CHAPTER NINE

20 3 1
                                    

Brian's POV

Ahh! Ang sakit ng ulo ko. Tsk! bwisit na hang over 'to! Tiningnan ko ang alarm clock sa bedside table ko. Alas dos na pala ng hapon? Sht! Hindi man lang ako ginising ni Monic?

Hindi ako nakapasok ngayon. Teka... paano nga ba ako nakapunta sa kama? Ang huli kong naaalala nasa kusina ako umiinom.

Psh! di bale na lang nga ang importante nakarating ako sa kwarto ko. Nagugutom na ako kaya pinindot ko yung intercom sa ibabaw ng kama ko.

"Anong pagkain?" tanong ko. Sigurado naman na may tao sa kusina. Mayroon kaming lima na katulong sa bahay,pwera pa si Monica na personal butler ko.

"Para sa breakfast,master mayroon tayong bacon at egg. Sa lunch naman chili crab." hmm. Late ng masyado para sa breakfast.

"Dalhan mo ako dito ng lunch." Pinatay ko na ang intercom tska ako nagtaklob ng unan sa mukha habang hinihintay ang pagkain.

Ano nga ba ang nangyari kahapon? Matapos namin mag-usap ni Gia dumiretso na ako sa supermarket at bumili ng maraming beer at sa bahay na ininom.

Maaga ko pang pinatulog ang mga katulong tska ko pinatay ang mga ilaw. Si Monic mg mga oras na yun ay nasa kwarto lang niya.

Hanggang ngayon umaalingawngaw sa tenga ko ang dahilan na ibinigay sa akin ni Gia. Dahilan kung bakit niya ako hiniwalayan.

Nawala ang iniisip ko ng may kumatok at binuksan ang pinto ko. Yung pagkain ko.

Inilapag ni Manang sa mini table ang mga pagkain tsaka nagpaalam na aalis para mamili.

"Ah.. Manang." pigil ko sa kaniya. Huminto naman siya at tumingin sakin muli. "Si Monic-a po nasaan?" Ngumiti muna si Manang bago sumagot.

"Oo nga pala.. Pumasok na siya at ibinilin niya na yan ang lutuin ko para sa pananghalian mo. Maaga daw siya uuwi ngayon." ibinilin na ito ang ipakain sa'kin? Paano naman niya nalaman na paborito ko ito? Psh!

Malapit na akong matapos ng bigla na lang mag-ring ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino. Si Mama. Automatic na umasim ang mukha ko.

Hindi kami okay ni Mama. Lahat kasi pinakikialaman niya. PAti si Gia ayaw niya. Nasa Korea siya ngayon at inaasikaso ang company namin doon.

Hindi ko sinagot yun. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain pero nakailang ring na ulit kaya nakulitan na ako at sinagot na.

"I've been calling for twenty times and you're not answering! What's keeping you busy? And don't you dare-"

"Hang the phone or else i'll cut off your allowance." pagpapatuloy ko sa sinasabi niya. Na palagi niyang panakot sa'kin. "I'm busy. Can you just tell me what's the cause of your sudden call?" bored kong sabi. Narinig ko ang pag-sigh niya.

"I'm coming home. Andito na ako sa NAIA." what the hell????

Monic's POV

Pagkatapos kong mag-emote kagabi dahil sa mga sinabi niya hindi ko din natiis na doon siya matulog sa sahig. Inalalayan ko siya na makarating sa kwarto.

Meron pa! Pinalitan ko siya ng t-shirt intentionally para makita ang mga pandesal niya. Manyak na kung manyak! Maganda naman..

May isa pa akong nasiguro kagabi matapos ang pag-iisip ko ng matagal. Oo, hindi pa ako nakakamove on talaga. Siguro kailangan ng closure. Pero paano? Saan ko siya hahanapin?

Napataas ang balikat ko ng tumunog ang cellphone ko.

"Miss Reyes! Get out!" Ayo! bakit kasi tatawag kung kailan naman nasa klase ako at kay Terror pa ha! Wala na akong nagawa kung hindi lumabas bitbit ang cellphone ko na ang ringtone pa ay Gimme Gimme. Ramdam na ramdam ko ang matalim na tingin ni Miss Terror. Pasalamat na lang ako at buhay pa ako.

Nang makalabas ako ng classroom tsaka ko lang tiningnan kung sino ang tumatawag. Halos manlaki ang mata ko ng makita kung sino ang caller. Mabilis ko yun na sinagot.

"Madam?" excited kong tanong.

"Monica hija! How are you?" Mabuti na lang talaga mabait si Madam kaya napagtyatyagaan ko pa ang Monster Boss ko.

"Okay naman po. Napatawag po kayo?" Si Madam Sabrina Alejandrino ang tumulong sakin ng mamatay ang mga magulang ko.

"Ah. Kasama mo ba ngayon si Brian?" Naku! Patay! Ano sasabihin ko?

"Ah..Eh..Madam.. Ano kasi..."

"Nevermind. I'll call him na lang. Okay? You take care hija. Oh! By the way, by an hour nasa bahay na ko. Don't go home late. Bye!"

Isa lang masasabi ko..

NGANGA!!!!!

My Monster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon