Monica POV
Tulad ng inaasahan sa first day ng school puro introduction na naman at talambuhay ng mga professor lang ang maririnig niyo.
Kaya naman ng matapos na magkwento ng baklang professor idinismissed na kami.
Nagugutom na ko.. Nasaan na ba si Boss? Wala naman akong pera! Bakit kasi nakalimutan kong bumale? T__T payat na nga ako magugutom pa ko? Paano na lang ako magkaka-love life nito?!
"Monica!" Napatingin ako sa tumawag sakin. Sino naman yun? Wala pa naman akong kilala dito bukod kay Boss. Nakita ko ang isang babae na papalapit sakin.
"Hi.. Sabay na tayo mag-lunch. Ako nga pala si Aemi.." ^___^ Inilahad pa niya ang kamay niya. Kinuha ko yun at nakipag kamay."Bakit mo pala ako kilala?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad na kami.
"Ano ka ba! Classmate tayo.. Hindi ka siguro nakinig kanina..." ("_ _) nahiya naman ako. Actually hindi nga. Kasi nagugutom na ako at iniisip ko si Boss. Yung pera ko.. Tama! Bakit ba hindi ko naisip yun? Kinuha ko yung cell phone ko at dinial yung number niya..
Ring...ring...
[Wala kang karapatan na tawagan ako...] (-3-) sungit ever! Humarap ako kay Aemi at nag-excuse. Tumango naman siya kaya lumayo ako ng konti.
"Hello din sayo boss. Nasaan ka-" hindi pa ko tapos! Bastos ka talaga!
[Wala kang pakialam] at parang nakikita ko na naka poker face na naman siya!
"K-kasi nga wala akong pang-" see? Paano kami mag-uusap ng maayos kung lagi niya pinuputol ang sinasabi ko?
[Pumunta ka sa cafeteria.. May magbibigay sayo dun.] Sasagot pa lang sana ako pero pinutol na niya yung tawag. -__- kung hindi lang kita kailangan hindi ako papayag sa gusto mangyari ng mommy mo eh! Kaya siguro wala nagtyatyaga sayo!
Lumapit na ulit ako kay Aemi na nakangiti pa rin na naghihintay. Sino naman kaya yung magbibigay sakin dun sa cafeteria? Pagkain kaya o pera? Sana pera.. Baka mamaya hindi ko pala gusto yung pagkain na yun.
Pag pasok namin sa cafeteria agad na tumingin samin-sakin yung mga tao. Anong meron? Sikat na ba ako? Bakit hindi ako na-inform? Siniko ko sa tagiliran si Aemi.
"Ano meron? May dumi ba ako sa mukha?" Tiningnan naman ako ni Aemy tapos balik sa loob ng cafeteria ang paningin at sakin ulit.
"Oo nga pala! Ikaw yung kasama ni Brian na dumating kanina,di'ba?" Tanong niya na nakangiti pa rin.
"O ano naman?" E ano naman kung kasama ako ng gwapong hot na mayabang na yun? Espesyal ba siya?
"Anong ano naman? Si Brian Alejandrino ang isa sa mga sikat dito nung high school pa lang.. Kaya asahan mong marami ang magagalit sayo.." O___o magagalit? Itatanong ko pa lang sana kung bakit pero may lumapit na agad na isang lalaking nerd.
"Ikaw ba si Monica?" Yung totoo hindi ko alam kung ako ba kinakausap niya o yung sahig dahil doon siya nakatingin. Pero sabi niya Monica so obviously ako nga yun.
"Oo. Bakit?" Sa halip na sumagot may ibinigay siya saking one thousand peso bill. Oo nga pala muntik ko ng makalimutan! Ito na siguro yung sinasabi ni Boss. Bago pa ako makapagpasalamat sa kaniya nawala na siya. Tsk! Ang weird nun!
"Ano yan?" Nakakabobong tanong mula kay Aemi.
"Pera. Halika na nagugutom na ako.." Mamaya ko na lang siya tatanungib kung bakit maraming magagalit. Hinila ko na siya papunta sa counter. Hindi ko na lang pinansin yung mga mata na masamang nakatingin sakin. Nagugutom na talaga ako eh.
Papaupo na kami ng bigla tumunog yung cell phone ko. Sino pa ba ang tatawag sakin? Siya lang naman ang nag-iisa sa phone book ko dahil kabisado ko na yung number ko.
"Hel-"
[Pumunta ka dito sa rooftop. Ngayon na..]
"Pe-" toot toot toot. Potek naman! Gutom na gutom na talaga ako eh. T__T
Ano na naman kaya ang kailangan nun? Naku! Kung hindi ko lang talaga siya amo matagal ko ng tinapon sa mars yung gwapong hot na mayabang na yun eh!
Hinarap ko si Aemi na nagsisimula ng kumain. Dahil gutom na gutom na talaga ako sumubo muna ako ng dalawang subo tsaka tumayo.
"Maiwan na kita Aemi. Tumawag kasi yung boss ko.." Hindi ko na siya hinintau ma sumagot dahil masyado na akong nagtagal. Panigurado makakatikim na naman ako ng nakamamatay niyang tingin.
Pagdating ko sa rooftop nakatayo siya at nakapamulsa. Lukot ang mukha. Pero hindi siya nag-iisa..
"Bakit ngayon ka lang?! Kanina pa kita tinawagan!" Yan na nga ba sinasabi ko. Daig pa niya nanay ko-sumalangit nawa ang kaniyang kaluluwa-kung magbunganga eh.
"Dude! Siya ba? Maganda pala. Pwede yan!" Napatingin ako sa lalaking may dilaw na buhok. Alam ko namang maganda ako.. Pero anong pwede na yan? O___o hindi kaya.... Pagsamantalahan nila ako dito?!
*imagination*
News Flash
Isang bangkay ng isang magandang babaeng estudyante ang natagpuan sa rooftop ng *** university. Napag-alamang ginahasauna bago patayin. Hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin ang tatlong gwapong hot na sus-
"Ano na naman iniisip mo?!!" *iling*iling* iniling ko ang ulo ko para bumalik sa reality. Potek! Ano ba yung iniisip ko? Kung tutuusin nga swerte pa ako dahil gagahasain ako ng tatlong gwapo slash hot slash mayabang na mga nilalang na to eh.
"Dude, huwag mo kasing takutin.. Miss, ako nga pala si Ethan." Syet! Ang gwapong ulam nito!
"Monica.. Butler ako ni Boss." ngumiti siya! Ngumiti siya! Kyaa! Crush ko na siya!
"Ako naman si Delo..." Kyaaaa! Crush ko na din siya... Landi ko no? Maganda naman!
"Hindi kita pinapunta dito para magpakilala sa kanila.." Napa pout na lang ako. Kahit kailan kontrabida!.
"Eh bakit mo nga kasi ako pinapunta dito?" Tiningnan niya ako ng masama. "Po." Kaya naman napilitan akong idagdag yun.
"Dahil magiging girlfriend kita...." At talaga naman napanganga ako sa sinabi niya.
***************************************
Sana nagustuhan niyo! :)
BINABASA MO ANG
My Monster Boss
Teen FictionHaving a hot and oh so handsome boss is super cool.. just like MY MONSTER BOSS