Chapter Three

77 3 2
                                    

Monica POV

"Anooo?!! Ako?!" Gulat na gulat na sigaw ko with matching nanlalaking mata pa.

"Tsk. 'Wag kang assuming! Magpapanggap ka lang. At wala kang karapatang magtanong kung bakit.." Eh sira ulo pala tong gwapong hot na mayabang na to eh! Gagawin akong girlfriend tapos fake lang pala?! Bwisit! Akala ko pa naman totoo na! Sayang!

"Alam mo bang NBSLY ako?!"

"NBSLY?" Sabay sabay pa nilang tanong.

"No boyfriend since last year. At tsaka Bakit naman ako papayag?!" Oo na! Nakalimutan kong boss ko siya.. Hindi ko naman sinasadya na sigawan siya. Yung mata niya po kasi parang may apoy na at kahit anong oras masusunog na ang beauty ko. Kaya napayuko na lang ako.. Eh kasi naman! Ano naman makukuha ko sa pagpapanggap na yan?! Mabuti sana kung totohanan na lang. Atleast gwapo ng jowa ko!

"Tsk.Dadagdagan ko ang sweldo mo.. At pag ginalingan mo ang pag- arte mo bibigyan kita ng insentive." $__$  hindi ko na pinansin yung tawa ni Delo at Ethan dahil sa narinig ko. dagdag sahod? Insentive?  Alright!

"Okay. Gusto ko yan.. Don't worry babe.. I will be the best girlfriend ever!!"    \(^__^)/   basta pera ang usapan gora ako dyan! Lalo na at wala naman mawawala sakin. Ang gwapo gwapo pa ng jowa ko diba? Nae-excite ako ^___^

Brian POV

Potek na babae to! Nakarinig lang ng pera pumayag na agad! Tsk! Mukhang pera.

"Sige na. Umalis ka na." Poker face kong sabi sa kaniya. Ngumiti na naman siya at para sakin hindi yun cute. Nakakairita yun.

"Okay, babe. See you later.." Tsk! Tama bang siya ang kinuha ko para dito? Mukhang mahihirapan ako dito.

"Dude, ayos yung butler mo.. Nakakatuwa siya.." Babaero ka lang kamo!

"Ethan, hindi pwede yun.. Girlfriend na ni Brian eh..." Alam kong nangloloko lang si Delo. Sa aming tatlo siya ang maloko.

"Pero dude.. Seryoso ka na ba dito? Baka mapahamak lang si Monica.." Baka nga mapahamak siya. Pero wala akong pakialam. Ang importante bumalik sakin si Gia. At wala akong paki-alam kung bully-hin pa siya ng buong campus.

      Si Gia ang girlfriend ko na nakipagbreak last year. Hindi ko alam kung anong dahilan niya. Pero nakakabakla man.. Mahal ko siya. Mahal na mahal at gusto kong bumalik siya sakin. Kaya gagamitin ko si Monica.

"I.dont.care.. Ang mahalaga bumalik si Gia." Malamig kong sabi kaya hindi na lang kumibo ang dalawa at nagtinginan na lang. 

        Alam ko ang iniisip nila. Iniisip nila na masama ako para ipahamak ang ibang tao para lang bumalik ang isang babaeng nang-iwan sakin. Pero tulad ng sinabi ko. Wala. Akong. Pakialam.

      Alam ko naman ang magiging kapalit nito kay Monica. Isa akong sikat sa university. Hindi man ako artista pero marami akong fans. Mga slut at bitch na naghahabol sakin.  Kaya hindi malabong makatikim si Monica ng kung ano anong masasakit na salita at wala akong pakialam dun.

Danica POV

     Alas sais na pero wala pa rin dito sa kotse niya si Boss. Nasaan na kaya yun? Ayoko ngang mag-taxi! Ang mahal mahal nun. Pandagdag ko din yun pambili ng libro no!

    Ang tagal naman ng gwapong hot na mayabang na yun! Kanina pa ko nakaupo dito, namamanhid na yung pwet ko. Itxt ko kaya?

     Kinuha ko yung cell phone ko sa bag.

To:GHM(gwapong hot na mayabang)

Babe, wer na u? D2 n me :)

Sent

My Monster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon