Monica POV
Paglabas namin sa classroom ni Aemi nakita ko si Delo at Ethan na nakikipagtawanan kay Gia. Hindi ko na sana papansinin kaya lang tinawag ako ni Delo.
"Monica!" Lumapit sakin si Delo na sobrang luwang ng ngiti. Kumaway naman si Ethan at umirap naman si Gia.
"Hi Delo.." Siniko naman ako ni Aemi. Tumingin ako sa kaniya at binigyan niya ako ng 'ipakilala mo naman ako' look. "Ah, Delo. Siya si Aemi. Aemi, si Delo.." At kinikilig pa ang bruha ng ilahad ni Delo ang kamay sa kaniya.
"Hi Aemi. Anyway, pinasusundo ka samin ni Brian. Sabay sabay na daw tayo maglunch.." Talaga lang ha? Kina-career! Ang totoo crush ko si Boss pero may ibang laman pa rin ang puso ko.
Isang taon na pero hindi pa rin ako maka- move on. Ano kaya ang mabisang paraan para maka- move on?
Siniko na naman ako ni Aemi sa tagiliran. Pag hindi pa siya tumigil babatukan ko na to!
"Eh okay lang ba isama ko si Aemi?" Tanong ko. Alam ko naman na yun ang gusto ni Aemi na gawin ko.
"Sure. Kanina pa sa rooftop si Brian." Sumunod lang kami kay Delo sa paglapit kay Ethan at kay Gia.
"Gia, sama ka na samin?" Ano? Sasama siya? Bakit naman?
"Baka kasi magalit si Brian?" Nag-aalangan pang tanong ni Gia. Hmp! Plastik!
"Hindi yun! Naka-move on na yun. Tsaka mabait naman itong si Monica. 'Di ba nick?" Nick? Saan naman nanggaling yun? Aba! Itong si Delo may pet name pang nalalaman.
At siyempre kahit ayokong makasama itong babaeng puno ng melamine sa katawan papayag pa rin ako.
"Naman. Tara na baka naghihintay na si Brian." Kinindatan naman ako ni Delo kaya nginitian ko na lang siya. Alam ko naman na plano to ng monster na yun eh!
Pagdating namin sa rooftop andun na si Brian. May Tent na malaki at may malaking lamesa na maraming pagkain. Kaya lang lima lang ang bangko. Siyempre dahil nga nakaplano na to hindi kasali si Aemi.
"Ang tagal niyo!" Tss. Kahit kailan hindi siya makapagsalita ng mahinahon. Nakita ko na tumingin siya kay Gia at agad din iniwas ang tingin at lumapit sakin tsaka ako inakbayan. "Tara na.. Kain na tayo. Lahat yan paborito mo." Paborito? Eh parang hindi naman. Sus! Bagay nga kayong dalawa. Pareho kayong pastic.
"Dude, kulang yung bangko." Ng uupo na kaming lahat tsaka lang napansin ni Ethan yun. Tiningnan naman ni Brian si Aemi.
"Ah. Kala ko kasi lima lang tayo. Kasama pala si Gia." Galing magpalusot! Tiningnan ko si Gia na nakaupo na. Namumula at tangkang tatayo na.
"Sorry. Nakaistorbo pa yata ako." Tumaas na naman ang kilay ko. If I know paawa ka lang eh.
"No Gia. It's okay. Tabi na lang kami ni Monic." Another pet name? Tsk! Tiningnan ako ni Gia at umirap. Duh! Like I care. Inisin pa kita lalo eh. Bwisit siya! Kung mabait ka lang baka tulungan ko pa kayo magkabalikan. Pareho kayong monster kaya pahihirapan ko kayo!
Pero paano naman kaya kami magkakasya sa upuan na to? Eh ang liit liit lang naman. At pang- isahan lang. Naupo na si Brian at hindi talaga ako ang pinaupo niya? Nginisihan naman ako ni Gia. Katapat siya ni Brian. Matapos maglagay ng monster ng pagkain nagulat pa ako ng hinila niya ako at pinaupo sa lap niya. (-///-) enebe! Bakit kinikilig pa ako?
"Bo—i mean, babe! Ano ba ginagawa mo?" Bakit ba kasi ikinandong pa niya ako? Nakakahiya kaya. Isa na naman siguro to sa plabo niya. Ah bwiset siya.
"Okay lang yan Babe. Susubuan mo naman ako. Tsaka ang payat payat mo kaya hindi ka mabigat." Ano ba talaga? Iniinsulto niya ba ako o pinupuri?
"Ang sweet nyo naman!" Kinikilig pang sabi ni Aemi. Tumatawa lang si Delo at Ethan. Si Gia naman hindi maipinta ang mukha at parang nawalan pa ng gana. Nakita ko pa lang ang itsura ni Gia parang ginanahan akong mang-asar.
"Sige na nga.. Ano gusto mo?" Tinuro niya yung afritada kaya yun ang isinubo ko sa kanya. Tapos sumubo din ako gamit ang kutsara din na ginamit niya. Hindi ko maiwasan mapangiti. Indirect kiss. Hay! Sana Troy gumawa ka din ng paraan para magkabalikan tayo.
Isang taon na kitang hindi nakikita buhat ng lumipat ako sa mansiyon ng monster kong boss. Ang huli kong balita pumunta ka ng Korea at sinundan ang babaeng mahal mo sabi mo.
Masyado akong natuwa sa pagsusubo sa kaniya. First time ko siyang nakitang tumawa. Mukhang totoong tawa naman at hindi fake na katulad ng relasyon namin.
Tinitigan ko siya habang nakangiti sakin. Ano ba tong nararamdaman ko? Kanina lang na-mi-miss ko si Troy. Bakit parang ngayon si Brian na lang ang nakikita ko?
Yung ngiti niya sakin sana totoo na lang. Sana palagi na lang siyang nakangiti sakin. Bakit parang gusto ko na siyang ipagdamot ngayon?
Ito na ba yung way para maka-move on na ako? Pero bakit siya pa? Para ba talaga ako sa mga lalaking nagmamahal na ng iba?
Tama. Makaka-move on ako kay Troy. Pero ano mangyayari pag pinabayaan ko ang nararamdaman ko ngayon? Baka hindi na ako maka-recover pag nagkabalikan na sila ni Gia.
"Babe?"
Baka hindi ko na kayanin pag pinabayaan ko tong mangyari. Natatakot ako. Natatakot akong mahulog ng tuluyan sa kaniya. Baka pag nangyari yun hindi ko na hayaan na makuha pa siya ng iba.
"Monic, bakit ka umiiyak?" Napakurap ako. Umiiyak ba ako? Sa harap niya? Habang nakakandong ako sa kaniya? Sa harap ng mga kaibigan niya? Kaibigan ko at ni Gia?
Tumayo ako at tumakbo pababa ng rooftop. Ano ba nangyayari sakin? Bakit ako umiiyak sa harap niya? Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko.
Hinawakan ko ang dibdib ko. Oo, sigurado ako na narito pa rin siya sa puso ko. Si Troy. Pero bakit parang may pilit pumapasok at pilit inaalis si Troy sa pwesto kung nasaan siya?
Hindi ko na alam. Uuwe na lang ako.
*************************************
Sorry kung sabaw! Comment naman po kayo kung pangit yung story. Para magawan ko ng paraan at pilitin pagandahin.
Once again.. Bago lang po ako. At ito ang first story ko..
Thank you ulit!! ^_^v lab lab ♥
BINABASA MO ANG
My Monster Boss
Teen FictionHaving a hot and oh so handsome boss is super cool.. just like MY MONSTER BOSS