Monica' POV
Ano ba ang dapat kong iarte sa harap niya at harap nila Delo? Nakakahiya. Bakit ba kasi ako umiyak? Bakit ba ako nag-walk out sa harap nila.
Siguro masaya lang ako. Masaya na nakita ko siya for the first time na tumawa. Sa loob ng anim na buwan puro sigaw at utos lang ang ginagawa niya sa'kin.
Bakit ba siya tumawa? Dahil ba sakin? siguro kaya din ako umiyak ay dahil alam kong hindi siya totoong nasisiyahan sakin kung hindi dahil naroon si Gia at kailangan namin siyang pagselosin.
Ang lahat ay pawang kasinungalingan lamang. Walang totoo. Walang saya.
Pero bakit nga ba ako nagkakaganito? Ano naman kung hindi naman talaga siya masaya ng dahil sakin? Ano naman kung fake lang ang tawa niya? Ano naman kung dahil kay Gia yun?
Kanina nung umalis ako sa rooftop dumiretso na ako ng uwe. Buti na nga lang at may natira pa sa 1thousand na ibinagay niya sakin kahapon.
Ang iniisip ko ngayon,ano ang gagawin ko? Paano kung tanungin niya kung bakit ako umiyak? Kung bakit ako umalis?
kruuu~
Ano ba yan! Sa dami ng nakain ko kanina gutom na naman ako? Anong oras na ba?
Whaaat?! Alas siyete na pala ng gabi? Mahabang oras din pala ang naging pag-iisip ko? Waaaah! May isip ako? Nakakatuwa naman pala..
Tumayo na ako mula sa magarang kama na pag-aari nila Boss. Lumabas ako ng kwarto at bumaba para kumain. Siguro naman nakaluto na si Manang.
Paglabas ko ng kwarto sobrang dilim. Wala na bang gising na katulong? O baka naman sira na ang alarm clock ko sa kwarto at hating gabi na pala..
Napahinto ako sa tapat ng kwarto ni Boss. Tulog na kaya siya?
Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa makarating ako sa kusina. Bakit ba kasi ang laki laki ng bahay na to? Hindi naman siguro brown out diba? Mayaman sila kaya may generator sila. Ano yun? Naghihirap na ba ang monster kong boss kaya nagtitipid ng kuryente o kaya naputulan ng Meralco?
Kumapa kapa ako sa gilid ng pinto para mabuksan ko ang ilaw pagbukas ko ng ilaw muntik na akong mapasigaw at mahimatay dahil sa nakita kong lalaking nakaupo sa gilid ng ref.
Nakasalampak at nakapatong ang ulo sa tuhod. May hawak din siyang isang bote ng beer pwera oa sa ilang bote na nakakalat sa sahig.
Dahan dahan akong lumapit sa kaniya. Sinipat ko siya mula sa ilalim kung gising ba siya o tulog. Nakapikit siya.
"Boss?" mahina kong sabi. Mahirap na baka mamaya umapoy ang bibig nito at masira pa ang kakarampot na ganda ko. Sinundot ko ang pisngi niya. "Boss..." hindi pa rin siya sumagot o kumilos man lang. Hinawak ko ang kamay niya para sana kunin ang bote. Pero nanigas ako ng bigla niyang hulihin ang kamay ko.
Hindi siya gumalaw. Hindi ako makapagsalita. Nananaginip ba siya? Kung oo, ano naman kayang panaginip? Baka naman nananaginip siya na sinasakal niya ako? Oh no! Masama ito!
Hinawakan ko ng isa kong kamay ang kamay niya para alisin pero mas humigpit pa ang hawak niya.
"Boss?Gising ka ba?" mahina kong bulong.
"Monic..." ungol niya. Naamoy ko ang hininga niya na amoy alak. Ganoon ba ang amoy ng alak? Amoy safeguard? O baka naman dahil siya lang yun?
Hindi ako sumagot. Hinintay ko na magsalita ulit siya.
"Mahal na mahal...." ano daw? Hindi ako makahinga.. Sasabihin ba niyang mahal niya ako? Putol putol ang pagsasalita niya.. Sino ang mahal niya? Ako ba?
"M-mahal na mahal...." pag pinagtagal mo pa ang pagsasalita mo mamamatay na ako dito kakapigil ng hininga ko.. "...ko siya." ko siya? Mahal niya siya? Si Gia ba? Siya? As in SIYA? so malayong maging ako?
Hindi ko alam kung bakit. Pero nadisappoint ako. Oo, inaamin ko na attracted ako sa Monster kong Boss. Pero hindi ko naman siya mahal diba? Si Troy pa rin ang mahal ko diba?
Eh ano nga ang inaarte ko ngayon? Ano naman kung si Gia pa rin ang mahal niya? Yun naman talaga ang goal ng pagpapanggap na ito din?
Magkakaroon ako ng dagdag na pera. Makukuha naman niya ang babaeng mahal na mahal niya.
Bakit ba kasi siya nagkakaganito? Dahil heartbroken siya? Ganun ba talaga ang mga lalaki kapag heart broken? Kasi ako, ng maghiwalay kami,oo,parang ayaw ng umikot ng mundo ko. Pero hindi naman ako umiinom.
Naitanong ko tuloy sa sarili ko kung nakamoved on na ba ako. Kung mahal ko pa rin ba si Troy.
********************************
Hello! sorry po it took so long before ako mag update. Actually I was thinking po kung itutuloy ko pa ang story na ito and I ended up continuing the story..
Votes and comments naman po para ganahan po ako ^^_
BINABASA MO ANG
My Monster Boss
Teen FictionHaving a hot and oh so handsome boss is super cool.. just like MY MONSTER BOSS