CHAPTER TEN

22 3 0
                                    

Brian's POV

Ng marinig kong uuwi si Mama nagmamadali na akong naligo. Nagbihis at nag-ayos. Ayokong maabutan ako ni Mama dito. Ayoko siya makita.

Paglabas ko ng kwarto dumiretso agad ako sa kotse ko. Pero bago pa ako nakalabas ng gate may pumasok ng isang ferrari na kulay black.

Patay na! Wala na akong kawala. Lalo na akong nawalan ng pag-asa ng bumaba si Mama mula sa sasakyan.

Pero hindi siya nag-iisa. Kasama niya si Tita Candy at Si....Robert?

Ang magaling kong pinsan na dahilan ng paghihiwalay namin ni Gia. Bakit kailangan na kasama siya? Anong ginagawa niya dito?

Katok mula sa bintana ng kotse ko ang nagalis ng masama kong tingin kay Robert.

"where are you going?" si Mama. Ang napakaganda kong Mama na laging kontrabida sa buhay ko.

"Hi." bored kong sabi pagbaba ko ng kotse. Mahigpit na yakap naman ang binigay sakin ni Mama.

"I missed you,Anak." Si Mama, kontra sa buhay ko. Pero lagi din naman niyang pinapakita na mahal niya ako.

"Hi Brian. How have you been? Ang gwapo mo na ha?" napangiti ako kay Aunt Candy.

"As always Auntie, Mukhang hindi ka tumatanda?" biro ko sa kaniya. Napangiti naman siya.

"Kasama namin si Robert, I'm sure you both miss each other." Sabi ni Mama. Tama nga siya. Namiss ko si Robert. Eh kung pasalubungan ko kaya siya ng suntok?

"Hey, Brian!" Bati nito nang nakangiti. Wala pa siguro siyang idea na alam ko na ang ginawa niya.

Actually, Robert is a good guy. Like, he's always the good and I am the bad sa mata ng lahat.

That is why I hate him that much.

"Let's go inside." Sabi ni Mama.

Nauna na sila ni Aunt Candy at naiwan kami dito ni Robert sa labas. Maglalakad na sana ako papasok sa bahay ng magsalita siya.

"I'm Sorry." Sabi niya. Hindi ko siya pinansin at diretso lang na lumakad. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. At hindi ko siya mapapatawad.

Monica's POV

Nagmamadali akong nagligpit ng gamit ko ng matapos ang pgdi-discuss ng prof namin.

Kailangan ko ng umuwe dahil darating si Madam. Baka nga naroon na yun.

Nagmamadali akong lumabas ng classroom. Dahil wala si Boss magko-comute ako. Bakit kasi nag absent pa ang monster na yun? Nakakainis mababawasan tuloy ang budget ko.

Pumara agad ako ng tricycle na maghahatid sakin sa subdivision kung saan nakatirik ang mansyon ng halimaw.

"Kuya sa Elites po." sabi ko sa manong. Pinaandar naman niya agad ang tricycle niya at dahil kakarag karag na ito pinulot ko ang kapiraso ko na nga lang na utak sa baba. Pero siyempre joke lang. Hindi kapiraso ang utak ko.

Aftet thirty minutes nakarating din ako ng ligtas sa harap ng malaking bahay. Inabutan ko siya ng thirty pesos at isang lighter para sindihan niya ang karag karag na motor. Joke.

"Oy,Monica. Andiyan na si Madam." Nakaramdam ako ng excitement. Andiyan na si Madam sabi ni Kuya Dolan na siyang securitu guard ng mansiyon.

"Sige po. Andiyan ba si Boss?" tanong ko sa kaniya. Tumango lang siya kaya dumiretso na ako papasok ng bahay.

Pagpasok ko sa bahay wala naman tao sa sala. Siguro nasa lanai sila. Dumiretso muna ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Isang pedal at simpleng kulay green na t-shirt lang ang isinuot ko. Nag-ayos din ako para naman medyo presentable.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla na lang may kumatok kaya binuksan ko na iyon ng tuluyan at nakita ko si Sarah na nasa labas.

"Hinahanap ka ni Madam. Tsk." Itong si Sarah halata na eh. May galit yata sakin ang isang to pero hindi ko na siya pinansin at tinanong na lang kung nasaan sila. Itinuro niya ang garden at inirapan ako at parang model na rumampa paalis sa harapan ko.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan ng makitang may kasama si Madam at ang halimaw sa garden. Isang babae at isang lalaki.

Nakatalikod sila sakin kaya hindi ko makita ang mukha nila Napatingin sakin si Madam at lumuwang ang ngiti niya.

"Monica,hija. Come here." Yaya niya sakin kaya nakayuko akong lumapit sa kanila dahil ang nakakamatay na tingin na naman ng halimaw ang nakita ko. Bwiset!

"Siya ba si Monica?" Narinig kong sabi ng babae. Parang pamilyar ang boses niya.

"Yes. And Monica, I want you to meet Candy,my sister and Robert, my nephew." Tinaas ko ang mukha ko at nakangiti na para bumati. Pero nawala agad ang ngiti ko at tulad ng dalawang nilalang sa harapan ko ay gulat na gulat.

"T-Troy..."

My Monster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon