Brian's POV
Andito na kami sa garden at nag-uusap si Mama at si Auntie Candy. Balak pala nila magtayo ng business dito sa Manila.
Boring na boring na ako dahil ayoko naman talaga sila makasama. Isa pa andito din si Robert. Nababanas ako.
"Anyway, Nasaan na ang pinagyayabang mong magaling mag-alaga dito sa binata mo?" Nalukot ang mukha ko. Magaling mag-alaga? Tss. Baka magaling mangunsumi. Mukhang pera pa. Bakit nga ba ang tagal nun? Alas singko na at kanina pa ang uwian ah
"She must be—O, Monica,hija. Come here." Nakangiting tawag ni Mama kay Monic. Tiningnan ko siya ng masama kaya yumuko ulit siya at naglakad palapit samin. "Monica, I want you to meet Candy,my sister. And Robert,my nephew." Nakangiti niyang tiningnan sila Tita Candy at unti-unti nawala ang ngiti sa mukha niya. Napalitan iyon ng pagkagulat.
Pati si Tita Candy at Robert ay nagulat din. Pero pati ako nagulat sa salitang lumabas sa bibig niya.
"T-Troy..." Mahina pero malinaw kong narinig yong sinabi niya. Magkakilala sila?
"Kilala mo siya Hija?" Tanong ni Mama. Hindi sumagot si Monica. Tumayo naman si Tita at niyakap si Monica. Naguguluhan ako at pati si Mama. Si Robert nakatanga pa rin at nakikipagtitigan kay Monica na hindi ko alam kung bakit ikinaiinis ko.
"oh my Gosh! Monica.. Briana, No wonder na ipinagmamalaki mo ang magaling na tagapag-alaga ng anak mo. You're right. She's really a good lady.." Masayang sabi ni Tita.
"You knew her?" Nagtatakang tanong ni Mama.
"Ofcourse I knew her. She was Robert's girlfriend." Nagimbal ako sa sinabi ni Tita. Ex niya si Monica?
"Really? Monica, ex-boyfriend mo pala si Robert..?" Tanong ni Mama. Tumango lang si Monica at parang naiiyak na.
"Nica..." Napakuyom ako ng kamao sa itinawag niya kay Monic. Nica? Psh.
"Ah.. Eh.. Madam, pwede po ba muna ako mag CR?" Ramdam ko ang panginginig ng boses niya. Tumango lang si Mama at tumakbo na paalis si Monic.
Ano kaya ang dahilan at naghiwalay sila? Bwisit! Bakit ba ako nagagalit? Pakialam ko naman kung ex niya si Robert?
Monica's POV
Pagpasok ko sa kwarto ko nasapo ko ang dibdib ko. Bakit andito si Troy? At, pinsan siya ng halimaw?
Lord naman, alam kong hiniling ko sayo na makita ko siya para magkaalaman na pero hindi naman ako ready. Gosh!
Umupo ako sa kama ko. Naiiyak ako. After a year nakita ko ulit ang lalaking sobra kong minahal. Ang lalaking una kong minahal. Ngayon andito siya. Nasa harap ko siya kanina. At ang gwapo niya lalo. Grabe na to!
"Ano ba Monica, naka move on ka na diba?" Saway ko sa sarili ko. "Pero bakit ganito pa rin? Parang masakit pa rin? Parang ang saya ko pa rin ng makita ko siya?" Tanong ko sa sarili ko. Para na akong baliw na kinakausap ang sarili ko. "Gaga! Kinabahan ka lang. At hindi ka masaya. Dapat nga galit ka diba?" Napa-pout na lang ako. Baliw na yata ako.
Aaah!! Lord naman eh! Sana naman binigyan niyo muna ako ng sign.
Paano na to? Alam na ni Boss. Baka pahirapan ako nun. Pero wait teka muna teka.. Bakit naman? Pakialam niya? May Gia naman siya diba?
"pero girlfriend niya ako.." Bulong ko. "Correction.. Fake girlfriend." sagot ko sa sarili ko. Napa-pout ako lalo. Oo nga pala fake lang nga pala ako..
Nakakainis naman eh! Paano kung magtanong sila ng magtanong? Huhu ("3)
Tok!Tok!Tok!
Tumambol ang dibdib ko sa gulat ng bigla na lang may kumatok.
"Hoy senyora,pinapatawag ka ni Madam. Kakain na daw po kayo." napairap ako sa pinto. Bwisit na Sarah to! Pag ako totoong naging senyora pagbabalatin kita ng isang sakong patatas! Bwisit!
Pero wait lang naman.. Di pa ko nakaka get over sa nangyari kanina sasabay pa akong kumain?
Eh kung wag na lang kaya? Sabihin ko kayang masama ang pakiramdam ko at hatdan na lang ako ng pagkain dito?
Ano yan? Amo ang peg?
Napakamot ako sa ulo ko. Bakit kaya laging kontra ang konsensiya sa isip ko? Bwisit.
Nag-ayos ako ng sarili ko bago lumabas ng kwarto. Kinkabahan pa rin ako habang papalapit sa kitchen.
"You know what? Monica is such a great kid. Hindi ko lang talaga alam kung bakit pa sila naghiwalay nitong si Robert." Narinig kong sabi ni Tita Candy.
Mabait si Tita Candy. Maganda pa at gustong gusto niya ako noon.
"Bakit ba kayo naghiwalay?" Gininaw ako ng marining ang malamig na boses ng halimaw. Gusto ko pa sana marinig ang isasagot ni Robert ng bigla akong makita ni Madam at tinawag.
"Hija, c'mere." Sayang naman. Sana nalaman ko na talaga kung bakit niya ako pinagpalit sa iba.
Naglakad ako palapit sa kanila. Nasa dalawang dulo sina Madam at Tita Candy at nasa dalawang gilid naman si Boss at Troy. Animan ang upuan kaya hindi ko alam kung saan ako uupo. Akmang uupo na ako sa tabi ni Troy ng magsalita si Boss.
"You should sit beside your boyfriend and not beside your ex." Nagulantang talaga ako sa sinabi niya. Halos lahat kami nakanganga lang sa sinani ng walang emosyon kong Monster Boss.
BINABASA MO ANG
My Monster Boss
Teen FictionHaving a hot and oh so handsome boss is super cool.. just like MY MONSTER BOSS