Kabanata 16

6 0 0
                                    

Kabanata 16


Makakahinga na ako ng maluwag; tapos na ang exams and pag-aasikaso na lang ng requirements ang kailangan naming gawin. Nakita ko si Lola sa tapat ng aming gate, nag-aabang sa pagdating ng kaniyang pinakamagandang apo. "Lola! Bakit naman nasa labas pa po kayo?" bigkas ko at inalalayan na siya papasok, malamig pa naman dahil pagabi na, "Gusto ko lang naman ikaw hintayin apo!" sabi nito.


Dumiretso ako sa taas upang mailapag ang gamit at makapagbihis para makakain. Pagkaupo ko sa hapag ay nakahanda na ang masarap na hapunan na niluto ni Lola. Agad akong sumandok ng paborito kong adobo at pritong itlog, the best talaga ang ganitong luto, parang araw-araw pwede ko na 'to kanin.


"Kumusta ang exam Yvery?" tanong sa akin ni Lola, "Nako po! Kinaya ko naman po..." pagdadahilan ko at kinukubli ang aking saya sa aking mga mata, "Joke lang La! ... ako pa ba? Syempre binuhos ko do'n lahat ng hibla ng kilay ko." hirit ko naman, "Alam ko naman na makakayanan mo 'yon... bilib na bilib ako sayo paghusayan mo pa ha? Nandito lang ako sa bawat pag-abot mo ng pangarap mo." hinawakan ni Lola ang aking pisngi at dahan-dahan niya itong hinahaplos.



Nakikita ko sa harap ko ngayon ang isang ngiti mula sa pinakaespesyal na tao sa buhay ko, promise ko sayo La mas magiging magaling at matagumpay pa ako sa future. Dahil alam ko na mayroon akong Lola na susuporta hanggang saanman ako dalhin ng tadhana.


"Ang drama naman n'yan." pagpuputol ko sa malungkot naming moment. Nakita ko ang pagkislap ng mga mata ni Lola, alam ko at damang-dama ko ang saya niya sa lahat ng narating ko sa buhay at hinding-hindi ako magsasawang iparating at ipaalala sa kaniya kung gaano ako kasaya na siya ay parte ng bawat tagumpay at ng buong buhay ko.


Pagkatapos namin ay inihatid ko si Lola sa kaniyang kuwarto upang uminom ng gamot at makapagpahinga na, sigurado akong napagod siya sa paghahanda ng maraming pagkain para sa pagcecelebrate ng aking exam ngayon. Gaya ng dati hinugasan at inayos ko ang hapag, naglagay ng tubig sa mga pitsel at saka ako umakyat upang makapagpahinga.


I decided to fix my study table, siguro naman p'wede na? Itinabi ko ang mga notebook na nakakalat at isinalangsang ko ang mga libro sa aking shelf. Kasabay na rin ang mga nakakalat na lapis at mga ballpen na nagamit ko habang nagrereview.


Inilagay ko ang bag ko doon sa lamesa upang hindi makalat sa kama. Nahulog mula rito ang isang envelope na may nakalagay na pangalan ko 'Stella'.


Dali akong napaupo sa kama upang buksan ang liham ito pala yung binigay ni River nawala sa isip ko.


Pagkabukas ko dito ay nakita ko ang nakatuping papel na mayroong picture sa harap, picture namin itong dalawa na nakaprint. Kahit kailan talaga hindi marunong pumili ng picture ang hayop!


Hoy! Panget mo.

Advance congratulations my Stella! Its been years or almost decade? When we find each other peace to ourselves. This friendship is not normal anymore, it's more like inevitable and beyond infinity.

I just want to say that I promise to be with you always throughout your journey, coz that's the purpose of friendship.

Ilang taon na simula nung it feels like not a normal thing anymore, its not on purpose, it's like a daily duty na alagaan ka at bantayan ka. Alam mo ba I did promise Lola Siling na babantayan kita palagi, at dati niya pa alam ang lahat-lahat ng 'di mo alam.

So mababasa mo naman na 'to at siguro ngayon handa na ako sabihin lahat-lahat as in. I don't know when and how it started, but hindi na lang ito friendship Stella. Let's quit telling people we're platonic kasi hindi, nauna akong nahulog bago ang lahat.

Nagtataka ka siguro kung bakit ko sinasabi sayo 'to? Kasi gusto ko na tapusin lahat ng bagay na hinohold-back natin kasi lang natatakot tayo, hindi na tayo bata at hindi na natin oras para magtaguan pa.

Stella, I like you.

River.

This letter shuts every open airways of myself, I can't breathe. Is this true? Hindi naman ako naghohold-back e, more of natatakot lang talaga ako sumubok dahil baka pagnasaktan lang namin ang isa't isa ay mawala na lahat ng taon na pinagpaguran namin na buuin.

The thing that is more important now is hindi na ako matatakot.



A/N:
Kilig aq. Hehe sign na ito umamin ka na, wag ka na matakot.

Departure Time: 5:13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon