Kabanata 23
Naalimpungatan ako, kakaiyak ko pala kanina ay nakatulog na ako dahil na rin sa pagod at andaming nangyari.
Nadatnan ko ang isang nurse sa harap ko na mukang kanina pa ako hinihintay magising. "Good evening po Miss" bati nito sa akin.
Ibinalita niya sa akin ang naging resulta ng examinations ni Lola, lumabas sa CT scan na malaki ang tumor at masyadong komplikado ang kinalalagyan niya sa ulo ni Lola. Higit pa niyang pinaliwanag ang sitwasyon na mayroon si Lola ngayon, sinusubukan ko namang intindihin ngunit hindi ko na lang din matanggap sa sarili ko na mayroong nangyayaring ganito. Bakit ngayon pa?
Our only chance and risk to take is to let Lola undergo surgery, wala man kasiguraduhan ang lahat ang mahalaga ay sinubukan. Pagsikat ng araw ay inilipat na rin nila si Lola sa private room, naroon lang ako nakatulala sa kawalan ng mundo, hindi rin ako makapagsalita at hindi rin makagalaw. Pakiramdam ko parang kasalanan ko kasi masyado ba ako naging pabaya?
Siguro baka kasi noong mga nagdaang buwan masyado kong natuon ang sarili ko sa part-time ko, masyado ko siguro pinupuntahan sila River at nakakalimutan ko na bantayan at samahan si Lola?
Baka masyado akong nagpakampante at nakakalimutan kong tanungin si Lola kung okay lang ba siya o maayos ba ang pakiramdam niya.
Siguro dahil masyado na ba siyang napapagod sa akin? Andaming bagay ang ginagawa niya para sa akin, hindi ko na ba 'yon madalas napapansin kasi masyado akong tutok sa ibang bagay? Masyado na akong maraming iniisip halos tatlong oras na akong umiiyak sa sulok ng kwartong ito, habang sinisisi ko ang sarili ko dahil kasalanan ko talaga 'to. Nakaupo lang ako at nakamasid kay Lola habang maraming aparato ang nakadikit sa kanya, andaming kailangan imonitor dahil masyado pang maselan ang kalagayan niya. Dumidilim na rin ang paligid at hindi ko na namamalayan ang oras.
Tuwing sinisisi ko ang sarili ko, tuwing umiiyak ako ang bilis-bilis ng pag-ikot ng oras na para bang sumasang-ayon siya sa akin, sa mga pag-aalinlangan ko. Baka ganoon nga talaga, baka ako nga?
Kinabukasan maagang dumating si Tita Raine upang samahan akong magbantay at para mayroon din akong kapalitan. Nagpapasalamat rin ako kay Tita dahil kung hindi dahil sa kanya baka pati na rin ako maospital sa ginagawa ko sa sarili ko.
Every night I almost spend five hours inside the chapel, crying myself out because I don't like crying in Lola's room; I don't want her to hear me crying. Wala akong mapapala kung magiging mahina lang rin ako, baka gumising si Lola at madatnan akong umiiyak, ako na lang ang tinuturing niyang lakas ayoko na maging dahilan pa para maging kahinaan niya.
Three days passed, wala pa rin, hindi pa rin gumigising si Lola kaya hindi pa rin nila maoperahan, ngunit hindi ako mapapagod umasa na gagaling at gigising si Lola. Tuwing tanghali dumadating si Tita upang dalhan ako ng pagkain, iyon lang rin ang tanging oras ko upang kahit papaano ay pumikit dahil napapanatag akong may mapagkakatiwalaan akong tao na aasahan kong titingin kay Lola lalo na pag wala ako. Halos limang araw na rin akong hindi pa pumapasok sa firm, nakakalimutan ko rin tawagan sila dahil wala akong charger ng phone, sinasadya ko na lang rin na wag na buksan ang phone ko.