Brian POV
Ano kaya problema ng babae na yun? Bigla na lang umiiyak at nag walkout? Psh! Ang bilis niya nawala hinabol ko pa man din. Di bale na nga, magkikita naman kami sa bahay mamaya.
Kanina nung umalis si Monic, iniwan ko na sila lahat sa rooftop para habulin siya pero hindi ko na nga inabutan. Ang bilis tumakbo.
Pabalik na ako ngayon sa classroom. Ang totoo hindi ko naman inaasahan na kasama pala nila yung kaibigan ng babaeng yun. Pero okay na din atleast mukha namang gumana kay Gia yung ginawa ko.
Pero kanina sa totoo lang,habang nakaupo sa hita ko si Monic hindi ko maipaliwanag yung naramdaman ko.
Tumatawa ako? Ha! Apat na bwan ko na yata yun hindi nagagawa buhat ng makipag- hiwalay sakin si Gia.
"Brian.." Huminto ako sa paglakad ng marinig ko ang boses niya. Nakatayo siya sa likod ko. Ang maganda niyang mukha, yung boses niya. Miss na miss ko na. Gia, sabihin mo lang na bumalik na ako sa'yo kahiy ngayon gagawin ko.
Tiningnan ko siya ng blanko at hindi nagsalita. Hinintay ko siyang magsalita. Nakatingin siya ng diretso sa mata ko. May lungkot?
"M-mahal mo ba siya?" Hindi ko inaasahan ang itatanong niya. Ano ang sasabihin ko? Pag sinabi kong oo paano siya babalik sakin? Pero pag sinabi kong hindi, paano naman kung hindi naman siya makipagbalikan sakin? Pagtatawanan niya ako dahil gumamit pa ako ng ibang tao para lang makuha ko ulit siya? Pinili ko na lang na hindi sumagot. "B-brian, I want to say sorry. Sorry for what I did. Pinagsisisihan ko na yun. I'm so sorry.." Anong ibig niyang sabihin? Babalik na ba siya sakin?
"Gia, tell me the reason and I'll forgive you.." Nag-iwas siya ng tingin sakin. Gusto ko talagang malaman ang dahilan niya. "Tell me.." Sabi ko ulit. Pinaglaruan niya ang mga daliri niya sa kamay bago nagsalita.
"It was Robert..." Robert? Si Robert? Ano'ng kinalaman niya dito? "He told me to break up with you.." Sinabi ni Robert na makipaghiwalay siya? Hindi pa rin ako sumagot. Gusto kong siya ang lahat ang magsabi. Ayokong magsalita dahil baka kung ano lang ang masabi ko at masaktan ko siya.. "Because.. H-he made me loved him.." Napa-close fist ako. So si Robert pala ang dahilan, kaya hindi niya masabi sakin.. Dahil si Robert ay pinsan ko, at minahal ng babaeng pinakamamahal ko.
"Then?" Malamig kong sabi sa kaniya. Nakita ko na may tumulo ng luha sa mata niya. Gusto ko na sana siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Then, he broke up with me dahil mahal pa rin niya ang ex girlfriend niya.. Brian, I'm sorry.. But.. I.. I still love you.." Lalong humigpit ang pagtikom ng kamao ko. Ano yun? Dahil sa iniwan siya ni Robert, babalik siya sakin? Ano yun? Laruan na iiwan para sa bago pag sawa na sa bago babalikan ang dati niyang paborito? Gia, hindi pa siguro ngayon.
Tinalikuran ko siya ng walang salita tsaka naglakad palayo.
Akala ko dati pag sinabi ni Gia na mahal pa niya ako o bumalik na ako sa kaniya ganun lang kadali. Pero hindi pala. Iba na pala pag nalaman mo na ang totoong dahilan niya.
Mas mahihirapan ka ng tanggapin kaysa nung iwan ka niya ng walang dahilan.
Si Robert pa talaga? Si Robert na laging nakikipag kompitensiya sa'kin. Si Robert na pinsan ko.
Kaya pala.. Kaya pala sabay silang nawala ni Gia. At nalaman ko na lang na sa Korea nagpunta si Gia. Siguro magkasama sila dun.
Sumama na ang pakiramdam ko kaya sa halip na pasukan ko ang klase ko umuwi na lang ako. Kailangan ko mag-isip kung tatanggapin ko pa ba siya. Hindi ko na alam.
Para siyang bata na inaya ng bagong kalaro at pagkatapos nun babalikan ang kalaro na iniwan.
Mas mainam pa nung hindi niya sinasabi sakin ang totoong dahilan. Muntik ko ng matanggap. Pero ngayong alam ko na, parang mas lalo pa akong nahirapang intindihin. Ganun pala siyang klase ng babae..
***************"""""********************
Hi!
Sorry po kung natagalan ang update.
Sorry din pala sa past chapters na 'Danica' ang nailagay kong name instead of 'Monica' ..
Pero I'll try na lang na i- edit..
Thank you for reading!!
Lablab ♥
BINABASA MO ANG
My Monster Boss
Teen FictionHaving a hot and oh so handsome boss is super cool.. just like MY MONSTER BOSS