Monica's POV
"You should sit beside your boyfriend and not beside your ex." Nagulantang talaga ako sa sinabi niya. Halos lahat kami nakanganga lang sa sinabi ng walang emosyon kong Monster Boss.
Ano bang pinagsasabi niya? akala ko ba sa harapan lang ni Gia? Ano na naman ang pinaplano ng halimaw na ito?
Lahat kami tameme. Si Madam ang unang nagsalita.
"What do you mean,Brian?" Gosh! Eto na! Ipinahamak pa ako ng halimaw. Paano kung magalit si Madam? Palayasin niya ako? Susuhulan din ba niya ako ng pera para lang layuan si Boss?
Tiningnan ko ng masama si Boss at binigyan niya lang ako ng bored look. Hindi pwede to! Paano na lang ang pag-aaral ko?!
"Madam, hin—"
"You heard it right. Monica is my girlfriend." Napakuyom ako ng kamao hindi dahil sa galit kung hindi dahil pinutol niya ang sasabihin ko. Bakit kahilig niya po umepal pag magsasalita ako.
"Kailan pa?" Ayan galit na si Madam! Natatakot ako. Nakatayo pa rin ako sa harap nila. Si Tita Candy palipat lipat ang tingin samin. Si Troy naman tahimik lang at mukha pa ring gulat.
"last week. And Thank you for bringing her into my life,'ma." Duh!!! Ang drama niya! Kung hindi pa halos patayin na niya ako araw-araw bwisit siya.
"Well. I know Monica is a good girl. I'm not against with your relationship. I'm happy for you." Hay salamat naman! Nakahinga ako ng maluwag dun—teka! Hindi siya galit? Hindi niya ako susuhulan ng pera kagaya ng ginawa ni Donya Benita kay Amor para layuan si Eduardo?
Ibig bang sabihin...
"What do you mean Ma?" Pati si Boss nagtataka na.
"Actually, Tingin ko talaga bagay kayo ni Monic. That's why I decided to bring her in. And my plan worked. I'm so happy. Hija, sit beside Brian,please." nagulat man sa sinabi ni Madam umikot at naupo pa rin ako sa tabi ni Boss.
"ahem" Napatingin kami kay Tita Candy at pasimple niyang inginuso si Troy na nilalaro lang ang pagkain sa plato at tahimik lang.
"Oh, I'm so sorry. Let's eat." Sabi na lang ni Madam.
Brian POV
I can't believe this! All this time plano pala ni Mama ang lahat ng ito? Damn! Sigurado ako alam lahat ito ni Monica.
Naiinis ako pero ng makita kong affected si Robert napaisip ako. Kailangan kong gumanti.
"So Robert, are you staying here for good?" tanong ko. Tinaas niya ang tingin niya sakin at walang emosyon na nagsalita.
"Yes." Bigla akong nainis. Umuwi ba siya dito para balikan pa si Gia?
"Yes,anak. He'll be staying here for good. Nabili na nila ang kabilang bahay at doon siya titira. He also will continue his study sa university niyo. Isn't it fun?" Mama have no idea of what's happening kaya tumango tango na lang ako.
Tiningnan ko si Monic na tahimik na kumakain.
"Babe, okay ka lang?" Tanong ko. Nagulat yata siya kaya nasamid pa siya dahil sa iniinom na juice. Tss.
"Sorry. Ah..Eh.. oo, okay lang ako." Tumango ako.
"Brian, keep an eye to Robert oKay? me and your Mama will leave tommorrow for our new business." Ano ako? Devil's sitter? Pero hindi ako bastos kaya tumango lang ako.
Pagkatapos kumain pumunta ako sa terrace para manigarilyo. Nandoon din pala si Robert. Mukhang malalim ang iniisip.
Tumayo ako malapit sa kaniya kaya napatingin siya sakin.
"Hey." sabi niya.
"Hey." Sagot ko.
"Are you really her boyfriend? Or you just said that because you found out that I am her ex?" Bigla na naman akong nainis.
"She's really my girlfriend. Last week. August 8 to be exact." Sabi ko at hinithit ang sigarilyo ko.
"Congrats." Sabi niya. Tatalikod na sana siya ng magsalita ako.
" why did you order her to break up with me??" Hindi ko napigilan ang galit ko.
Hindi siya sumagot at umalis na sa harap ko.Naiwan akong inis na inis.
Monica's POV
Kanina pa ako pagulong gulong sa kama ko. Bwisit! Bwisit! Bakit ba niya kasi sinabi sa lahat na Gf niya ako? Ang sabi niya sa harap lang ni Gia.
Hay! Siguro dapat may additional payment ako dahil don.
Tok!tok!tok!
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa katok sa pinto ng kwarto ko.
"Monica,are you sleeping?" tanong ni Madam kaya bumaba ako sa kama para buksan ang pinto. Bumukad ang magandang mukha ng amo ko.
"Madam.." Mahina kong sabi.
"Can I talk to you Monica?" Tumango tango lang ako at binuksan pa ang pinto para makapasok siya. Dumiretso siya at umupo sa gilid ng kama ko.
Tahimik lang ako habang hinihintay na magsalita siya. Ang totoo kinakabahan ako.
"Monica, I'm sorry kung hindi ko sinabi sayo ang plano ko. Pero sobrang saya ko. Alam kong mabuti kang bata. You're better than that Gia. Ayoko sa kaniya." Hindi man lang ba sila nag-aalangan na ex-girlfriend ako ni Troy?
"Pero—"
"I know the truth.. Hindi ka totoong girlfriend ni Brian. But still, I want you to continue. Gusto kita para sa anak ko Monica." Hindi ako makapaniwala. Hindi ako nakakibo. Grabe na to! To the fifth power!
BINABASA MO ANG
My Monster Boss
Novela JuvenilHaving a hot and oh so handsome boss is super cool.. just like MY MONSTER BOSS