Monica POV
Ako si Monica Reyes. 18 years old..
Wala na akong pamilya. At nabubuhay na lang ng mag isa.
Sa kagustuhan kong mag-aral kailangan kong tiisin ang makisama at paglingkuran ang napaka gwapo at napaka hot kong Mo-
"Hoy! Bilisan mo nga! Kailangan ko yung sapatos ko!" Tsk! Sigurado naman na nasa shoe rack lang yun na katabi ng cabinet niya. At sigurado din akong abot na abot na niya yun! Hmp!
Tumayo na ako at pumunta sa kwarto niya. Kanina pa ako naghihintay sa kaniya. Sigurado late na ako ng dahil sa kaniya..
Pumasok ako sa kwarto niya at dumiretso sa shoe rack at tama nga ako! Nakatayo na siya sa harapan ng shoe rack! Tinamad pa!
"Anong sapatos ba isusuot mo?" Hindi ko na siya pino-po dahil magka-edad lang naman kami.
Sa dinami dami ba naman ng sapatos na andito eh!
"Tsk. Yung bago.." Bago?! Eh halos lahat naman nito bago.. Kinuha ko na lang yung Aldo shoes na hindi pa nagagamit. Kung kasya lang sakin ang mga ito isusuot ko.. Eh ang kaso naman kasi napakalaki niyang tao .eh ako? Ang liit liit ko!
Inabot ko sa kaniya yung sapatos pero tinaasan lang niya ako ng kilay. Ang ibig sabihin lang ako ang magsusuot sa kaniya.
Lumuhod ako sa harap niya at isinuot isa isa yung sapatos. Matapos ko maisuot umalis na siya at dumiretso sa pinto. Sumunod na lang ako. Mahirap na. Wala ako pamasahe eh.
Walang salita siyang sumakay ng kotse at dahil sa takot na maiwan nauna na akong pumasok sa loob.
Dalawang bwan na akong nagtatrabaho para sa kaniya. Pero hindi pa rin kami nag- uusap ng normal.
Unang araw namin sa college ngayon at pareho kami ng kurso.
Pagbaba pa lang namin sa sasakyan masama na ang tingin sakin ng mga babae.
"Boss.." Itatanong ko pa lang sana kung anong oras kami uuwe pero naglakad na siya ng dire- diretso at hindi ako pinansin.
Siya si Brian Alejandrino. Isang napakagwapo at napaka- hot na nilalang. Anak ng mayayamang nilalang. Lahat na yata ng 'napaka' nasa kanya na.
Napaka yabang, napaka isnabero, napaka nakakainis, napaka tigas, napaka bastos, napaka walang konsensya at etc.
Siya lang naman si Brian..
My Monster Boss.
***************************************
Hello!!
Hindi po ako magaling magsulat. Gusto ko lang talaga ^___^
Sana maging okay ang story na ito!!
Mobile lang gamit ko kaya hindi ko alam ano kalalabasan nito..
Vomments po! ^_____^
Starring..
Jang Hyuk as Brian Alejandrino
Jang Nara as Monica Reyes
BINABASA MO ANG
My Monster Boss
Ficção AdolescenteHaving a hot and oh so handsome boss is super cool.. just like MY MONSTER BOSS