CHAPTER THIRTEEN

34 2 0
                                    

Everyday na ako mag update para matapos na kahit wala naman nagbabasa,nagbo-vote or even comments.

My Monster Boss is my first ever story. Papabilisin ko na ito. Gagawin ko lang siyang 25 chapters.

Eto na ang chapter thirteen. Uusad na siya. Dedicated ito sa kapatid kong nagpupush na mag update ako kahit super juan tamad ang peg ko.

@prettyross21   ito na!

*****************************

Monica's POV

Kinabukasan para akong zombie. Dalawang oras lang ako nakatulog dahil hanggang ngayon nawiwindang pa rin ako sa sinabi ni Madam.

"I want you to take care of Brian. Please, love him."   O diba? Nakakawindang talaga!

Hindi naman talaga mahirap mahalin si Boss. Gwapo siya,mayaman,matalino at gwapo ulit. Pero yung ugali kasi niya ehh...

Hinilamos ko ang palad ko sa mukha ko. Bagot akong tumayo at nagtungo sa banyo ng kwarto ko para maligo.

Pagkatapos ko maligo nagbihis na ako ng uniform ko at lumabas na para ipaghanda ng almusal si Boss. Nakasanayan ko na kasi na ako ang maghanda ng almusal niya.

Pagpasok ko sa kusina halos malaglag ang panga ko! Isang napakalaking himala! Gusto kong lumuhod at itaas ang dalawa kong kamay sa nakikita ko.

Si Boss. Kumakain na. Naka-uniform na. At ang pinaka malala,may suot na siyang sapatos. Grabe! Totoo ba ito?

"Good morning,Nica." Tumalon ang puso ko. Si Troy, andito rin pala.  Nakita ko na naman ang masasamang tingin ni Boss.

"Goodmorning Troy. Goodmorning,B-babe." Uggh! Ano ba naman to!

"Morning. Eat your breakfast." Sabi niya kaya naupo ako sa tabi niya. Kukunin ko na sana ang sunny side up sa harap ko para maglagay sa plato ko pero naunahan ako ni Boss.

"Here." Ano ba ang nangyayari? Siya na ba ngayon ang butler ko?

"T-thanks." Sabi ko na lang.

"Brian, alisin mo yung yolk. Nica,doesnt like the egg yolk."  Nakita ng magaganda kong mata na tinikom ni Boss yung kamao niya under the table.

"Is that so? Nevermind. Sarah, can you cook my girlfriend an omelette?" Sabi niya kay Sarah na kamukha na ni Lavinia kakasimangot.

"No. It's okay. Bo—Babe,okay na sakin ito."  Ang hirap naman eh!




School

Nakasakay ako sa car ni Boss. Si Troy naman sa sarili niyang kotse, ngayon na din siya kasi mag e-enroll.

"Monic, Stay away from Robert." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Because you now officially my Girlfriend." Ansabe?! Official? So true na itey? At iniwan ako ng mokong sa loob ng car. Abnormal na Monster.

Mabilis akong bumaba ng kotse niya para sundan siya at naabutan ko naman siya. Kumapit ako sa braso niya.

Hindi ko na alam kung nagpapanggap pa ba ako o ano. Sabi niya kasi Official eh.

"Gosh! Sila na talaga!"

"OMG, sayang naman si Gia."

"Mas maganda kaya si Monica kay Gia." at dahil sa narinig kong iyon taas noo akong naglakad habang kapit pa rin sa braso ni Boss.

"Nica..." Tawag ni Troy na nasa likod lang pala namin. Huminto naman kami ni Boss. Tiningnan ko siya. "Pwede mo ba akong samahan?" Sasagot na sana ako ng oo pero nagsalita naman si Boss.

"You are not elementary anymore Robert. You can do that alone." Sabi niya at kinaladkad na ako palayo.

Kung hindi ko lang alam na mahal niya si Gia iisipin ko talaga na nagseselos siya.

"Monica!" Tawag ni Aemi na nasa loob ng classroom. Nakita ko din si Gia na nakatingin kay Boss. Bigla na lang ako nainis ng ngitian niya si Boss na ngayon ngumingiti na rin.

"I'll wait for you mamayang lunch. See you." Sabi niya at tumalikod na. Papasok na sana ako sa classroom ng bigla na lang may humatak sa kamay ko at bigla akong hinalika sa labi.

"I love you." O to the M to the G! OXygen! Nasaan ka?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Monster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon