako ng biglang sumulpot si River sa tabi ko. "Nako! Amelie, sa bahay na kayo magmeryenda may inihanda akong ginataan doon..." offer ni Lola kila Tita, "Hala naku po! Nakakahiya naman Nanay, pero sige malakas kayo sa akin at para mapasyal ko na rin 'tong dalawa kong anak..." pagsagot naman ni Tita.


Ang laki-laki nanaman ng ngiti ng mokong na ito dahil may free pass siya sa bahay, habang nagkwekwentuhan si Tita at Lola ay nasa likuran nila kami, ngunit hindi ako sumasabay dito para hindi sila makahalata ng tuluyan.


Nagulat ako ng bigla na lamang nito hinawakan ang kamay ko at hinabol ako sa bilis ng paglalakad ko, napagtanto kong napataas ang kilay ni Lola habang nakasilay ang kanyang mata sa kaniyang gilid. Minsan talaga alam ko nalang ang sarap pukpukin ni River, panget neto kabonding sa mga gawain.


Pagkadating namin sa bahay ay bungad ang medyo makalat na entrada dulot ng naglilinis kami, "Naku! Pasensya naglilinis kasi kami nito ni Yvery dahil makalat na daw ang bahay..." pagpapaliwanag ni Lola habang nagtatabi ng mga garbage bag, tinulungan naman siya ni River. "Ayos lang po, naku sana pati itong mga anak ko ay magbalak din na tumulong sa paglilinis..." pagpaparinig ni Tita, "Saan ba ma?" pagbibida nanaman nitong si River, binatukan lang siya ng nanay niya.


Nagtatawanan lamang sila Tita at Lola habang kumakain, oh well usapan ng mga matatanda nga naman, samantalang pinagmamasdan ko lang ang magkapatid na nagkukulitan at pinupunasan pa ni River ang bibig dahil medyo makalat pa ito kumain kaya hindi maiwasan maging madungis.


Matapos kumain ay nagligpit ako ng hugasin at tinulungan din ako ni Riley na maglagay ng mga bagong banlaw kong kainan, infairness ganito pala feeling ng may kapatid. Nasa labas sila Tita at Lola nag-uusap tungkol sa mga halaman nang iwan na rin kami ni Riley para pumunta sa nanay niya.


Departure Time: 5:13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon